121 "Eye donation"

43 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

"Eye donation"

4 years ago bago siya namatay, sinabi niyang gusto niyang i-donate ang mata niya sa taong nangangailangan.

Nakakatuwa. Nakakatuwang isipin dahil sa kahit huling hininga na nang buhay niya gusto niya pang makatulong sa iba. Hindi talaga ako nagkamali ng pag pili sa babaeng mamahalin. Napaka bait niyang babae. Napaka matulungin. Napaka ganda ng puso.

Part na ng family namin ang pag te-thanksgiving sa mga nangangailangan. Orphan din kasi ang daddy ko noon. Inampon siya ng grandparents ko; pinag aral, minahal, itinuring na tunay na anak. Kahit naging successful na si daddy sa buhay niya ngayon hindi niya parin kinakalimutan kung saan siya nag mula. Kaya naman once or twice a year, tumutulong kami sa mga orphanage, home for the elderly, at mga taong nakatira sa lansangan para kahit paano, kahit sa simpleng bagay, nakakapag pasaya kami. Pinalaki ako ni daddy na may puso sa mga nangangailangan, pinalaki niya akong mapag bigay at hindi madamot.

2008 sa White cross orphanage San Juan, dun ko nakilala ang babaeng magiging isa sa pinaka importante sa buhay ko. Si Mary.

Nakuha niya ang atensyon ko nang makita ko siyang nakikipag laro sa mga ulilang bata. Unang pagkakita ko palang sa kanya alam ko na. Alam kong siya na ang babaeng pakakasalan at mamahalin ko habang nabubuhay ako. Sapul na sapul ang puso ko sa mga ngiti niya habang pinapasaya ang mga bata. Para akong nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa. Napaka gandang babae. Napaka ganda din ng puso.

Nakipagkilala ako sa kanya noong araw na yun. Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon. Ayokong pakawalan pa siya at sayangin ang araw na nasa harapan ko na siya. Ang reyna ng buhay ko.

At dun na nag simula ang lovestory naming dalawa.

Pareho kaming nag vo-volunteer worker para makatulong sa mga Calamity victims, homeless, home for the aged at iba't ibang orphanage.

Bawat araw na lumilipas... lalo ko siya minamahal.

Napaka maalaga niya. Napaka down to earth. Napaka god-fearing. Siya yung tipo ng taong parang hindi marunong magalit. Parang hindi marunong gumawa ng masama. Palaging naka ngiti, minsan umiiyak, umiiyak kapag nakikita niyang masaya ang mga natutulungan niya.

Sabi ko sarili ko, ""kapag pinakawalan ko pa ang babaeng ito, itatakwil ko ang sarili ko."" Ganyan ko siya ka-mahal.

2008-2010, ang pinaka masayang mga araw nang buhay ko kasi wala na akong mahihiling pa. Buo ang pamilya ko, kasama ko sila at kasama ko na rin ang magiging ilaw ng bubuuing sarili kong pamilya. Pero nag bago ang lahat ng iyon sa isang iglap..

Nagkasakit si Mary. Leukemia.

Ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay ko ay ang ipaalam sa akin na hindi na mag tatagal ang buhay ng babaeng minamahal ko. Parang gusto ko naring mamatay nang marinig ko iyon. Hindi ko kaya nang wala siya. Hindi ko kakayanin.

Isang umaga, nagising nalang siya at sinabing gusto niyang i-donate ang cornea niya sa nangangailangan. Hindi ko pa matanggap yun kasi pinaniniwala ko ang siya at ang sarili ko na gagaling pa siya. Na mabubuhay pa siya at magagamit niya pa ang mga mata niya. Pero pinilit niya ako. Hindi niya na raw kaya.

Kinagabihan, kinuha ang cornea niya. Kinaumagahan, pumanaw na siya.

Noo'y lumalabo lang ang mga pangarap ko pero tuluyan ng gumuho ng mawala siya. Pangarap kong pamilya, pangarap kong makasama siya hanggang sa pag tanda, wala na.

Ilang taon akong nangulila kay Mary. Ilang taon kong binalak sundan siya sa taas at tapusin na ang buhay ko. Wala na siya eh. Para saan pa kung mabubuhay ako?

Araw araw kong binabalikan ang lugar kung saan kami unang nagkakilala. Tumigil ako sa pagiging volunteer worker kasi hindi ko kayang maalala ang mga ginagawa ko noon na kasama ko siya. Ilang taon kong binasura ang buhay ko dahil sa pagka wala niya. Naging manginginom ako. Naging mabisyo. Dala ng depression.

Pero bago mag pasko nito lang 2015, isinama ako ng mga magulang ko sa orphanage kung saan ko unang nakita si Mary. Namigay kami ng regalo at ng mga pamasko.

Nagulat ako dahil nandoon yung babaeng pinagbigyan ng mata ng girlfriend ko. Kasama nang pamilya niya na namimigay din sila ng regalo.

Nilapitan ko siya. Tinanong ko kung paano niya nalaman ang lugar na yun.

Dun ko nalaman na kaibigan pala siya ni Mary. Nagkakilala sila doon din sa orphanage na iyon na madalas din daw niyang pinupuntahan. Hindi raw naging dahilan ang pagiging bulag niya para tumulong. Dun ko din nalaman na dun din siya nanggaling bago siya inampon.

At nang araw na yun nakilala ko si Tina. Ang gumagamit ng mata ng girlfriend ko. Dahil sa kanya, nabuksan ulit ang puso ko. Natuto na ulit akong mag mahal. Nagkaroon ulit ako ng dahilan para mabuhay. Hindi dahil nakikita ko sa kanya si Mary o dahil sa mata ng yumaong girlfriend ko.

Nagustuhan ko siya dahil nasa kanya rin ang mga bagay na gusto ko sa isang babae. Mabait, matulungin, maka-dyos, down to earth, bonus na yung maganda.

Naging magkaibigan kami ng ilang buwan, nag tapat ako sa kanya na gusto ko siya at nito lang March 2, naging kami.

Alam kong maaga pa para sabihin 'to pero, sisiguraduhin kong aalagaan ko siya at mamahalin, gaya ng pagmamahal ko kay Mary.

Alam kong masaya narin si Mary dahil natuto na akong ngumiti muli. Kahit may mahal na ako ngayon, hindi ko parin siya makakalimutan. Siya ang unang babaeng minahal ko ng sobra at higit pa sa sarili ko.

Troy
2004
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon