26 "Vauge"

122 3 0
                                    

Post taken from//Fb: University Secret Files

"Vague"

I've been taking drugs for almost 3 years. Oo, alam kong masama pero, dun ako sumasaya. May mga bagay na diko magawa noon na nagagawa ko na ngayon. It keeps me awake for no reason. Yung tipong pag frustrated at down na down na ako, by means of using it, sasaya ako in just a blink of an eye. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa ilang sandali, nakakalimutan ko ang mga problema. Akala ko dun na lang iikot ang buhay ko, na habang-buhay na akong magiging user. Until something unexplainable happened last September 23, recent year. 2:56 am, kararating ko lang ng apartment noon galing sa pinakakilalang club sa Makati. Pagod na ako, ramdam ko ang pagod na dumadaloy sa buong kalamnan ko, after having sex with a man for 4 consecutive rounds. Yun yung ayaw ko, I can't even sleep kahit alam kong dapat inaantok at natutulog na ako sa mga oras na yan. Dumiretso ako sa banyo for late night bath, para mawala kahit papano yung hang-over ko. I took off all of my clothes, totally. Pinatuluan ko na muna yung tub, saka pumunta sa washing basin na di kalayuan sa tub. I looked at myself in the mirror, at kitang kita ang walang kapahingahan kong mukha. Yung tipong 1inch na ang kapal ng eyebags ko. Makikitang lulong talaga sa droga dahil sa mapula at lubog na mata. Binuksan ko ang salamin sa harap ko at kinuha ang isang lalagyan ng gamot, kumuha ako ng tatlong pirasong sleeping pills saka idineretso sa bibig. Isinahod ko na lang ang kamay ko sa gripo para uminom ng tubig. Tumunghay ako and locked the cabinet again. Kaalinsabay ng pagsara nito ang pagbungad ng isang anino ng tao sa likuran ko na syang nagpabalikwas ng lingon sa akin. Wala akong nakita doon maliban sa matinding pag-galaw ng kurtina dala ng hangin. Inilinga ko pa ang mata ko sa paligid, pero wala akong nakitang kung ano. Napabuntong hininga na lang ako saka pumunta sa may kurtina para sarhan ang bintana. Pero muling bumalik ang kaba ko ng buklatin ko ang kurtina at nakitang wala ni isa sa mga bintana ang bukas. Hindi ako yung tipo ng babae na matatakutin pero di ko maikakaila na sobrang natakot at kinabahan ako nang mga oras na yun. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Epekto na ba to o tinatakot ko lang ang sarili ko? Bumalik lang ang ulirat ko nang marinig kong umaawas na ang tubig sa tub. Umiwas na ako ng tingin sa salamin at dumiretso na sa tub. Inilublob ko na ang katawan ko at kinuha ang earphone na nakapatong sa mesa sa tabi ng tub na syang konektado sa phone ko na nakapatong rin dito. Inilagay ko na yun sa tenga ko saka pumikit at pilit inalis sa isip ang mga pangyayari. Expected nang makakaidlip ako sa tayong yun. Hindi pa man natatapos yung kantang more than 8 minutes ang haba, isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang naganap.

Wala akong naramdamang paghawak ng kamay, maliban sa kakaibang lakas na humila sa paa ko para maalis ang pagkakasandal ko sa tub at tuluyang malubog sa tubig ang buong katawan ko. Iminulat ko ang mata ko at tubig lang ang tanging bumubungad sa akin. Inalis ko ang earphone sa tenga ko, at itinaas ang kamay para makahawak sa tub at maiahon ang sarili. Hindi na ako makahinga, maraming tubig na rin ang nainom ko pero inilabas ko lahat ng lakas ko para makaahon pero hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang kalahating katawan ko, ni hindi ko maramdaman ang paa ko. Wala na akong nagawa kundi pumikit at nanalangin kahit hindi ko alam kung paano. *Blackout* Nagising na lang ako na nakahiga sa kama, sa kwarto ko. Di ko naiwasang magtaka, bakit ako nasa kama? Malinaw parin sakin ang mga pangyayari bago yun, na halos ikinanamatay ko na. Halos ramdam ko parin ang kahirapan sa pag-hinga at ang sakit ng buong katawan. Napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan nang mag-sink in sa utak ko na, heto ako buhay na buhay. Sino nga kayang nagligtas sakin? Tanong na paulit-ulit nang naglaro sa aking isipan nang mga oras na yun. Mula sa pagkakataklob ng makapal na kumot sa akin ay sinilip ko ang katawan ko, laking pagtataka ko pa nang makitang suot kong muli ang damit na hinubad ko bago ako maligo.

Inilinga ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto at sa gawing kaliwa ay makikita ang bintana na natatabunan ng kurtina, malalamang umaga na dahil sa katamtamang sinag na nagmumula sa labas. Tumingin naman ako sa alarm clock ko na nakapatong sa bedside table, alas nuebe impunto. Dito ko napansin ang isang sticky note na nakadikit sa frame ng picture namin ni papa. Kinuha ko yun at binasa ang naka-sulat, "Good Morning (pangalan ko), thank you for that awesome night with you. Lasing na lasing ka na, and so hinatid na kita dito sa apt. mo. Pero syempre di kita iniwan. Pinagluto na kita ng almusal. Nice to meet you (pangalan ko). Call me, you have my no. in your phone. Till we meet again. (smiley) - (Pangalan nya)7:09am." Anong nangyayari? I'm very confused that time. Ibig sabihin ba, hindi ako totoong nalunod sa tub, and at the same time hindi ako nag-late night bath? Panaginip lang ba yun? Conclusions made me doubt harder. Ibinangon ko ang kalahati kong katawan, at napahawak sa ulo nang makaramdam ako ng biglang pagkirot nito dala ng hang-over. Nilingon ko ang hinigaan ko, binuklat ko lahat ng unan, looking for my phone. But ofcourse, I failed. Naibagsak ko na lang ang likod ko at humigang muli. Napagabot na lang ako sa buhok ko, and asked myself 'Nababaliw na ba ako?'. Ipinikit kong muli ang mata ko at pilit inalala ang mga nangyari. Wala akong maalala maliban sa naging eksena sa banyo. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko na nahulog sa tub ang phone at earphone ko. I grab my way papunta sa banyo, at laking pagtataka ko ng makitang nakalubog nga sa tub ng tubig ang phone at earphone ko. Naghalo-halo na ang reaksyon sa utak ko na mas lalong nagpakirot ng sintido ko. Kaagad kong kinuha ang phone ko mula sa pagkakalubog nito sa tubig, pilit ko itong binuhay kaso hindi ko nagawa.

ConfessionsWhere stories live. Discover now