55 "Perfect"

51 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Perfect

"May kaibigan ako na nag-aaral sa UP. Nakilala ko siya noong pumunta ako sa party ng kaibigan ko na kaibigan niya rin. Sobrang ganda niya! Nakakabighani talaga! Ang tangkad, sexy, mestiza, maputi, makinis, hot! Naririnig ko pa nga yung mga lalaking nandoon na ""Putangina ang sarap ikama niyan""

Tinamaan ako sa kanya noon. Ipinakilala kami sa isa't isa ng kaibigan ko. Nung nalaman ko pangalan niya, sobrang natuwa ako. Noong iniwan kami ng kaibigan ko, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nilapitan ko agad tapos putangina hindi lang siya puro ganda kasi tangina ang talino niya! Nabighani ako lalo noong sinabi niyang taga-UP siya, university scholar pa!

Tinanong ko siya ng tinanong. Kung ano hilig niyang gawin. Mahilig daw siyang makipag-debate, mag-sulat, magbasa, sumayaw, pero wag lang daw siya pakantahin kasi pangit daw boses niya pero para sa akin sobrang ganda ng boses niya.

Tinanong ko kung naglalaro siya ng sports tapos damn alam niya laruin halos lahat ng sports! Volleyball, badminton, tennis, archery, baseball, bowling, football, chess, swimming, skating, golf, frisbee, basketball, et cetera! Hindi ko na napakinggan yung iba. Fuck girlfriend material talaga!

Perfect na ata siya e. Nung tinanong ko na kung may boyfriend, sabi niya wala daw kaya ako naman tong si 'dumadamoves', kinuha ko number niya. Laking pasasalamat ko na binigay niya!

Ilang buwan lang nakakalipas, hulog na hulog na ako sa kanya. Kasi ang ganda, ang bait, ang talino, talented, lahat na ata ng good qualities nasa kanya na. May kotse pa!

Ang taas taas taas ng agwat namin kaya napanghinaan ako ng loob umamin. Nag-ipon ako ng nag-ipon ng lakas ng loob. Hanggang sa naisipan ko sanang magtapat. Nung nasa school na nila ako, niyakap niya ako! Tuwang tuwa siya kaya ako naman, halos tumalon na rin sa tuwa kasi masaya ang mahal ko pero hindi ko alam na yung araw na yun pala yung wawasak sa akin.

May boyfriend na kasi siya na taga-UST. Tuwang tuwa siya habang kwine-kwento iyong lalaki. Ang gwapo raw, matangkad, matalino, mayaman, talented. Hays anong laban ko, 'diba?

Bagay na bagay sila. Inggit na inggit ako.

Yung babaeng pangarap ng halos lahat ng lalaki lalo na ako, ayun masaya na sa piling ng iba. Hirap mag-move on tangina!

Lorraine, bakit kasi ang perfect mo? Bakit kasi ang ganda mo? Bakit ang bait mo? Bakit ang sipag mo? Bakit ka talented? Bakit ka matalino? Tangina hulog na hulog ako sayo. Ang hirap magmove on.

Paano ba kita makakalimutan?"

Umaasang Tanga
2013
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now