158 "Para sa bagong mahal ng mahal ko" 1

50 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Para sa bagong mahal ng mahal ko.

Bro! Kamusta kayo ni Ally? Ang bait niya no? Ang ganda pa. I know you are wondering kung bakit ko sinayang ang babaeng katulad niya. Wala eh. Naging gago ako bro. Naging gago ako at hanggang ngayon pinagsisisihan ko. Pero kahit naman pagsisihan ko huli na eh. Sayo na siya.

Pero bro, ipangako mo saking hindi mo siya sasaktan. In our three years relationship, yun na ang nararamdaman niya sakin araw araw. Pag pahingahin mo naman siya. Alam kong kung makikita ko lang ang puso niya noon, durog na durog dahil sa akin. Pero bro, salamat sa pag buo ulit ng puso niya ha. Salamat sa paglalagay ng band aid sa mga sugat na nagawa ko.

Gusto ko lang sabihin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya...

Si ally yung babaeng hindi mahilig sa regalo. Ipitan mo lang ng gumamela sa notebook niya yan maluluha na yan sa tuwa. Simple lang kasi siya. Mahilig siya sa fishballs, siomai rice at isaw. Dalhan mo siya palagi niyan. Masaya na siya. Di siya yung babaeng demanding. Walang arte yan. Si ally yung babaeng mababaw ang luha. Pusong-mamon. Kapag masaya siya automatic na ang luha niyan. Kapag galit o nagtatampo yan yakapin mo lang siya. Wag mong bibitawan. Magiging okay na siya. Yakap lang ang nakapag papawala ng galit niya.

Paborito niya ang 1D. Die hard fan siya nun. Mahilig din syang sumayaw. Mahilig siyang kumanta. Pero pagbabasa talaga ang pinaka hilig niya. Mga makakapal na libro. Yun ang kaagaw mo sa oras niya. Pero dapat maging masaya ka dahil hindi siya katulad ng ibang babae na sa club, shopping, happy go lucky. Hindi siya ganun. Siguro maiisip mong boring siyang babae, pero ganun siya. Naiiba sa karamihan.

Pangarap niyang maging doctor. Gusto niya raw kasi balang araw, siya ang gagamot ng libre sa mga batang may sakit. Ganun siya ka-bait. Kaya hanga ako sa babaeng yan.

Nakikita ko dinadalhan ka niya ng pagkain. Ganyan siya kaalaga sa taong mahal niya. Isusubo niya nalang, ibibigay niya pa sayo. Makita niyang pinagpapawisan ka, pupunasan niya agad yan. Malaman niyang basa ang likod mo, pupulbusan ka niya.

Swerte mo bro, nakakuha ka ng babaeng almost-perfect. Beauty inside and out. Bro, iparamdam mo sa kanya kung gaano siya kahalaga sayo. Ipakita mo na siya yung babaeng matatakot kang mawala.

Wag mo ng hahayaang lumuha siya ulit dahil sa galit o kalungkutan. Mahalin mo siya. Kahit makulit yan, clingy, sinasabi ko sayo bro, wala kanang makikitang babaeng katulad niya. Alam ko yun. Naranasan ko yun.

Kita ko sa mga tingin niya sayo kung gaano ka niya kamahal. Kita ko sa mga ngiti niya kung gaano siya kasaya sa kapag kasama ka niya. Ganyan din kasi siya sakin noon.

Alam kong unti unti ng nabubuo ang puso niyang dinurog ko. Sana wag mo ng durugin ulit yun.

Hindi niya deserve masaktan.

Ibigay mo sa kanya yung saya at pagmamahal na ipinagkait ko. Wag mo siyang papabayaan. Wag mong papabayaan ang babaeng mahal ko.

Masakit saking makita na ikaw na ang gumagawa ng mga bagay na ako noon ang gumagawa.

Pero wala eh. Tanga ko eh.

Pero may huling hihilingin lang sana ako sayo..

Alagaan mo siya bro.

Alagaan mo siya.

Salamat. </3

EJ (engineering)
2012
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now