180 "I'm not her"

43 1 0
                                    

//Fb page: UE Secret Files

I'm not her

ehem ehem.. let me share my story with my boyfie. So diko na papatagalin pa to.

Almost 8 months na kami ng boyfie ko and masasabi kong okay naman kami. Okay as in okay. So here's the plot. Sa almost 8 months namin na pag sasama lagi nya nakukwento yung ex nya. Yung ex nya daw na yon napaka caring, yun daw yung unang serious relationship nya, yun yung nag pabago ng pagiging gago nya, na sayang daw kase ginago nya din at the end, and yun daw ex nya napaka sarap mag mahal at napaka sarap mahalin. Everytime na sinasabi nya sakin yan hindi ako kumikibo, nakikinig lang ako. Nasasaktan kasi ako e hahahahha kingina. Nakaka insecure lang kase proud na proud sya sa ex nya. Sakin kaya ganyan din masasabi nya sa ibang tao? Fast forward na tayo mga bebe.

One time habang mag kausap kami sa phone may nasabi sya sakin na yung tropa nya daw namatay sa aksidente. And yung tropa nya daw na yon ay girlfriend yung ex nya. Naaawa daw sya sa ex nya kase nadepressed daw sa pagkamatay nung tropa nya kaya gusto nyang puntahan. Nagpaalam sya sakin kung pwede daw nya puntahan yung ex nya para lang daw palakasin yung loob so pumayag ako.

After that day nag kayayaan kami mag inuman sa bahay ng tropa namin. Hilo nako nun pero kaya ko pa sarili ko but yung boyfie ko naka yuko na sa table. Sinabi ng friend ko na may ari ng bahay na patulugin ko muna daw sa guestroom nila kaya inalalayan kona sya papunta sa room pero sabi nya sa c.r ko daw sya dalin kase nasusuka sya. So dinala ko sya s c.r. Habang iniintay ko sya sa labas ng c.r tinawag nya ko. Akala ko nadulas na sya or something kaya nag madali ako sa pag pasok. Mag papatulong lang pala mag hilamos para mawala tama nya.  Habang hinihilamusan ko sya may sinasabi sya sakin

NV:

S: Babe, pupuntahan ko si *ex nya*
A: Gabi na babe e bukas nalang sasamahan kita.
S: Ano naman kung gabi na?! Malapit lang naman bahay nila! Aalagaan ko sya tapos aalagaan nya ko!
A: Babe kaya naman kita alagaan e ako nalang mag aalaga sayo.
S: Gusto ko sya mag alaga sakin! Mag hilamos nga lang dimo na magawa ng tama e alagaan pa kaya ako?!

Nararamdaman kong nagagalit na sya kaya pumayag nako. Nag paalam kami sa friends namin at nag abang ng taxi.  Habang nasa taxi sinabi kong iuuwi ko nalang sya kase nakakatulog na sya habang naka upo kami sa taxi. Nagalit sya sakin and kung ano ano sinabi. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko.

"She's not you! Don't try to act like her! She's not you!"

Yes i'm not her. I'm not her that you love  the most. Im not her and i'm not trying to be like her. Because i'm not going to change myself for you to love me.

Yes i know hindi mo ako mahal. Na sya parin hanggang ngayon. Sorry kase hindi ko kayang maging sobrang caring tulad nya, sorry kung hindi ako masarap mag mahal at hindi ako masarap mahalin. Sorry. But I'm not her.

That night hinatid kona sya sa kanila. Umiiyak ako kaya siguro wala na syang nagawa nung sinabi ko sa driver yung address ng bahay nila. And also that night I broke up with him. Hindi ko na kasi kaya maging tanga. Ibang katauhan yung hinahanap nya sakin and hindi ko mabibigay sa kanya yon.

Megan
Business Administration
2016
UEMnl
College

ConfessionsWhere stories live. Discover now