Entry #19

2.2K 35 5

"Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga."

- Bob Ong

*

Entry #19

*Khalil's POV*

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta mag hintay ka lang malapit na tayo."

Halos pangatlong beses na yata 'yan itinanong sa akin. Kahit kailan talaga itong si Kit-Kath makulit! Ito na ang hinihintay kong araw na maging isang prinsipe sa buhay niya, naudlot 'man noong nakaraan ang date namin itutuloy pa rin namin ngayon. Ito ang araw na ipaparamdam kong mahal ko siya at aamin na ako sa kanya. Hindi lang bastang isang kaibigan. It's now or never.

Nang makarating na kami sa Amusement Park na pag mamay-ari ng tito. Napansin kong napalitan ng isang ngiti ang naka-busangot niyang mukha. Dito ko siya dinala dahil alam kong paborito niya ito. Naki-usap ako sa tito ko na arkilahin ang amusement park na ito, pumayag naman siya dahil isang araw lang naman itong isasara.

Masayang-masaya siyang bumaba sa sasakyan na hiniram ko lang kay Mommy kasama ang driver. "Ang ganda dito! Ang tagal ko ng hindi nakaka-punta dito!" singhal niya habang ngiting-ngiting inililibot ang tingin niya sa paligid.

Napangiti na rin ako sa inasal niya, hindi na kami nag sayang ng oras pa. Isa-isa na naming sinakyan ang mga rides dito. Sobrang saya ng nararamdaman ko.. Ito na talaga ang pinaka-dabest birthday sa buong buhay ko.

Dapat kasama ko sila Mommy ngayon pero hiniling kong saka na kami mag cecelebrate dahil gusto ko si Kath ang kasama ko sa pinaka-importanteng araw sa buhay ko. Gusto ko may isang pangyayari sa buhay niya na naka-sama ko siya ng ako lang. Ako lang ang mag-aalaga sa kanya. Kahit ngayong araw lang.

Lahat ng oras naka-ngiti lang ako sa kanya. Alam ko lahat ng taong nakaka-kilala sa akin ang alam na masayahin ako pero tao rin naman ako. Nasasaktan.

Mas masakit ung tipong ang alam ng mga tao na laging kang okay na lagi kang masaya pero ang hindi nila alam.

Sa bawat ngiti na pinakikita mo sa kanila.

Sa bawat pag halakhak na pinaririnig mo sa kanila.

Katumbas 'nun ang milyong-milyon na sakit sa puso ko..

"Kit-kath, dyan ka lang. Bili lang ako ng ice cream."

"Sige, balik ka!"

Halos mag didilim na nang natapos namin sakyan lahat ng rides dito kung minsan umuulit kami sa isang ride hanggang sa mag sawa kami. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.. Basta masaya ako ngayon.. Sobrang saya.

Iniwan ko si Kath sa isang upuan doon at pumunta agad sa staff ng tito ko.

 

"Kuya Greg. Ready na po ba? Okay na po ba ang lahat?" natatarantang tanong ko sa lalaking mag ooperate ng lahat.

"Oo, iho ayos na ang lahat."

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon