Entry #20

2.1K 30 3

Entry #20

*Princess Kath's POV*

Dear Riri,

 

                Hi Riri! Medyo masaya na malungkot ako ngayon. Masaya ako kasi na kasama ko si Khalil sa birthday niya at alam mo ba na siya rin pala 'yung batang lampa noong grade 4 pa lang ako! Hindi ko nga akalain na siya iyon at ang kasabihan nga sa bawat ngiti o saya na nararanasan mo laging kasunod niyan kalungkutan. Umamin sa akin si Khalil na mahal niya ako. Pero hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal niya. Kasi isang tao lang. Isang tao lang ang mahal ko. Si Prince Dansom Smith Padilla lang. Hindi ko na binigyan ng chance si Khalil kasi alam ko naman na wala na talaga siyang pag-asa. Tska friends naman kami.. Bestfriend.

PS: Bukas mag sisimba kami nila Mama at Papa. And take note. Kasama pa si Kate!

 

Kakauwi ko lang kasi galing nga sa Amusement Park. Kung saan kasama ko kanina si Khalil, alam kong nasasaktan siya pero bilib ako sa kanya dahil kahit alam na raw niyang may mahal akong iba nagawa niyang umamin sa akin.

Gusto kong mahalin si Khalil na higit sa pagkakaibigan namin pero hindi ko kaya dahil si Prince lang talaga..

*Kate's POV*

"Ma'am Kate, nandito na po 'yung result ng DNA Test." simpleng bigay sa akin ng pinagkakatiwalaan kong katulong namin.

"Salamat manang." usal ko at ibinigay na niya sa akin ang isang puting envelope.

Kinuha ko 'yon sa mga kamay niya at sinabi kong lumabas na siya ng kwarto ko.. Hindi alam nila Mommy at Daddy ito. Napatitig ako sa envelope na hawak ko, kinakabahan ako.. Pakiwari ko kakapusin ako ng hininga sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Bubuksan ko na sana ang envelope nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad kong itinago sa ilalim ng unan ko ang envelope na 'iyon, tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Pumasok si Mommy at Daddy na halatang natataranta at hindi mapakali. "Anak." usal ni Daddy sa akin. Bahagya silang lumapit sa akin.

"What are you doing here? Get out of my room now." matigas kong utos sa kanila. Ayoko ng makinig sa lahat ng kasinungalingan nila.. Napapagod na ako sa buhay kong 'to. I want to stop this.. This crap life.

"Kate. Watch your words!" sigaw sa akin ni Daddy. Bahagya akong napangisi habang pabalik-balik ang tingin ko sa kanila ni Mommy.

Hindi mawala ang kaba sa nararamdaman ko.. Sa mga tinginan nila Mommy at Daddy alam kong may gusto silang sabihin sa akin.

"Kate, I have something to tell you.." nanginginig na sabi sa akin ni Mommy.

Hindi ako nag-salita at nag hintay ng sasabihin niya. "Me and your Dad decided to tell you the truth."

"What is it?"

*Princess Kath's POV*

"Anak. Saan na si Kate?" tanong sa akin ni Mama.

Maaga kaming pumunta dito sa simbahan para hintayin si Kate, pero natapos na ang isang misa wala pa rin siya. Sabi ko 'kila Mama at Papa na ako na lang mag hihintay sa kanya pero hindi sila pumayag. Ang weird nilang dalawa, para bang sabik na sabik makita si Kate.

Ilang minuto pa kaming nag hintay hanggang sa may na aaninag akong tumatakbo papalapit sa amin. "Kate!" sigaw ko habang kinakawayan siya.

Bahagya kong nilingunan sila Mama na kumakaway din pala sa kanya. 'Yung mga ngiti nila ni Papa.. Kakaiba.

Nang lumapit siya sa amin binati niya muna sila Mama.. Nararamdaman kong ang daming naka-tingin sa amin, siguro dahil sobrang mag kamukha kami ni Kate. Ito na naman ang weird feeling kapag kasama ko siya, ang saya-saya ko.. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito.

Pumasok na kami sa loob ng simbahan at habang nag mimisa pasulyap-sulyap sa akin ni Kate na para bang ang saya-saya ng mga mata niya, sa tuwing nag kakasalubong ang mga mata namin nginingitian ko na lang siya.

*3rd Person's POV*

Nang matapos ang misa niyaya nilang mag meryenda si Kate sa bahay nila Kath, masayang-masaya naman na pumayag si Kate dahil pakakainin siya muli ng bico. Nang makapasok sila sa bahay nila Kath, nag paalam itong mag papahinga muna sa kwarto niya dahil sa hilong nararamdaman niya.

Naiwan sa sala si Kate kasama ang magulang ni Kath. Kaninang nag mimisa sila simpleng kinausap ni Kate ang Mama ni Kath na may mahalaga itong sasabihin.

"Kate, ano ba ang sasabihin mo?" tanong nito sabay sulyap sa kanyang asawa at muling sinulyapan si Kate.

Bahagyang may inilabas si Kate na isang envelope sa handbag na dala niya. "Sa buong buhay ko inakala kong sila ang pamilya ko.." nanginginig na usal ni Kate sa harap ng mga magulang ni Kath.

Hindi lingid sa kanilang kaalam, lumalabas si Kath sa kanyang kwarto at dahan-dahang bumaba sa kanilang hagdan dahil gusto niyang gulatin si Kate.. Ngunit siya yata ang nagulat sa mga sunod niyang narinig.

"Inamin nila sa akin ang lahat-lahat.. Naiintindihan ko po kayo.." huminto ng bahagya si Kate sa kanyang pag-sasalita at hindi napigilang humikbi sa harap ng magulang ni Kath. "Pero po.. Ako mismo ang nakatuklas na totoo.. Gusto kong malaman ang totoo kung bakit sobra kaming mag kamukha ni Kath." humihikbing usal nito.

Nanatiling nasa ibaba ng hagdan si Kath at pilit nakikinig sa mga sinasabi ni Kate. Nararamdaman niyang tila may bumabara sa kanyang lalamunan, gustuhin 'man niyang lumapit doon ngunit mas gusto na lamang niyang makinig at malaman ang lahat-lahat..

"Hindi ko po inaasahan ito.. Masakit kasi ang inaakala kong magulang ko ay hindi ko pala kadugo."

Napasapo si Kath sa kanyang dibdib at pilit nilalaban ang paninikip nito.. Doble-doble ang sakit na nararamdaman niya.. Pakiwari niya hindi na niya alam ang gagawin sa buhay niya.

"Tignan niyo po ang resulta." usal ni Kate habang inaabot ang envelop sa Mama ni Kath. Umiiyak na rin ito at hindi matanggap ang kanyang ginawa noon.

"Patago akong kumuha ng buhok kay Kath at pina-DNA test ko.." paliwanag ni Kate.

"Positive.."

Hagulgol na usal ng kanyang Ina at agad niyang niyakap si Kate.

Hindi alintana sa kanilang unti-unti ng nang-hihina si Kath at sobra na ang paninikip ng dibdib nito. Rinig na rinig ng kanyang dalawa tainga ang katotohanan... Nag punas siya ng luhang tumutulo sa mga mata niya ngunit patuloy lang ang pag agos nito.

Bahagya siyang nag-lakad papunta roon sa kinaroroonan nila Kate. Mag sasalita na sana siya nang bigla niyang maramdaman ang pang-hihina ng buong katawan niya kasabay 'nun ang pag dilim ng buong paligid niya..

"Kath!!"

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon