69 "Hindi nya alam"

59 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Hindi niya alam.

2011, pinaalam ko sa kanyang buntis ako. Eto ang sagot niya,

"Huh? Akala ko ba nagpipills ka? Hindi pa ako ready! Para kang tanga eh! Hindi pa ako handang maging tatay. Nag iisip ka ba? Anong ipapakain ko jan? Tanga tanga mo eh! Hindi mo ba naisip na lagot ako kina papa?

Ganito nalang ha? Tutal dugo pa lang naman yan. Ipapalaglag natin yan."

Hindi ko inakalang ganun ang magiging reaksyon niya. Hindi ko inakala. Ang buong akala ko matutuwa siya. Hahalikan niya ako. Hahalikan niya ang tiyan ko. At sasabihin niyang excited na siyang lumabas ang baby namin. PERO HINDI. Gusto niyang patayin. Gusto niyang patayin ang sarili niyang anak.

UMOO AKO NA IPALAGLAG ANG BABY.

Nasabi ko lang. Pero hindi ko magagawa yun. Kino-contact niya ako para bigyan ng kung anu-anong gamot. Kino-contact niya ako para i-update ko siya kung wala na ba. Isang araw, sinabi ko nalang na wala na yung baby. Ang sakit sakit marinig na sobrang saya niya pa na patay na ang baby namin. After nun, hindi ko na siya kinausap ulit.

NAKIPAG-BREAK AKO SA KANYA nang walang personal closure. Basta hindi ko nalang siya kinausap.

Kinaya kong mabuhay nang wala siya. Dinala ko ng siyam na buwan ang baby namin na kahit isang beses, hindi man lang siya nagpakita. Hindi niya alam na hindi ko pinalaglag ang baby namin. Hindi niya alam na hindi ko iniinom ang mga gamot na ibinibigay niya noon.

Hanggang sa manganak nalang ako. Pinapuntahan ko pa siya sa kuya ko para ipaalam sa kanya na binuhay ko ang baby, para sabay naming makita ang pag labas ng baby namin pero wala na pala siya. Nag hintay lang pala ako sa wala. Nangibang bansa na, sabi ng mga magulang niya. At that point, sinabi ko na sa sarili kong ituturing ko na siyang patay sa buhay namin ng baby ko.

2016, February nagulat ako nang makita siyang kausap ang anak ko sa harap ng bahay namin. Napatigil ako sa paglalakad. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya at kung gaano kasaya ang baby ko sa kanya. Pagkakitang-pagkakita sakin nung anak ko tinawag akong "mama". Napatingin siya sakin.

Dahil sa sama ng loob ko sa kanya, inunahan ko na siya at kalmado kong sinabi na anak ko yun sa ibang lalaki. Sinabi kong kasal na ako sa iba.

Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nasaktan. Sinabi niyang gusto niya lang humingi ng tawad sa nangyari noon. Sinabi kong wala na yun kasi may asawa na ako. Halata sa mga mata niya na gusto niya nang umiyak. Hanggang sa nagpaalam na siya sa anak namin at tuluyan na siyang umalis.

Tuluyan nalang siyang umalis nang hindi niya alam na ang batang nakausap niya ay ang baby naming dalawa.

M.
2004
IABF
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now