Entry #34

1.9K 40 6

Entry #34

*Prince Dansom's POV*

"Anong ibig mong sabihin?" pigil na pigil ako sa nararamdaman ko pakiwari ko ano 'mang oras sasabog na 'ko.

"Sorry Dansom.. Hindi ako si Kath, si Kate 'to.." naluluha na siya sa harap ko. Mariin ko siyang tinitigan at umiling sa harap niya.

Nag-lakad ako palayo sa kanya at lumabas dito sa hotel narinig ko tinawag niya ang pangalan ko at pilit akong hinahabol. "Dansom! Puntahan mo si Kath sa hospital hinihintay ka niya!" dinig kong sigaw niya na nag pahinto sa pag-lalakad ko.

Nararamdaman kong nanlalambot na ang tuhod ko, 'yung puso ko unti-unti ng nilalamon ng sakit.. "Ano!?" nilingunan ko siya. Nakita kong hingal na hingal siya habang isa-isang lumalabas sila Julia.

"Nasa NONTD Hospital si Kath. Puntahan mo. Matagal ka niyang hinihintay."

Walang atubiling pumara ako ng taxi, hindi ko alam ang gagawin ko.. Nanginginig na ang buong sistema ng katawan ko, ayokong tanggapin sa sarili ko ang katotohanang nabubuo sa isip ko.

Hindi ko matanggap na sa halos tatlong buwan.. Hindi pala si Princess ang kasama ko, hindi ang buhay ko.. Hindi ang buko ko.

Hindi ko ito inaasahan buong akala ko matapos ang gabing ito kami ng dalawa.. Buong akala ko masaya na. Alam kong may dahilan si Princess kaya niya ito ginawa.

Habang unti-unting natatanaw ko ang hospital hindi ko mawari kung kaya ko ba siyang puntahan.. Pero kailangan. Kahit masakit tatanggapin ko lahat. Tatanggapin ko siya.

Bumaba na ako ng taxi at agad na nag tanong sa kung saan ang kwarto ni Princess. Hindi ko pa nasasabi ang apelyido niya nang sinagot agad ako kung saan, may nag assist pa sa akin na isang nurse papunta roon.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya hindi ko malaman ang gagawin ko kung tama bang makita ko siya dahil hindi ako handa makita ang kalagayan niya.. Masakit para sa akin.

Hahawakan ko na sana ang door knob ng bigla itong bumukas. Bumungad sa'kin ang Mama ni Princess na halatang puyat na puyat. "Dansom." sambit niya sa pangalan ko.

"Si--si.. Princess po?" nanginginig kong tanong sa kanya.

Sandali niya akong tinitigan at humugot ito ng malalim na pag hinga. "Nasa loob siya."

Pinapasok niya ako sa loob at bumungad sa akin ni Princess na naka-higa sa isang puting kama habang maraming naka-tusok sa kamay niya.

'Yung buhay ko...

'Yung Prinsesa ko...

Dahan-dahan ako lumalapit sa kanya sa bawat pag hakbang ko unti-unting nahahati ang puso ko, sa bawat pag buntong hininga ko unti-unting namamatay ang buo kong pagkatao. Ayokong nakikita siyang ganito dahil nasasaktan ako.. 'Yung sakit na nararamdaman ng puso ko hindi ko maipaliwanag.. Para bang paulit-ulit akong pinapatay...

"Princess.." marahan at maingat ko hinawakan ang kamay niya habang naka-tayo ako sa gilid niya. "Gising na.." pinipilit kong wag pumiyok ang boses ko.. Ayokong marinig 'man niyang nasasaktan ako.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan at dinama ang malambot niyang palad sa palad ko. Sobrang pumayat siya at namumutla ang mukha niya. Maya-maya pa'y naramdaman kong gumalaw ang kamay niya at unti-unti siyang dumidilat.

"Prince..." untag niya ng masilayan ako ng mga mata niya.

Nginitian ko siya. "Gising ka na rin." bahagya ako umupo sa kama niya nang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

"Paanong nandito ka?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.

Maingat kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya at dahan-dahan ko itong inangat papunta sa pisngi ko. "Namiss kita." pumiyok ang boses ko. Hindi ko na nakayanan kusa ng lumabas ang mga luha sa mga mata ko.

"Sorry." dali-dali akong umiling sa harap niya. Mag sasalita na sana ako nang bigla niya akong pangunahan.

"Sorry kung nag sinungaling ako. Wag kang magalit kay Kate dahil ako ang may kasalanan sa akin ka magalit.. Kambal ko si Kate at napatunayan niya 'yon noong araw na nalaman kong mag kapatid kami 'yun din ang araw na nalalabing araw sa buhay ko. Noon pa 'man may sakit na ako at ang sakit ko wala ng lunas.. Ano 'mang oras mamamatay na ako. Araw-araw sinasabi sa akin ni Kate ang lahat ng nangyayari, binibisita niya ako dito at kinukwento ang nangyayari sa bawat araw na nag dadaan... Mga araw na hindi ko nasaksihan."

Tumulo ang luha niya pero agad niya rin itong pinunasan hanggang sa tuloy-tuloy lang ang pag daloy ng tubig sa mga mata niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at humikbi ito. "Prince... Mamamatay na ako." kung pwede lang akuin ang sakit niya ginawa ko na. Kung pwede lang sana...

"Hindi ako papayag gagawa ako ng paraan manalig lang tayo sa Kanya. Wag tayong susuko Princess.. Hinding-hindi kita susukuan."

Lumapit ako sa kanya at marahan siyang niyakap. "Kapag susuko ka na, ako ang lalaban. Kapag bibitaw ka na, ako ang mag tutuloy. Nandito lang ako Princess.. Ikaw ang buhay ko. Sayo ako. Ang buo kong pagkatao."

Magiging okay din ang lahat.. Wag lang tayong sumuko.

Bukas na bukas ipaparamdam ko kung gaano ko siya kamahal. It's now or never.. But I choose Now.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon