87 "Please be with me"

47 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

PLEASE BE WITH ME

Ilang beses ko pinag isipan kung mag-co-confess ba ako o hindi. Pero mas okay nga siguro kung kahit man lang dito, malaman mo yung nararamdaman ko ngayon.

Nakilala kita January 2011, nung birthday ng kaibigan ko. Naalala mo pa ba yun? Haha napagkamalan kitang helper nila. Yun pala pinsan ka nya, sorry naman di ko naman alam eh. After nung party kinausap mo ko, sabi mo ihahatid mo ako sa ayaw at gusto ko. Sabi mo pa kailangan kong ibigay sayo yung number ko dahil pinagkamalan kitang helper hahaha.

Nung una text at chat lang tayo, dahil committed ako that time. Hanggang sa umamin ka, na mahal mo ako kahit alam mong may boyfriend na ako. Sabi ko hindi pwede, pero bumigay din ako, dahil gusto na din kita nung mga panahon na yun.

Mahal natin ang isa't isa pero hindi tayo naging mag jowa. Naging FUBU lang tayo. Nagsimula yun September 2011. Our FUBU thingy lasted for 3 months. Sabi ko stop na tayo kasi nagi-guilty na ako. Nagpalit ako ng number, binlocked kita sa Facebook, at nag focus ako sa kung anong meron ako. Nawalan tayo ng communication. Pero ikaw pa rin ang iniisip ko.

Lumipas ang isang taon, December 2012 nagkita ulit tayo. At naulit uli yung dati. Naging mag FUBU ulit tayo. Pero after 5 months, iniwan ulit kita. Dahil sa guilty, dahil niloloko ko na naman yung boyfriend ko. For the second time, nawalan tayo ng communication. But it's much harder than before. Dahil this time, sigurado na ako, na mahal pala talaga kita. Di pa rin ako nakipag hiwalay sa boyfriend ko, kahit ako di ko rin alam kung bakit.

Apat na taon na ang lumipas mula nung huli tayong nagkita at nagkausap. Akala ko okay na ako. Kami pa rin nung boyfriend ko, mahigit 6 years na kami. Masaya naman kami, pero alam kong nawala na yung dating pagmamahal ko para sakanya.

Until last week, inadd mo ulit ako sa facebook. Nung nakita ko pa lang yung pangalan mo, mixed emotions na. Kinakabahan ako, na natutuwa. Inaccept kita, tiningnan ko profile mo. Pumogi ka ah. Ang laki ng pinabago mo. Bumalik lahat sakin yung mga alaala natin. Napangiti ako, dahil na realize ko, di pa rin pala nagbabago yung epekto ko sakin, ang lakas pa rin ng tama ko sayo.

Nag message ka sakin. Nangangamusta ka. Nasa ibang bansa ka na pala. Okay na pala yung buhay mo. Buti pa ikaw okay na samantalang ako, hindi pa rin. Sabi mo uuwi ka this year, magkita tayo. Sabi mo namimiss mo ko, yung FUBU thingy natin. Di ako maka-hindi. Kasi namimiss din kita. This past few days puro chat tayo, video calls. Parang di tayo nagkahiwalay ng ilang taon.

Ngayon naguguluhan ako. Kung ano ba talagang gagawin ko. Kasi ngayon siguradong sigurado na ako, na mahal kita, pero parehas tayong committed. Dalawang beses na kitang pinakawalan at pinagsisihan ko yun. Kailangan ko pa bang ulitin yun sa pangatlong pagkakataon?

Nathan, sana mabasa mo to. Sana makarating sayo. Alam kong kahit iniba ko yung pangalan mo dito, mararamdaman mong ikaw to. Gusto ko lang sabihin na, mahal kita. Nag sorry na ako sayo sa mga nangyari dati diba? Sana mapatawad mo ko. Alam kong mali tong ginagawa natin, pero sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako, isusugal ko lahat ng meron ako ngayon, makasama lang kita. Kasi mahal kita, mahal nga pala kita, mahal pa rin pala kita.

SophiaLouisse
College of Business Administration and Accountancy
(CBAA) 2009

ConfessionsWhere stories live. Discover now