148 "Little woman"

50 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Little Woman

"I just wanna share this story on how I met this amazing woman from Manila (Hopefully ma post siya). Naging instructor ko siya nung mga panahong nag rereview ako para sa board exam. I'm not actually from FEU but she is, well alam ko naging prof siya sa FEU.

Sobrang bait, matalino, napakasipag at maganda. OA ba sa pag describe? pero para sa akin iyan ang mga perfect words na nagdedescribe sa kanya. Naging isa siya sa inspiration ko pag mag rereview ako. Naging sobrang malapit ko din siyang kaibigan, bukod sa lagi akong nagpapaturo sa kanya mas lamang pa nga ata pag nagkwekwentuhan kami. Sobrang dami kong natutunan sa kanya bukod sa mga lectures and lessons. Kung ano ano yung mga goals nya sa buhay, kung paano siya nagsikap para mag top sa board exam. We became so close during my review days. Kaya siguro di ko naiwasan na magkagusto sa kanya.

Sobrang open ako sa kanya, miski yung sexual preference ko alam niya. Sobrang gaan ng feeling ko sa kanya, as in para kang nakatagpo ng taong pwede mong pagkwentuhan ng kung ano anong bagay, kahit sobrang busy nya nabibigyan parin nya ako ng time para turuan. Dumating yung board exam, sadly hindi ako nakapasa, nahihiya ako sa kanya nun kasi binigay pa nya sa akin yung ""lucky"" white polo shirt nya tapos yun yung ginamit ko ng 1st day. (BTW yung pang 2nd day na subject yung ibinagsak ko, so naniniwala ako na lucky yung white polo shirt nya :D)

I'm not sure kung nagbabasa ka ng ganito pero I just want you to know na I used to like you more than just a friend di ko nasabi sayo nun kasi nahihiya ako, I'm so sorry kasi after mo umuwi ng Pilipinas hindi ko na keep yung promise ko na makipagkita sayo. I'm so happy na napaka successful mo sa iyong career and love life :) . I'm still looking forward na magkita ulit tayo (Yeah, kasi wala pa pala tayong photo na magkasama :\). Namimiss ko na yung snack time natin sa Mcdo and pag minsan hinahatid kita sa FEU pag may klase ka kasi magtuturo ka. Sana buhay parin yung teddy bear na binigay ko sa iyo nun. Don't worry, I will still pursue my dreams in getting my license. Hopefully sa susunod na magkita tayo, Official na akong Engr and maipakilala ko na sayo ang future GF ko :"">

Till we meet again little woman <3"

Engr. Sundae
2014
Other
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now