Entry #38

1.9K 34 4

Entry #38

*Princess Kath's POV*

"Twin, diyan ka lang muna may pupuntahan lang kami sandali."

Hindi pa ako pumapayag nang biglang tumakbo sila Julia, Yen at Kiray papunta sa kung saan. Wala ng natira dito kundi ako, mga gamit namin at ang mga pagkain! Ang weird nila! Kanina ang mga boys nag paalam pero hindi pa rin sila bumabalik hanggang ngayon tapos sila Julia naman. Kahit si Prince wala dito, ang weird nila!

Isang linggo na akong pumapasok sa school, lagi kong kasama si Prince lumipat na rin siya ng section sa amin nag request siya mismo sa principal at halos lumuhod na raw siya sabi nila Julia para lang daw pumayag.

Noong una pinag-chichismisan pa kami kasi biglaan na lang daw naging sweet sa akin ni Prince.. Kahit ako nabigla, pero nararamdaman kong mahal niya ako.. Kaso ayokong mag assume baka masaktan lang ako.

Kumain na ang ako ng sitsirya dito habang hinihintay sila. Nag-aya silang mag picnic kami dito sa isang park, pero mukhang mag-isa lang yata akong mag pipicnic dito. Nako!

Ilang minuto pa akong nag hintay sa kanila pero hindi pa rin sila dumadating hanggang sa malapit ko ng maubos ang sitsirya na kinakain ko. Napapabuntong-hininga na lang ako dito.

Maya-maya pa'y bigla na lang may lumapit sa aking kulay blue teddy bear na mascot! "Hala!" bulaslas ko. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa nilatag naming sapin dito. Tumingin-tingin ako sa paligid ko nang napansin kong unti-unti nang nag sisilapitan ang mga tao. Napatuon muli ako ng tingin sa mascot na nasa harap ko. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o mapapahiya... Nang bigla niyang ibigay sa akin ang tatlong rosas na nasa kamay niya. Muli akong tumingin sa paligid ko, unti-unti nang nag bubulungan ang mga tao. Tinignan ko muli ang mascot na nasa harap ko, bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko at inilagay ang rosas doon. Naguguluhan na lang akong tinanggap 'yon. Nasaan na ba sila Julia?!

Ilang segundo akong napatitig sa mascot, bahagya pa itong napakamot sa ulo niya. Bigla akong natawa sa ginawa niya. Ang cute niya!

Nagulat ako sa pag tugtog ng gwiyomi song, hinanap ko ang tunog na 'yon at hindi ko alam kung saan nang gagaling! Muli akong napatingin sa mascot na nasa harap ko. Medyo na bigla pa ako sa pag gwiyomi niya sa harap ko! Gumaya na rin ako habang natatawa, rinig na rinig ko ang pag tatawanan ng mga tao dito ngayon. Nang matapos na ang pag gwiyomi ng blue bear mascot. Dahan-dahan niya tinanggal ulo ng costume...

"Prince!?" halos nanlalaki ang mga mata ko ngayon. Naramdaman ko na lang bigla ang pag bilis nang pintig ng puso ko.

Pinasadahan niya ng kanyang palad ang pawis niyang buhok at bahagyang tumingin sa mga tao rito sa paligid namin. Bigla na lang sumulpot si Khalil na may dalang gitara at inabot 'yon kay Prince.

Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.. "Wala ng paligoy-ligoy pa. Mahal kita." bahagya siyang napahinto sa pag-sasalita. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao. Diretso lang siyang naka-tingin sa mga mata ko at ganoon din ako sa kanya. 'Yung puso ko.. Yumayanig na parang gustong kumawala sa dibdib ko, pakiramdam ko 'yung kaluluwa ko unti-unting inaagos papunta sa kanya. Nakakapanlambot.. "Mahal kita, na kahit kaluluwa ko tinangay mo na papunta sayo, mahal kita na buong puso ko ikaw lang ang may sakop nito, mahal kita na buong pagkatao ko para sayo lang, mahal kita Princess.. Na buong buhay ko igugugol ko sayo. Mahal na mahal kita, sayo ako at wala ng may mag-aari pa ng kahit sino." hinawakan niya ang dibdib niya kung saan nandoon ang puso niya. "Sa tuwing kasama kita, kahit mag katabi lang tayo o kahit naiisip kita lagi kong nararamdaman 'yung ganitong tibok.." dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata niya. "Sa tuwing pipikit ako ikaw lang ang nakikita ko.." muli siyang dumilat na may ngiti pa rin sa labi niya. "Mahal na mahal kita.. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano kita kamahal pero... Mahal na mahal na mahal kita. Higit pa sa sobra.."

Natameme lang ako ngayon sa harap niya, hindi ako makapag-salita.. Dahil 'yung puso ko sumisigaw na sa sobrang saya.

Inayos niya ang gitarang hawak niya at muling tumingin sa akin. 'Yung ngiti niya hindi pa rin nawawala sa mga labi niya.

♫♪Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin

At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?

Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba♫♪

Ang lamig ng boses niya.. Para bang hinehele ako, para bang dinadala ako sa kakaiba mundo.

♫♪Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?

Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang ♫♪

Hindi 'man niya alam na mahal ko siya pero alam ko.. Alam ng mga puso namin 'yon, alam kong nag-uusap at mag kakonekta ang puso naming dalawa.

 ♫♪Kahit ano'ng mangyari, pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin

Kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin

Ang mahal, maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na ♫♪

Alam ko langit siya, lupa ako. Hindi kami pantay ng estado sa buhay. Sikat siya samantalagang ako wala lang sa mundo, gwapo siya samantalang ako simple lang.. Walang ganda ika nga.

Pero hindi naman 'yon hadlang para hindi kami mag mahalang dalawa.

♫♪At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala

Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo

Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang ♫♪

Kung mawala 'man ako dito sa mundo at mabubuhay ulit ako. Pipiliin kong siya pa rin ang mamahalin ko hahanapin ko siya. Kung mabuhay din siya sa ibang katauhan.. Hahanapin ko pa rin siya.

♫♪Umasa kang maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na 

At kung di ka makita, makikiusap ka'y bathala

Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo

Ang nakalimutang sumpaan

Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang♫♪

Natapos na siyang tumugtog, parang akong nalulusaw sa mga titig niya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin at nang nakalapit na siya naramdaman ko na ang ang pag punas niya sa mga mata ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Princess, alam kong hindi pa huli ang lahat. Mag sisimula ulit tayo, kung malapit ng mag tapos uulit tayo sa umpisa.. Ayokong matapos ang lahat ng ito. Kahit paulit-ulit okay lang basta kasama kita." nagulat ako sa biglang pag luhod niya sa harap ko. Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa akin.

"Princess, be my life."

"Prince...."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon