Entry #15

2.3K 34 3

Entry #15




*Kiray's POV*

 

Sabado ngayon at napag-desisyonan naming pumunta sa bahay nila Kath. Hindi kasi siya pumasok kahapon dahil daw sinusumpong siya ng hika niya. Nitong mga nakaraang araw napapansin kong nang-hihina siya at parang nawawalan ng sigla sa katawan.

"Kiray, papasok na ba tayo?" biglang tanong sa akin ni Kuya Neil na halatang irita na.

"Gosh is so init in this place." maarteng reklamo ni Kate.

Kasama namin si Kate at Ate Yen. Hindi ko nga alam kung bakit sila sumama bigla na lang tumakbo sila papunta sa amin tapos nag pumilit na sumama. Ang weirdo ng dalawang mag kaibigan na ito! Kaloka!

Halatang naiinis si Dansom kay Kate kasi sobrang arte niya, pero naninibago ako kay Ate Yen na tahimik ngayon. Ang awkward siguro nila ni Kuya Neil, itinigil na kasi ni Kuya Neil ang panliligaw niya kay Ate Yen. Hindi pa dapat sasama si Dansom sa amin pero pinilit namin siya ang arte pa ng loko!

"Tara na." sambit ni Julia. Dahan-dahan itong kumatok ng tatlong beses sa pinto nila Kath.

Maya-maya pa'y may lumabas na middle age na babaeng naka-daster at naka-ngiti sa amin. Ito yata ang Mama ni Kath. "Julia! Bakit kayo naparito?" tanong nito at sandaling sinulyapan kaming nasa likod lang ni Julia.

Nakita kong ngumiti si Julia sabay tingin sa amin. "Gusto lang po namin kamustahin si Kath." aniya niya. Tumango naman ang Mama ni Kath, ipinakilala kami ni Julia isa-isa hanggang sa mapunta 'kila Ate Yen at Kate.

"At si Ate Yen." sabay turo kay Ate Yen, kumaway naman ito. "Hmm.. Si Kate.." nahihirapang pakilala ni Julia.

Binaling ko ang tingin ko sa Mama ni Kath, halatang gulat na gulat ito at halos laglag ang panga sa sobrang pagkabigla.

"Pa-pasok k-kayo.." nauutal at natataranta nitong sambit sa amin.



*Kate's POV*

Base on my research 9% sa buhay ng tao ang makatagpo ng kamukha nila. Weird dahil hindi naman kailangang kamukhang-kamukha..



Noong unang pag kakita ko kay Kath ang gaan ng loob ko.. Masungit ako sa kanya pero pinipilit ko lang 'yon dahil gusto kong magalit sa kanya, gusto ko siyang kamuhian pero hindi ko magawa. Sobrang weird ng naramdaman ko, para bang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya, para bang ang tagal ko ng siyang kilala. Kaya kahit imposible hindi ko maalis sa isip ko ang bumabagabag sa nararamdaman ko. It's just a weird feeling that I can't explain..

Kanina sa bahay nahuli kong nag-aaway sila Daddy at Mommy. I'm so tired of this life.. I always asking myself why all of the sudden I experiece this kind of sh1t? Always..



Yes. I have all the things I want.. But it's just a material thing. Hindi maintindihan nila Mommy at Daddy na gusto kong maramdaman ang attention nila lalo na 'yung pag-mamahal nila. Akala ko kapag umuwi na kami dito sa Pilipinas magiging masaya na ako.. Pero hindi e.. Dahil mas lalong lumala.



Hindi ko sinasadyang marinig na nag-aaway sila. Kung tutuusin sanay na ako sa bangayan nila tungkol sa trabaho. But this time its about me... Hindi ako ang tunay nila anak. For all this years i'm just an adopted child..

Masakit... Pero pinipilit kong hindi ipahalata. Nakita ako nila Mommy at Daddy na nakikinig sa kanila, gusto kong magalit sa kanila, gusto kong umiyak sa kanila kanina pero ano bang karapatan ko? Isang sampid lang ako sa pamilya nila.. Isa lang akong ampon.



Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon