11 "Tester"

104 4 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

TESTER

So ayun nga, biglang nagtext yung crush ko saken ng, "Wru? Let's watch movie here sa SM North, andito ako now".

EH BES, NASA SM NORTH TALAGA AKO! NAG-AALMUSAL DAHIL WALANG ULAM SA APT. JUSKO, WALA AKONG AYOS, WALANG SUKLAY, WALANG PABANGO. Ang chaka ko! Naka-messy bun, Tshirt pa ng kuya ko yung suot ko at naka-dangkal short! Nagdadalawang isip ako kung irereject ko yung offer, tinype ko na na "Sorry, hindi ako pwede ngayon e" pero besh, crush ko yon besh, minsan lang yon besh. Pagkakataon ko ng mag-step ahead of my competitors, ARIEL! Chareng!

Dinelete ko yung tinype ko, nag type ulit ng, "Sige, meet me at ____ after 10 minutes" at napagdesisyunang RARAVAN TAYO PARA SA EKONOMIYA!

Takbo ako sa Watson's mga beshie. Galawang desperada tayo ngayon kaya pasensiya na ulit sa mga staff ng Watson's na nakatingin saken that day, quotang-quota mga testers sa make up of the day ko! By the way, salamat sa sponsor este pa-tester Ever Bilena for my blush-on, BYS for my liquid eyeliner, Nichido for my eyebrows and lipstick, and Loreal for my liquid foundation. Thank you rin pala Bench sa pa-pabango ni Mayor, in fairness bet ko yung Georgina Wilson dun, gusto ko na ngang ibulsa eh, charot lang!

So ayun na nga, Pak! Pak! Pak! Ravaaan!! Feeling ko ang fresh ko kahit walang goli, tinreat ako sa sine ni crushie tapos sinabihan niya pa akong ang ganda ko raw. Enebeee!! 🙄🙈 Kung alam mo lang na buraot lang ang lahat. Hahahaha! Pero salamat pa rin talaga sa mga pa-tester ni mayor, kung wala kayo, walang kami. Chareng! 😂 SO YUN LANG, naishare ko lang. Alam niyo na gagawin sa oras ng kagipitan mga beshies. Joke!

PS: Kung gagamit ng tester, mag-alcohol muna at gamitin ang kamay or daliri bilang beauty blender/brush lalo na kapag nag tatry ng lipstick ha!! Jusko! Tandaan niyo yan.

PPS: Salamat sa nagbasa sa kaharutan ko. Sorry, hindi ko na maibabalik ang limang minuto ng buhay niyo. Hahahaha. 😂

Karlita
2013
IAS
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now