Entry #26

2K 28 5

Entry #26



*Prince Dansom's POV*


"Pinsan, nakaka-bagot dito sa bahay." untag ni Khalil habang naka-palumbaba dito sa harap ko.

"Pakamatay ka para di ka mabagot." hindi ko alam kung bakit nandito 'yung baliw na 'to. Masyadong makulit! Kanina pa ako kinakausap ng kung ano-ano. Wala na ngang pasok tapos makikita ko pa ang baliw na 'to!

"Alam ko na!"

"Anak ng teteng! Ano ba!?"

"Dota na lang tayo!"

"Tinatamad ako."

"Ang sabihin mo weak ka lang talaga!"

"Gago! Ikaw 'tong weak!"


Daldal lang siya nang daldal ng ano-ano. Habang ako busy sa pag tunganga. Ugh! This is boring! I miss Princess.. Kung puntahan ko kaya siya? Yayain makipag-date? Okay lang kaya? O baka masyado naman yata akong nag mamadali? Nahahalata na kaya niyang may gusto ako sa kanya? Action is greater than words naman diba?


"Ugh!!" marahas akong napa-sabunot sa mukha ko at napahilamos gamit ang mga palad ko. Puro na lang ako tanong sa isipan ko. Masyado na yata ako napapraning sa buhay ko!

"Hoy pinsan! Anong nangyayari sayo?" tanong niya habang nag pipigil siya ng pag tawa.

"Bwisit! Namimiss ko na 'yung buko 'ko!!"

Bigla siyang humagalpak tawa sa harap ko. Simple akong kumuha ng unan dito sa sofa na inuupuan ko at marahas kong binato sa kanya 'yon. Gagong 'to pinagtawanan na naman ako! "Teka lang!" natatawang sambit niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Gago ka! Umalis ka dito sa bahay! Bwisit ka!" iritang singhal ko sa kanya.

Umiling-iling siya habang tumatawa. "Kapag aalis ako dito lalo ka lang kaboboring!"

"Nakaka-buryo 'yang pag mumukha mo. Konti na lang sasapakin na kita!"

"Eto naman biro lang! Okay ganito." saglit siyang huminga ng malalim at umayos ng upo. "Pupunta sila Neil at Diego dito. Tapos pupunta tayo 'kila Julia." seryosong saad niya pero may ngisi sa labi niya.

Bigla naman akong na excite sa sinabi niya. "Ano bang meron 'kila Julia?" simpleng tanong ko, baka kapag inamin kong na eexcite ako lalo lang akong asarin nito.

"May girls bonding daw sila."

"Nandoon 'yung buko 'ko?"

"Putek! Buko ka ng buko!"

"Buhay Ko! Tanga ka kasi! Si Princess! Nandoon ba siya?"

"Oo." simpleng sagot niya at napasimangot siya.

"Oh ano pang hinihintay natin? Tara na!" tatayo na sana ako sa pag kakaupo ko nang bigla niya akong pigilan.

"HEP! Hintayin natin sila Diego."

Bahagya akong napakamot sa batok ko sabay dukot ng cellphone sa bulsa ko. "Tetext ko sila tagal ng mga kupal na 'yon."


"Kupal ba kamo? Sige. Uwi na lang kami." sabay kaming napatingin ni Khalil sa biglang nag salita di kalayuan sa sala namin.

"Hoy dude!" bati ni Khalil sa kadarating nila Neil at Diego. Tumayo si Khalil at sinalubong ng pagbabatok sila. "Ang tagal niyo!" singhal ni Khalil.

Ginantihan naman nila Diego at Neil ng mas malakas na batok si Khalil. "Pasalamat ka nga at pumayag pa ako sa plano mong hayop ka! Si Ej nandoon na, gago 'yon hindi nakapag-hintay." sambit ni Neil habang nag-lalakad papunta sa gawi ko at umupo ito sa sofa.

"Oh tara na! Punta na tayo." usal ko at wala na silang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ko.


***

"Girls bonding kasi at hindi kayo kasama!" pag tataray ni Julia sa amin nang makarating kami dito. Napansin kong hinawakan ni Diego ang palad ni Julia at bahagya naman itong namula. Girls are always be girls.

"Namiss lang kasi kita." sambit ni Diego. Ngumiti si Julia at napabuntong hininga.

"May magagawa pa ba ako?" usal nito sabay tingin sa katabi niyang si Diego.

"Tara na! Kain na tayo!" biglang sigaw ni Khalil na agaw eksena kahit kailan.


Inilibot ko ang mga mata ko sa garden nila Julia. Mayaman din sila Julia, bussiness man at woman ang mga magulang niya at halos pabalik-balik na lang sa mga ibang bansa. Richkid.


Hindi ko alam kung mabilis ang mata ko o malinaw lang talaga pag dating sa prinsesa ko. Simple akong napangiti at nag lakad papunta sa gawi niya na tumitingin ng mga bulaklak na tanim dito. "Princess." sambit ko nang maka-lapit na ako.

Bahagya siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Nandito ka rin pala."

"Oo naman basta para sayo." usal ko at kinindatan ko siya.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin sabay hawak ng bulaklak sa harap niya. "Ilang taon na akong nabubuhay sa mundo pero alam mo bang hindi pa ako nakaka-kita ng pinaka-maganda bulaklak?" usal ko at bigla siyang tumingin sa akin. Dahan-dahan siyang nginitian at hinawakan ang ilang hibla ng buhok niya na natatakpan sa mukha niya. "Pero simula noong nakilala kita.. Nasabi ko na lang sa sarili ko.. Kailan pa naging tao ang isang napaka-gandang bulaklak na katulad mo?" dugtong ko, inilagay ko sa gilid ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya at nginitian siya.

Napansin kong namula siya at ngumisi sa harap ko. "Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pambobola mo." natatawang untag niya at tumingin ulit siya sa mga bulaklak.

"Totoo kaya 'yung sinabi ko." bahagya siyang tumawa at nag kibit-balikat na lang.


Ilang sandali kaming tahimik habang naka-tayo at naka-titig lang sa mga bulaklak at halaman na nag sasayawan sa harap namin. Nararamdaman ko ang malakas na simoy ng hangin dito.. Pakiwari ko kami lang ang nandito ngayon, wala akong naririnig tanging pag tibok lang ng puso ko.. Nag huhuramento ito sa sobrang bilis. Pakiwari ko nasa iba kaming mundo.. Nasa sarili naming mundo.


"Oy." untag ko sabay kalabit sa kanya.

"Bakit?" tanong niya sabay hawak sa bulaklak na nasa harap niya.

"Oy." usal ko ulit sabay kalabit sa kanya.

"Ano nga?" tanong niya ng hindi pa rin tumitingin sa akin.

Kinalabit ko ulit siya. "Oy."

"Ano ba?!" medyo irita niyang tanong sabay sulyap sa akin.

Naka-taas ang kilay niya pero nginitian ko naman siya sabay kindat.


"Only You, I less than three you."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon