Entry #40

1.8K 29 7

Entry #40

*Princess Kath's POV*

Nakakainis! Bago pa lang kami tapos umeksena pa 'yung Honey na yun! Nakakainis pa 'yung pangalan niya! Parang endearment! Nakakainis!

"Nakakainis!!!"

Nag lalakad lang ako papunta sa bahay namin! Ako lang mag-isa umuwi! Nakakainis talaga! Kahit pinag-titinginan ako ng mga tao! Wala akong paki! Basta naiinis ako kay Prince lalo na sa Honey! Masyadong clingy kanina! Bwisit! Tapos 'yung feeling na nandoon lang ako sa tabi ni Prince, tapos naka kita lang siya ng maputi iniwan na ako! Hindi na ako pinansin! Simula kaninang dumating si Honey lagi na niya 'yon inaasikaso na para bang wala lang ako sa kanya!! Bwisit! Hindi naman ako nag-seselos e. Naiinis lang ako!

Bubuksan ko na sana ang gate namin nang makarinig ako ng mga yapak sa likuran ko. Nararamdaman ko na namang nag huhuramentado ang pag tibok ng puso ko.

"Selos ka?"

Mariin akong napa-pikit at pilit binabaliwala ang tinig na 'yon.. Kaso mukhang nag kamali yata ako ng ginawa, dahil sa pag pikit ko mukha niya ang rumerehistro sa isip ko.

"Nag seselos ka 'no?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko, nanindig na naman ang balahibo sa katawan ko at 'yung puso ko.. Nag huhuramentado ito sa sobrang bilis.

Naka-pulupot ang braso niya sa bewang ko at 'yung ulo niya naka-lagay sa balikat ko. Naka-yakap siya sa akin mula sa likod, halos nararamdaman ko na rin ang mabilis na pintig ng puso niya.

"Mahal kita."

Sa bawat pag salita niya para niya akong kinakantahan ito na naman 'yung pakiramdam na may sarili kaming mundo.

"Doon ka na kay Honey." matigas na usal ko sa kanya. Gusto kong tanggalin ang braso niyang nasa bewang ko pero hindi nakikisama ang buong sistema ng katawan ko!

"Ayoko. Sayo lang ako." ito na naman 'yung pakiramdam na umaalon ang puso ko papunta sa kanya.. I love this man.

Naramdaman kong humihiwalay siya sa pag kakayakap sa bewang ko at dahan-dahan niya akong hinarap sa kanya. "Buko listen please. You're my Princess and my life. Tayong dalawa lang, walang Honey o kahit sino pa. Ikaw lang, okay? Wala akong paki sa iba sayo lang ako hanggang sa kabilang buhay ko. Tandaan mo 'yan ah? Kung hindi araw-araw ko sayong ipapaalala." nalulusaw ako sa mga titig ng mata niya para bang tumatagos sa kaluluwa ko ang pag titig niya. Nararamdaman ko na naman ang panlalambot ng puso ko. "Ikaw lang ang mahal ko wala ng iba. Wala akong pakialam sa mga nangyayari sa paligid ko dahil ikaw lang naman ang pakikialaman ko. Sa bawat pagkatao ko pag mamay-ari mo 'to. Walang kahit sino.. Ikaw lang Princess.. Ikaw lang."

Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malambot na labi niya sa noo ko.

Ikaw lang din Prince.. Ikaw lang ang buhay ko.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon