170 "Not my baby Jerome anymore"

41 0 0
                                    

//Fb page: FEU Secret Files

Not my baby Jerome anymore

Sabi mo kasi, mahal mo ako. Sabi mo kasi, huwag ako mag-overthink. Sabi mo kasi huwag akong mag-alala kasi ako lang. Kasi sabi mo wala ka rin namang ibang kausap. Sabi mo, busy ka lang masyado kaya di mo ako mamessage. Sabi mo kasi, badtrip ka kaya nase-seen mo ako at di narereplyn. Dami mong pinagsasabi at pinapaniwalaan ko lahat para huwag kang mawala kahit na nagmumukha na akong tanga. Parang ako na nga itong lalaki e. Parang ako na itong naghahabol. Naiintindihan ko naman na busy ka. Iniintindi ko naman kapag sinasabi mo habang magkachat tayo na "wait lang, nagmessage na mga kalaro ko. On-game na pala." Pero bakit ganon? Akala ko, kapag inintindi kita, di ka mawawala. Ang sakit lang kapag binabasa ko yung mga sinusulat ko dito sa notes ng phone ko. Mga unang weeks nating magkakilala, okay pa. Pero ngayon, puro kalungkutan ang nababasa ko. :( Babae rin ako. Sana alam mo kung gaano namin hinahangad ang atensyon niyong mahal namin para sa amin. Sana aware ka na, everytime na sinasabi ko na "Sige okay lang, naiintindihan ko" nasasaktan din ako. Diba kasi, kapag mahal mo ang isang tao, gagawa at gagawa ka ng paraan para makausap mo siya. Ikaw di mo manlang ako mamessage, tang ina talaga. November 1, sabi mo, "Di ka ba pupunta sa sementeryo? Di mo ba dadalawin ang puso kong patay na patay sayo?" tang ina ang corny. Pero naisip ko. Baka nga patay na patay na ang puso mo. Patay na patay at pati nararamdaman mo para sa akin, patay na. :( mahal kita. Mahal na mahal kita pero ayoko na. Ubos na ako. Ayoko nang maging parte nitong pagmamahalang ako lang ang gumaganap. At pangako, ito na ang last na isusulat ko tungkol sayo. Huwag ka ring mag-alala, ito na rin ang huling luha na lalabas sa mga matang to dahil sayo.

call me abby
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now