Entry #06

2.7K 33 7

Entry #06

*Prince Dansom's POV*

Medyo kinakabahan ako ngayon! Hindi ko alam kung naintindihan ba niya 'yung sinabi ko noong isang araw sa kanya dahil naka-tulala lang siya na para bang naestatwa sa kinatatayuan niya. Narinig kaya niya 'yung sinabi ko?

Pupunta kaya siya?

Ugh! Napasabunot ako bigla sa buhok ko habang naka-titig sa salamin na nasa harap ko. "Sir, okay lang po ba kayo?" bigla akong napa-ayos ng tayo sa pag sulpot ng isang katulong namin.

"Opo manang!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat naman niya. Tumawa na lang siya at nag patuloy ng pag-wawalis dito sa sala.

Halos sampung minuto na yata akong naka-tingin dito sa harap ng salamin at kanina pa akong kinakabahan. Hindi ko malaman kung maayos ba itong suot kong damit o baka naman masyado akong naka-porma. Naka-ilang palit na rin ako kanina, hindi ko talaga alam ang gagawin ko! Kahit hindi ko direct sinabi na mag date kami, parang date na rin ito!

Tumingin ako sa wall clock na nasa dingding namin dito. 5:30 na, nandoon na kaya siya? Sigurado kayang pupunta siya? "Manang! Alis na po ako!" sigaw ko habang lumalabas ng gate namin.

Kung hindi 'man siya pupunta, mag hihintay pa rin ako kahit gaano katagal. Ilang taon na rin naman akong nag hihintay na mangyari ito kaya hindi ko na pakakawalan.

Noong first year high school ako, napansin ko agad noon si Princess. Hindi siya maarte sa katawan, napaka-simple lang 'yan at kung titignan siya ang ganda ng bawat anggulo ng mukha niya. Idagdag pa ng pagiging mabait niya lalong-lalo na ng pagiging matalino niya. Hindi siya pansinin dito sa school namin, halos kokonti lang ang nakaka-kilala sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit nakuha niya agad ang atensyon ko. Hanggang sa tumatagal ang panahon, hindi ko namamalayan na tinitignan ko na pala siya sa malayo, 'yung tipong umaasa akong mapansin niya ako balang araw.

Second year high school, sumali ako sa basketball team dito sa school namin. Doon nag simula kung bakit maraming nakaka-kilala sa akin pero ang hindi ko alam kung kilala na ba niya ako.

Siya kasi 'yung tipong walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya, halos araw-araw ko siyang tinitignan ng pasimple sa malayo, kahit sa ganoong paraan nakikilala ko siya ng husto. Gusto ko si Princess noon, at mukhang nag babago na yata ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.

"Welcome, Sir." bungad na bati sa akin ng guard pagka-pasok ko dito sa Non-Ice Cream Shop.

Inilibot ko agad ang tingin ko sa bawat upuan na nandito. Wala pa si Princess, medyo maaga pa ng walong minuto bago mag 6pm. Hihintayin ko na lang siya kahit gaano katagal. Mag hihintay ako para sa kanya.

*Princess Kath's POV*

Ilang araw na akong hindi nakaka-tulog dahil sa kakaisip sa sinabi niya sa akin! Ilang araw na rin akong hindi mapakali kung pupunta ba ako o hindi! Seryoso kaya siyang ililibre niya ako? Date na ba ito? Pero hindi naman niya sinabing mag date kami. Ang sinabi lang niya ililibre ako! Ack! Ayoko na! Nakaka-loka ng mag-isip!!

"Anak!" bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko sa pag tawag sa akin ni Mama.

"Ma naman! Wag mo akong gulatin!"

"Bukas tayo mag papacheck-up, paalala mo sa akin at samahan mo akong mamalengke ngayon." aniya habang bumababa ng hagdan.

Simple akong sumulyap sa orasan namin dito, 5:00 pa lang kapag kaya sumama ako kay Mama makaka-abot pa kaya ako? "Tara na Kath." yaya niya sa akin habang lumabas ng bahay.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang kay Mama. Habang nasa palengke kami patingin-tingin ako sa relong nasa braso ko. Ilang minuto na lang mag aala-sais na! Pero wala pa rin nabibili si Mama! Nag hahanap siya ng mas murang gulay, kanina pa kami palakad-lakad dito at hanggang ngayon wala pa rin siyang napipili.

"Kit-Kath!!" sabay kaming napatigil ni Mama sa pag-lalakad. Sumulyap siya sa akin at nag kibit-balikat naman ako. Nilingunan ko agad kung sino ang tumawag sa akin.

Hindi ako nag kakamali. Si Khalil na naman, tumatakbo siyang papunta sa gawi namin. Simula noong nag pakilala siya sa akin lagi na niya akong sinusundan kung saan, hindi ko alam kung paano niya nalalaman kung nasaan ako.

"Hello po!" bungad niyang bati kay Mama. Sinamaan ko naman siya ng tingin at patagong sumenyas na umalis na siya.

"Kaibigan ka ba ng anak ko iho?" tanong ni Mama. Napakamot si Khalil sa batok niya at nag iwas ng tingin.

"Opo." nahihiyang sambit niya. Nako! Umalis ka na!!

Sinulyapan niya ako at nginitian. "Hi Kit-Kath!" kumaway-kaway pa siya sa harap ko habang naka-ngiting malapad.

Tumawa ako ng pilit sa kanya. "Gabi na. Umuwi ka na!" kalmado pero madiin na usal ko.

"Ito naman!" bigla siyang tumawa. "Sige na nga! Alis na ako. Bye!" bumaling siya bigla kay Mama. "Bye po Tita!" kumaway-kaway pa siya habang tumatakbo paalis sa kinaroroonan namin.

Ang weird talaga ng lalaking 'yon! "Ang gwapo niya anak!" biglang singhal ni Mama sa akin.

Napabuntong hininga naman agad ako sa kanya. "Nako Ma! Gagabihin pa tayo tara na." naiiling sabi ko na lang sa kanya.

Ilang minuto rin ang naka-lipas nang makabili na rin kami ng mga gulay ni Mama. Hindi ako mapakali sa sistema ng buong katawan ko, late na late na ako sa usapan namin ni Prince. Para bang may bumabagabag sa isip ko na puntahan ko na siya, pero may bumabagabag din na baka wala siya doon...

"Kath. Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Mama habang nag-lalakad pauwi.

Sinulyapan ko naman siya. "Ma kasi.. May pupuntahan lang ako sandali pwede ba?" natatarantang tanong ko sa kanya.

Naguguluhan naman niya akong tinignan at dahan-dahan siyang tumango. "Salamat Ma!!!" sigaw ko sa kanya habang nag-mamadaling tumakbo.

Sana nandoon pa si Prince... Sana nandoon talaga siya.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon