82 "From nowhere to forever"

55 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

FROM NOWHERE TO FOREVER!

Biglaan lang ang dating natin sa isa't isa, nagkakilala out of nowhere. We are not close kahit na close ang mga parents natin, yung tipong alam lang natin na nag eexist ka at nag eexist ako. Hahahaha.

March 2012, nagmessage ako sayo to ask if may slot pa sa team nyo para sa liga sumagot ka naman ng wala na and the topic ended. Then suddenly, nagtanong ka kung baket hindi na ko nagrereply sa mga text mo (may number ako sayo dahil may nakitext sayo at sinave mo number ko) sabi ko, nagpalit na ako ng number at kinuha mo naman yung bago kong number. Inabot na tayo ng umaga magkachat parin tayo, hindi na tayo naubusan ng pag uusapan. That day nagtext ka sa akin to inform na iyon ang number mo. Since then, every minute of the day magkatext tayo. Lahat ng lakad ko kasama kita, kung nasan ako andun ka and vice versa. Naghihiwalay nalang ata tayo kapag matutulog. Hahahaha. Hindi na natin namalayan na ang tagal na pala natin na magkasama, sa lahat ng okasyon kahit walang okasyon magkasama tayo. Kapag tayong dalawa nalang ang magkasama para kang nagtatransform, nalalabas mo yung totoong nararamdaman mo. Sa harap ng ibang tao it's either poker face or nakangiti ka lang, pero sa akin lahat ata ng expression ng mukha mo napakita mo na. The Great Pretender nga sabi nila. Yung tropa mo ako na kinakausap hindi na ikaw, kapag hinahanap ka sa akin magtetext kung nasaan ka, wala kasi silang nakukuha na matinong sagot sa iyo. Haha. Hindi naman na siguro nakakagulat kung mahuhulog loob ko sayo. Ramdam ko din naman sayo na gusto mo din ako. Feelingera na kung feelingera but I know deep inside that our feelings is mutual. So naglakas ako ng loob na umamin sayo. Kaso feelingera lang pala talaga ako, you said that friendship is the only thing that you can offer. No more no less. So I got worried kasi baka mawala kung ano man yung meron tayo.

Since day one I have access on your phone, lagi ko tinitignan mga messages mo, sms o facebook man yan. Lagi ko nakikita na ang dami mong sinesendan na babae ng Good Morning and Good Night dedma lang ako, wala akong karapatan ee. Hanggang sa may mga nagrereply at ineentertain ka na, dun na ko nangialam at sinabi ko sayo na ayoko sa babae na yun kapag tinatanong mo ako kung bakit sasabihin ko lang "ayoko sa kanya, hindi kita ibibigay sa babaeng alam kong di ka kayang alagaan ng maayos". Akala ko hindi mo na sila chinachat yun pala nagbubura ka lang ng conversations nyo. Nakakainis no? Kung umasta ako parang girlfriend mo ko. Tiniis ko lahat ng selos na nararamdaman ko everytime na may nakakausap ka, na may ibang babae na binibigyan mo ng oras. Yung barkada ko pagod na kong payuhan hindi naman daw ako nakikinig. Itigil ko na daw kase wala na daw patutunguhan pero hindi ako tumigil. Nag try ulit ako, sabi ko sayo let's give it a try and still you said no you just hugged me that night and keep on saying no. Pagkatapos nun sabi ko sa sarili ko, ayoko na sumubok aantayin ko nalang na mapagod ako hanggang sa mawala na ng tuluyan tong nararamdaman ko para sayo. After that parang walang nangyari, mas naging close pa tayo lalo. Alam ng lahat ng mga nakakakilala sa atin ay tayo pero kapag sasabihin natin na bestfriends lang tayo walang naniniwala dahil sa nakikita nila kung paano ang treatment natin sa isa't isa.

Dumating na ko sa part na ayaw ko na talaga. Nagising ako ng konti sa katotohanan dahil sa pagiging pakielamera ko. Nasa labas ka ng bahay nyo at nakikipag inuman sa mga barkada ko, ako naman nasa loob ng bahay nyo, hindi ko alam bat kating kati akong buksan cellphone mo nun. Nasabi ko nalang sana hindi ko nalang pala binuksan. Biglang tulo ng luha ko nun pagkatapos ko mabasa ang conversation (1 week ago) nyo ng babae na kinaiinisan ko. Nalaman ko tuloy ang di dapat malaman at di angkop sa mga batang nagbabasa nito. Pumasok ka sa bahay nyo at nakita mo ko na umiiyak hawak ang cellphone mo, alam mo na siguro kung bakit ako umiiyak nung time na yun. Ngumiti nalang ako sayo tapos hindi na kita pinansin buong gabi. Mag uumaga na ng hatid mo ko sa bahay, ou hinatid mo parin ako kahit na di na tayo okay at lasing ka na nun. Bago ako pumasok ng bahay nag usap tayo tungkol sa nabasa ko ngunit nagalit ka lang. Sinuntok mo pa yung pader tsaka ka nagmura (first mo magmura nun). Ikaw yung unang nagalit, siguro para hindi ako magalit sa nabasa ko. Dahil alam mo na pag nainis ka na o nagalit ka na tiklop na agad ako, kahit na sino pa ang may kasalanan. Hindi naman ako nagalit ee, naawa lang siguro ako sa sarili ko. Wala akong karapatan magalit kase wala namang tayo. Hanggang sa pati mga kaibigan natin nabobother na bakit tayo magkaaway. Walang nagsasalita sa ating dalawa. After 1 week ng walang usap at puro iwasan nagdecide ako na ichat ka, di ko na kaya ee. Sakto naman na naka online ka. Sabi ko nun sayo, "ayoko na. hindi ko na kaya. nahihirapan na kong di ka kausapin, ang hirap ng di ka pansinin, di ko magawa na umiwas sayo" pero ang sagot mo lang sa akin, "hahahahahahahahaha. punta ka ba kila J***?" Ou, iyan lang ang sagot mo. Nalaman ko nalang na umiiwas ka pala nun at hindi mo ko kinakausap dahil nahihiya ka sa ginawa mo. Sabi mo na hindi ikaw ang nag initiate. Inamin mo rin na after nya gawin yun sayo ako agad ang naisip mo at nagsisi ka sa nagawa nyo. Kung nakinig ka lang sa akin noon na alam ko na ang balak nya sayo hindi sana nangyari yun. Sana hindi nalang din kita inaway nung time na yun para hindi ka sumama sa kanya nung inaya ka nyang makipag inuman kasama mga kaibigan nya (na hindi naman pala totoo na kasama mga kaibigan nya).

Hindi na ko sumubok ulit na tanungin ka, sumubok naman ako na pagselosin ka. Ang consistent ko di ba? Pero wala parin, di parin umeepekto sayo hanggang sa tumigil na talaga ako. Ayoko na. Bahala na kung san man tayo mapunta. Bahala na si batman. Masakit na masyado ee. Sobra na yung pagpapakatanga ko sayo. Nagawa ko na yung part ko. Todo na yun. Hanggang sa isang araw, nabasa mo yung text ng lalaking sinubukan kong pagselosin ka (oo, pinapakialaman mo din ang mga conversations ko pero ikaw di ka kumikibo kahit may nababasa kana na ayaw mo). Rated SPG (tema, lenggwahe, sexual) yung mga message nya sa akin kaya galit na galit ka. He's your total opposite, matangkad (six footer), maputi, gwapo sayo. We even fought in public place (first time natin mag away ng ganto). Nagpakalasing ka and you even punched our wall five times. That's the worst conflict we had. Kinabukasan pumunta ako sa inyo para humingi ng sorry, kinakabahan pa ako nun. Dala dala ko laptop nyo nun at iniwan ko sa bahay namin ang iba mo pang gamit na nasa akin para kapag hindi mo tinanggap sorry ko may reason pa ako para makipagkita sayo. Hahahahahahaha. Kinausap kita at humingi ng sorry but you were cold as ice. I keep on saying sorry to you pero di mo ko kinikibo so kailangan ko na talagang lambingin ka para lang pansinin mo ko. Kinulit kita ng kinulit. Nginitian ng ngitian para lang tanggapin mo na yung sorry ko, knowing you? You cannot stay angry at me kapag nakita mo na ako at nagsorry na ko. That day nagkaayos tayo at parang may kakaiba sayo. Lagi kang nakaakap. Ang clingy mo. Not the typical you pero deadma lang ako, gusto ko yun ee. Hahaha.

After five years of being friendzoned by you, we are now officially in a relationship for 13 months. We maybe in a Long Distance Relationship now, alam ko na darating din yung time na mararanasan natin to, napaaga lang masyado dahil ako yung nauna umalis but I know na makakaya natin to after ng lahat ng napagdaanan natin para marating kung nasan man tayo ngayon. Kung noong hindi pa tayo, ako yung mas nag effort para sa ating dalawa, ngayon naman na tayo na masasabi ko nalang "all the pain is worth it". Yung effort ko dati tinalo mo ngayon. Mas ikaw yung maeffort sa relationship natin, mas ikaw yung nag aadjust lalo na sa oras. Sabi mo nga "magkulang man ako sa tulog pero hinding hindi magkukulang ang pagmamahal ko sayo". Kinilig ako promise! Hahahahahaha.

For you baby, thank you sa suporta sa career ko kahit na mahirap ang ldr pumayag ka na umalis ako. Thank you sa trust and love mo. Thank you for everything. Thank you kase hindi ka katulad ng ibang lalaki now a days na marunong magmultitask ng babae. Hahahahahahahaha. See you soon bading! Idoloveyou!

PS. Thank you sa mga pasalubong. Ako nasa ibang bansa pero ako pinapadalhan mo. Hahaha.

Jad
College of Business Administration and Accountancy
(CBAA) 2005-2008

ConfessionsWhere stories live. Discover now