Entry #16

2.6K 58 8
                                    

Note: I finished this story since 2012, so the characters and songs that I used for the whole story is on the peek in that year. Thank you guys for reading! I love you all!

*

Entry #16

*Princess Kath's POV*

"Twin, sama ka?" tanong sa akin ni Julia. 

Nandito kami ngayon sa mini garden ng schook, kasama ko sila Julia at Kiray. Half day lang kami ngayon pinauwi agad kami ng maaga, ewan ko ba kung bakit.

"Saan?"

"Sa bahay nila Kiray."

" Anong gagawin doon?"

"Mag vevertical!" bigla akong natawa sa itsura ni Julia na naka-poker face pa.

"Gusto kayo makilala ni Mommy." biglang sabat sa amin ni Kiray.

"Sama ka na please?" pag papacute ni Julia. Nako! Matatanggihan ko pa ba ang mga ito?

"Sige." ngiting usal ko na ikinasaya naman nilang dalawa.

*Prince Dansom's POV*

Kakatapos lang namin mag laro ng basketball, practice lang namin para sa susunod na sport fest. Kasali na si Khalil sa team namin kaya medyo badtrip. Makita ko lang pag mumukha niya badtrip na agad.

Agad akong napakapa sa bulsa ko ng may naramdaman akong tumunog. Kinuha ko agad iyon at tinignan ang screen. Madaming text message na walang kwenta pero pumukaw sa atensyon ko ang text ni Julia.

Sandali ko iyon binasa at pinapapunta ako sa bahay nila Kiray, isama ko raw sila Diego, Neil, Ej at ang bwisit kong pinsan. Ano na namang kalokohan ng babaeng ito?

"Pinsan, tara na." biglang sulpot ni Khalil sa gilid ko.

Matalim ko namang siyang tinignan at bahagyang pinagtaasan ng kilay. "Bakit?" iritang tanong ko. Feeling close ang gago 'to!

Ngumiti naman siya ng malapad sabay turo sa cellphone na nasa palad ko. "Nabasa ko 'yung text! Tara na!" masayang-masaya na sigaw niya. Hindi kaya baliw na 'to?

"Alam mo ba na masama ang mag basa ng text ng iba?" mariin na tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang humagalpak ng tawa halos nakaka-agaw atensyon na siya ng mga tao dito. Bwisit! Baliw na yata talaga 'to!  

"Bakit ka tumatawa?!" may diin na bulong ko sa kanya.

Bahagya naman siyang tumigil sa pag tawa at humugot ng malalim na pag hinga. "Wala lang, masama ba?" usal niya at tumawa na naman.

Hindi ko na lang siya pinansin at inayos na lang ang bag ko. "Punta na tayo 'kila Kiray." biglang lapit sa akin ni Ej. Kasama na rin siya sa team, umalis na kasi si Albie dito sa school kaya siya ang pumalit.

"Oo. Tara na." iritang singhal ko sa kanila.

Makakasama ko na naman ang prinsesa ko!

*Khalil's POV*    

Nandito na kami ngayon sa bahay ni Kiray. Medyo nakakagulat dahil malaki pala ang bahay niya hindi kasi halata sa itsura niya. Joke!

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon