167 "An open letter to my BF-My future husband"

38 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

An open letter to my boyfriend - my future husband

"Hi babe, we've been together for three (3) years... At na-realize ko na hindi pala talaga madali ang pumasok sa isang relasyon. Hindi palaging fairytale - na prinsesa ako, na may laging happily ever after.

Tatlong taon pero parang ang tagal tagal na. Hindi madali lalo na lagi kang nasa malayo... Pero hindi ko din akalain na tatagal tayo ng ganito. Marami sa mga kaibigan ko ang hindi din makapaniwala na tatagal ako at magiging matatag ako sa ganitong set up.

Ang hirap ng long distance relationship. May mga moments na sumusuko, pero hindi nagtatagal nagiging maayos din. Ganun yata talaga 'no? Ang layo na nga sa isa't isa eh nagaaway pa din tayo. But despite of that, Im positive on it dahil alam ko na sa bawat away mas nagiging matibay ang pundasyon ng pagmamahalan natin. Ang corny ba? Sorry. Nagmamahal lang.

Sorry kasi minsan o madalas makulit ako. Sorry kasi minsan hindi ako makaintindi. Sorry kasi minsan sarili ko lang iniisip ko. Alam ko hindi ka naniniwala pero makulit ako kasi araw araw pinagpi-pray ko na sana umuwi ka na, hindi ako makaintindi kasi mas nangingibabaw yung pagka miss ko sayo yung pananabik na makasama ka na ulit, at sarili ko lang ang iniisip ko kasi gusto ko palagi kang nasa tabi ko - pero lahat ng 'to, imposible.

Oo mahal, tanggap ko ng nasa barko na ang buhay mo, tanggap ko na na mas matagal yung mga buwan na nasa dagat ka kesa nasa lupa na kasama kita.

Isa lang naman hiling ko ngayon, 'yong makauwi ka ng safe at hindi mabiktima ng kung anu-anong modus sa airport kasi mahalaga sakin yung bawat oras na makakasama kita pag uwing pag uwi mo. Hiling ko din na makasama ka sa darating na pasko, bagong taon, sa birthday mo, at sa valentines. Dahil sigurado ako na pagkatapos ng valentines ay aalis ka na naman, magce-celebrate na naman ako magisa ng anniversary natin at hindi na naman kita makakasama sa birthday ko.

Uwi na babe, ayoko na ng Viber, Skype, at Facebook. Ang gusto ko ikaw mismo, makasama ka sa pasko... Uwi na please, miss na miss na miss na kita."

MsU
2007
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now