Entry #18

2.1K 37 6

Entry #18



*Princess Kath's POV*



"Huh?" nagulat ako nang maramdaman kong may naka-suksok na earphone sa tainga ko. Hindi ko na nilingunan kung sino ang nag-lagay 'non dahil sa amoy pa lang niya kilalang-kilala ko na lalo na ang pamilyar kong nararamdaman kapag katabi ko siya.


Hinihintay kong magkaroon ng tunog ang earphone pero lumipas na ang ilang minuto wala pa rin itong tunog. Simple akong tumingin sa kanya at nakita kong diretso lang siyang naka-tingin sa nag kukulitan na barkada.


Ilang linggo na rin ang nakaka-lipas, lagi na kaming mag kakasama after class, dito sa MG ang tambayan namin, naudlot ang pag date kuno namin ni Khalil dahil sa ginagawa naming project nila Julia, pero this week ang usapan naming ituloy, sa linggo naman niyaya ako ni Kate na mag simba at isama ko raw si Mama.


Kung tutuusin wala na akong mahihiling pa.. Masayang pamilya, masayang mga kaibigan at si Prince na laging nasa tabi ko lang. Okay na sa akin kung hindi rin niya ako mahal kahit papaano nakakasama ko siya sa natitirang araw ko dito. Hindi ko pa rin na aamin ang kalagayan ko, masaya sila at ayokong mag bigay problema sa kanila.

 

"Minsan, kailangan mong mag panggap na hindi mo sila na ririnig para malaman mo kung sino ang totoo sayo." biglang utas niya habang diretso pa rin ang mga tingin niya.

"Lagi kang naka-earphone kaso wala naman sound?" kunot-noo kong tanong sa kanya sabay iwas ng tingin.

 

"Oo.. Hindi kailangan minsan mag tiwala sa mga taong naka-paligid sayo. Minsan sila 'yung pinagkakatiwalaan mo, kaso sila rin ang mga kaaway mo." 

 

Huh? Anong ibig niyang sabihin doon?

Bigla ko siyang tinignan hindi ko inaasahan na naka-tingin din pala siya sa akin.. "Huh? Anong---"

"Wag mo na isipin 'yung mga sinabi ko basta poprotektahan naman kita kahit anong mangyari." usal niya sabay ngiti sa akin.

 

Sa tuwing nginingitian niya ako lalong nag huhuramentado ang pag bilis nang tibok ng puso ko lalo na ang pag dagundong nito.


Bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Weird mo." bulong ko.

"Weird ba ang ngumiti?" na aaninag ko sa gilid ng mata ko na naka-tingin pa rin siya sa akin habang naka-ngiti.

"Weird kapag ikaw."

"Okay lang maging weird.. Para sayo naman."

Ugh!! Ano ba 'tong lalaki na 'to! Hindi na naman yata ako patutulugin mamayang gabi sa sobrang kilig!



"May ginawa akong kanta gusto mo pakinggan?" biglang tanong niya, mabilis ko siyang sinulyapan at tumango sabay iwas ulit ng tingin. Hindi ko yata kayang titigan ang mukha niya! Baka maaga akong mamatay!


Bigla ko na lang narinig na may nag play ng music sa earphone na nasa tainga ko pa rin.

Nakaupo siya sa isang madilim ng sulok

Ewan ko ba kung bakit
Sa libo libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa ‘yo

Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana’y
Mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung ‘di lang sa lalaking kayakap mo 

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon