194 "Kabiyak ng tsinelas"

48 0 0
                                    

//Fb page: Secret Files Bataan

"Kabyak ng tsinelas"

"Tapos nako ng college at nagtatrabaho na rin. Graduate ako sa BPSU sa kursong dalawang taon lamang. Hindi ako nagkaroon ng kasintahan sumula't sapul. May mga nagkakagusto pero para sakin pag aaral muna ung dapat kong atupagin para sa pamilya ko at lalong lalo na sa mga magulang ko na nagttrabaho para sa aming magkakapatid. Nagtrabaho ako sa isang food chain sa Balanga Bataan taong 2004 para magkaroon ng experience ung ganung uri ng trabaho. Dun ko sya nakilala.. Sya si Mark..magkatrabaho kami pero ni minsan hindi nya ako kinausap. Ako rin kasi ung taong hindi kakausap ng isang tao pag hindi mo ako kinausap. Hanggang sa ma-endo ako sa work ko. Nagkaroon naman ako ng bagong trabaho. Hindi naman ako nabakante..

Isang araw nagkita kami. Pag out ko sa work ko nandun sya at ako pala ang hinihintay. Syempre nakakailang ung ganung sitwasyon at first time ko na may naghintay sakin. Kwentuhan habang naglalakad papuntang paradahan ng tricycle. Hind naman pala sya ganun katahimik.. Kalog, makwento, masaya kausap at sa madaling salita hindi nakakaboring pag kasama ko sya. After  4 months naging kami.. Gusto ako ng mommy nya. Single Mom sya at walang kinagisnang ama si Mark. Nasa abroad kasi ung totoo nyang tatay. Lagi kami nagkkwentuhan ng mommy nya. Simula daw nung naging kami ni Mark e lagi na itong masaya , nagkaroon ng pangarapat buhay at nakangiti ng labas ang ngipin. Nakakatuwa lang na sa simpleng bagay na pag ngiti nya na labas ang ngipin e napakalaking bagay na para sakin. Kasi hindi raw ganun ung anak nya. Pag nasa bahay nila ako lagi ako pinagluluto ni Mark. Asikasong asikaso nya ko. Ang sarap sa pakiramdam na tratuhin kang parang isang prinsesa..

Nagpatuloy sya ng pag aaral nya sa kursong HRM . Habang ako naman nagtatrabaho.. Dun na nagsimula lahat ng pagbabago sa amin. Siguro dahil may mga bago syang nakikilala at naging kaibigan. Suportado ko naman ung pag aaral nya at iniintindi ko sya.. May mga naririnig ako pero hindi ko na lang pinapansin dahil tiwala ako sa kasintahan ko. Laging nyang kasama ung "bestfriend nya" . Ung bestfriend nya na lagi nyang kinukwento sakin at lagi naming topic. Hanggang sa nakaramdam ako na bakit parang iba..parang may kakaiba..

Nasa bahay nila ako that time..Hinihintay ko sya makauwi galing sa school. Acquintance party yata un na pinaghahandaan nya kung anong susuotin nya. Bigla nya akong niyakap..sweet naman kasi talagang sya at lagi nya ako hinahalikan sa noo. Tinanong ko sya kung anong nangyayari.. pero nakatitig lamang sya sa mukha ko. Bigla nyang binanggit na pupunta raw ung bestfriend nya at mga kabarkada nya. Nangilid ung luha ko sa mga mata ko bigla pero hindi ko alam kung bakit at anong dahilan. Naglalaro sa isip ko kung tatanungin ko ba sya about sa kanila ng bestfriend nya o hihintayin ko na lang na sya ung magsabi sakin.. Nabigla na lang ako nung sinabi ko sa kanya na "Mahal mo ba?..mahal mo ba sya?!" Nakatitig lamang sya sa akin pagkatapos ay niyakap nya ko. Kumawala ako at umalis ng bahay nila..Hindi ko na nakita pa kung hinabol nya ako or what.. Umuulan pa naman nun ang lakas. Lalo na lang ako naiyak kasabay ng pagbuhos ng ulan..Takbo ako ng takbo habang umiiyak hanggang sa may dumating na tricycle at nagpahatid nako sa bahay namin. Simula nun wala nako narinig about sakanya at bigla na lang syang nawala ng parang bula. Naalala ko pa nung sinabi sakin ng kapatid ko na nakita nya si Mark at may kasamang buntis na babae. Sila nga ba un..

After 10years may nag message sakin sa social media (fb) . Sya pala.. Sa 10 years na un lagi ko syang sinesearch sa facebook pero walang lumalabas na nagtutugma sakanya. Nakakatuwa lang ..pero may tatlong anak na pala sya pero hindi pa sya kasal. At hindi sa bestfriend nya. Malapit lang daw talaga sila nun.. Hindi rin daw nya alam kung bakit dumating ung time na nagkahiwalay kami dahil hindi nagkaintindihan. Complicated ung situation nya pero puro payo lang ang sinabi ko sakanya. Alam ko naman kung san ko ilulugar ung sarili ko. Tinanong ko sya.."bakit hindi pa kayo nagpapakasal?! Ang sagot nya sakin.."Hindi kasi sya ung nakikita kong makakasama ko sa harap ng altar..". Hindi ko na pinansin ung sinabi nyang 'yun. Nagkakwentuhan kami about sa lahat ng nangyari sa amin. Pinaalala nya lahat lahat hanggang sa araw na iniwan ko sya. Hindi na sya nakapagpaliwanag sakin kasi ang akala nya raw hindi ko na sya mahal sa galit ko sakanya. Ung pinagbuntis raw ng bestfriend nya hindi raw sakanya un at tinutulungan lang daw nya kasi iniwan ng nakabuntis. Bumalik lahat sakin ng nangyari.. What if hindi nangyari lahat ng nangyari?..masaya pa rin ba kami hanggang ngayon?may sarili na kaya kaming pamilya tulad ng pangarap nya na buo ang pamilya?..hindi ko alam pero ang alam ko lang hindi ko sya pwedeng agawin sa mga anak nya  kahit ako ang mahal nya. Kahit ako pa rin ung pangarap nya na makasama at bumuo ng pamilya. Nandito pa rin naman ako para sakanya pero may limitasyon . Iniwasan ko naman sya pero pinagtatagpo pa rin kami ni Mark. Sarap isipin na may dumaan sa buhay ko na katulad nya.. Pinagtagpo kami pero hindi nakatadhana. Pinagtatagpo pa rin kami pero hindi na laan para sa isa't isa.. Wag na ipilit ung hindi na pwede. Single pa rin ako hanggang ngayon.. Alam kong may laan si God para sakin. Maghihintay ako na dumating ung kabyak ng tsinelas ko.

Ms. Angel- Balanga City
SFB-001

ConfessionsKde žijí příběhy. Začni objevovat