72 "Kung maibabalik ko lang" 1

127 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

Kung maibabalik ko lang

Niligawan kita. Pinangakuan kita ng kung anu-ano. I showed you the best of me. While ikaw, distant ka saakin noon kase sabi mo ayaw mo mo muna mag-boyfriend. Pero I found out sa friend mo na ayaw mo lang masaktan ulit kasi na-trauma ka sa nangyare sainyo ng ex mo and what you had go through sa moving process. I waited patiently hanggang sa maging ready ka..

2 months ako nanligaw saiyo at sinagot mo din ako, thankfully. :)

Bago mo ako sagutin, sinabi mo lahat ng mga pwede kong asahan saiyo at sa ugali mo (na hindi ko pa lubusang nakikita). Sabi mo paranoid gf ka at minsan TH, which I fully understood kasi may trust issues ko due to past relationships mo. Sabi ko naman, okey lang kase mas nakakakilig yon kesa sa girlfriend na manhid at parang walang pakialam saakin.

First 4 months ng relasyon natin, okey na okey kase mahal na mahal natin ang isa't-isa. Sobrang jolly mong tao at mahilig ka sa animal. Plus factor na lang yong maganda mong mukha at katawan. Nakita ko na din yong sinasabe mong paranoid at TH side mo pero I went with it.. Kase mahal kita.

Pero dumating sa puntong nabuburyo at napupuno na ko. Nandon yong bigla-bigla kang magagalit kase bigla akong hindi nakapag-reply (e.g: nakatulog, naglalaro ng dota bawal i-pause, at kapag may work ako). Lahat na lang napapansin mo. Pati ang pagkakaroon ko ng new female friends sa Facebook ginagawan mo ng away. Ang palagi mong dahilan saakin: ""I-respeto mo naman yong nararamdaman ko bilang babae at bilang girlfriend mo."" Ugh. Tangina ayoko ng drama. Ikaw ba nirerespeto mo din ba ang personal space ko?!

It came to a point na sinasadya kong hindi magrespond sa mga messages mo kase pakiramdam ko palagi ka na lang makikipag-away. Pakiramdam ko din nawawala na yong pagmamahal ko saiyo dahil don.

3 days tayong hindi nag-usap ng maayos. Pero ikaw constant yong pag-memessage mo saakin saying shits and drama that you always have in your system. Nakaka-fed up na.

On the 4th day.... You sent me this exact message:

""Gab, I know I did wrong. I really am sorry for always putting you first and loving you too much. If loving this much is a crime, I'd willingly put myself in jail instead of constantly feeling worthless and unappreciated. Oo, mahal na mahal na mahal kita. Pero tao lang din ako, and I have my limits. Kung nagkulang man ako, patawad. Kung sumobra din, patawad ulit. I just thought maybe you could keep all your promises noong nanliligaw ka pa lang. Umasa na naman ako Gab. :)

Pero malaya ka na. Hindi na kukulitin and pinapalaya na kita sa lahat ng ka-dramahan na naranasan mo sa'kin. I wish you the best and you're always in my prayers. Paalam Gab.""

Hindi ko namalayan, umaagos na pala yong luha sa pisngi ko. Tangina bruh, ang sakit-sakit. I tried to reach her, pero blocked ako sa lahat ng social media accounts niya and she even changed her number. Pati friends niya hindi ko din mahingian ng info kase galit sila saakin.

Today marks the first month since naghiwalay kame. Please help me find and reach her. Sobrang dami kong na-realized. :( Mahal na mahal ko pala siya at hindi ko kayang mawala siya. I've been killing myself by drinking every night and I almost cut my wrist too.

Payo sa mga lalake especially sa mga boyfriend diyan:

PLEASE PLEASE PLEASE. Ingatan at pahalagahan niyo ang mga girlfriend niyo. Kung paranoid man sila, gumawa tayo ng paraan para hindi nila maramdaman yon. Alam na nga natin na nararamdaman nila yon, suge parin tayo. Kung ang nagiging problema niyo naman ay ang pagkakaroon mo ng female friends sa Facebook, then fuck it pare, hindi worth yang mga naka-bikini at labas dede na yan sa kung ano'ng meron ka ngayon. Respect her feelings. Facebook lang yan. Nandiyan na sa harap mo ang babaeng para saiyo, kaya tam na ang pag-add ng mga chix sa Facebook. Respeto na lang sa nararamdaman/mararamdaman nila pare.

To Kleine: Baby, bumalik ka na saakin. :( Hindi ko kaya by. :( Nami-miss ko na yong kakulitan mo at cute mong mukha. Sana ako pa din baby. Bumalik ka na. :( Yon pa rin ang number ko yong ********280. Mahal na mahal kita. :(

- BoySisi, College of Tourism and Hospitality Management (CTHM), 2012

ConfessionsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant