7 "Message for kate"

121 6 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

message for kate

hindi ko alam kung bakit ganito sakin ang tadhana o sadyang kinakarma na ako.

hindi ko na kasi kaya. wala akong mapagsabihang iba dahil ayokong pagtawanan ako dahil napaka-unethical ng dahilan kung bakit pakiramdam ko, lugmok na lugmok ako ngayon. kate, sobra-sobra akong nagsisisi sa ginawa ko sayo before nung tayo pa at gusto kong malaman mong narealize ko na ngayon kung gaano ka-laki ang nawala sakin.

nagulat ako nung ipinakilala ka sakin ng bestfriend ko as girlfriend niya. ikaw pala yung ipinagmamalaki niya sakin noon pa na babaeng sobrang mahal niya. 5 years mula nung iniwan kita, hindi ko inasahan na sa ganitong way pa tayo mag-tatagpo ulit. sobrang immature ko nung college tayo. sobrang babaero ko, sobrang kupal ko, pero kahit ganun ako, hindi ka nagsawa at hindi ka napagod.

sa 4 years nating pagsasama, wala kang ibang ginawa kundi pag pasensiyahan, alagaan at mahalin ako. pero ako yung kupal. ako yung problema. ako yung naging gago sa relasyon kaya nagkahiwalay tayo. pero kate, hindi ko kayang makita na ginagawa mo sa bestfriend ko yung pag-aalagang ginagawa mo sa akin noon. ang sakit sakit makita. parang unti-unting dinudurog ang puso ko.

ikaw na ikaw pa rin yung sweet na maliit na babaeng niligawan ko noong college. walang nagbago sayo. ganon pa rin ang itsura mo, ni hindi ka tumanda, mahinhin, tahimik ka pa rin. sobrang ganda mo pa rin lalo na kapag ngumingiti ka. hindi ko alam kung bakit sinayang kita. siguro ganon na lang talaga ako noon ka-tanga. alam kong huli na para mag-sisi. gusto kitang bawiin, gustong gusto pero hindi ko alam kung may pag-asa pa o kung papaano dahil mahalaga rin sa akin ang bestfriend ko. bestfriend ko na sobrang pinagkakautangan ko ng loob.

isa siya sa mga taong hindi nawala sa likod ko noong mga araw na nawawalan na ako ng direksyon. siya yung tumayong kapatid ko na walang ibang ginawa kundi intindihin ako at pagsabihan sa mga kapalpakan ko. never kong naisip na magagawa kong agawin sa kaniya ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. at never kong inisip na gagawa ako ng bagay na ikasisira ng friendship namin. pero kate, sobrang hindi ko na kaya.

sobrang nasaktan ako sa sinabi niya na malapit ka na niyang ayain ka mag-pakasal. nanghina ako. umuwi ako kahit hindi pa tapos ang trabaho. tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwarto, hindi pumapasok at walang pakialam kung iaawol na ako.

kailangan ko ng time makapag-isip at tanggapin ang katotohanan na mawawala ka na nang tuluyan. pero sa huling pagkakataon, gusto ko lang humingi ng tawad sa mga nagawa ko. sa maniwala ka man o hindi, hindi na ako nagmahal ulit ng ibang babae mula nung nagkahiwalay tayo dahil hinahanap hanap ko pa rin ang mga qualities na meron ka na wala sa kanila.

i love you kate, i still do. and again, for the last time, i'm sorry for all the things that i've done to hurt you. you both have a good heart and i can honestly say that you deserve each other. i'm sad but somehow happy cus i know that my bestfriend is going to take care of you as much as he can.

best wishes in advance.

ps: kung alam mong g@go ka pero hindi ka pa rin niya magawang iwanan, wag mong sayangin yan.

aaron (not my real name)
200*
IAS
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon