Entry #01

3.7K 32 1

Entry #1

"Kath!" bahagya akong napahinto sa pag-lalakad at napalingon ako sa tumawag sa'kin. Nakita ko naman ang bestfriend kong si Julia na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko.

"Oh?" bungad kong tanong sa kanya nang nakalapit na siya.

Humugot naman siya ng malalim na pag-hinga habang naka-ngiti. "Akala ko hindi mo na ako hinintay." aniya nang hinihingal pa rin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nag-simulang mag-lakad.

Si Julia, bestfriend ko simula grade 1, siya na ang lagi kong kasama. Sa kanila na rin nag tatrabaho si Mama bilang taga-laba. Hindi naman kami mayaman hindi rin mahirap pero sa estado ng pamumuhay ni Julia, masasabi kong angat na angat siya.

"Twin! Si Dansom nasa likod pala natin." nang narinig ko 'yon awtomatiko akong napalingon sa itinuturo ni Julia sa likod namin.

At nakita ko ang prinsipe ko..

***

"Grabe.." ngiting-ngiti pa rin ako habang inaalala ang nangyari kanina.

Hindi naman 'yon ang una naming mag kasabay pumasok pero 'yung pakiramdam ko hindi nag-iiba sa tuwing nangyayari 'yon.. Nag huhuramentado pa rin ito sa sobrang bilis ng pag tibok at halos lumabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pag dagundong...

Weird.. Pero 'yon ang nararamdaman ko..

Dear Diary

                  Riri! Ang saya-saya ko! Hindi ko inaasahan na naka-sabay ko siya kanina sa pag pasok, kaso hindi naman niya ako pinansin pero okay na 'yon atleast kahit sandali naka sama ko siya.

Ininara ko na ang diary ko at bahagya ko itong niyakap sa dibdib ko. Lagi akong nag-susulat sa diary na ito sa tuwing may maganda at pangit na nangyayari sa akin. Pero lahat ng 'yun tungkol lang sa kanya.. Umaasa kasi ako na balang araw, maibibigay ko rin sa kanya ang diary na ito..

*Dansom's POV*

Dear Diary,

                   Hindi ko alam kung bakit naisipan kong mag diary. Effective raw kasi 'to kapag may nararamdaman ka pero hindi mo masabi sa iba. Anak naman ng teteng oh! Pero hindi bale, para naman sa kanya 'to. Alam mo ba diary na naka-sabay ko siya sa pag-pasok kaninang umaga. Ang saya ko diary! Ang kaso lang, pinangunahan naman ako ng pagiging torpe! Pero, ayos na rin sa akin 'yon! Masaya na ako ng naka-sabay ko siya.

Isinara ko na ang letseng diary na ito at nahiga sa kama ko. Ibinigay lang sa'kin 'to ni Neil. Bwisit 'yun dapat daw mag diary ako. Ako naman si tanga sinunod ko naman siya, pero maganda na rin ito para dito ko ilalagay lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.

"I less than three you my Princes..." bulong ko sa sarili ko habang ipinipikit ko ang mga mata ko.

Kailan ko kaya masasabi sa kanya ang mga katagang 'yan? Pero asa pa ako, hindi naman yata mangyayari 'yon! Anak ng teteng oh!

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon