169 "Set you free"

32 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

SET YOU FREE

Writer's block isn't fun. I'm here today sitting in one corner of my shop and struggling with writer's block. I started writing this novel since 2012, pero di ko tinapos. Lately, nakita ko ulit yung draft nito so I decided to continue writing. It's actually a story of me and my first love, "J" and yeah, it's 5-10 chapters closer to the happy ending.

HAPPY ENDING, seriously? Bigla akong nagdalawang isip kung itutuloy ko ba na bigyan ng happy ending yung story naming dalawa,when in reality IT'S NOT. Ang sarap ifigure out nung happy ending na yon, pero hindi naman talaga yun ang nangyari eh, kaya eto ako ngayon, hindi malaman kung ano at paano ko itutuloy yung sinusulat ko. To gain some idea, I decided to stalk his facebook profile, and i guess, it's a very wrong move kase sobrang ang sakit sakit sa mata nung mga nakikita ko. It's a picture of you with YOUR WIFE AND YOUR SON. It's indeed a picture of a happy family.Kahit alam kong tanggap ko na, sobrang sakit pa din pala. Parang libo libong karayom yung tumutusok sa puso ko at di ko namalayan, unti unti na naman palang pumapatak ang mga luha ko.

I've been stuck loving you for 15yrs now. You've been happy with your family for 4 years now. What a fate! Yung mga promises mo before na para sa akin, naging para sa kanya. Ang sakit sakit.Ako dapat yung kasama mo eh. Ako dapat yung nanay ng anak mo. Ako dapat nagpapasaya sa'yo. Diba tayong dalawa yung bumuo ng pangarap na yon pero bakit ngayon ikaw lang yung masaya at ako lang yung malungkot? Yes, I tried to move on for how many freakin' years and yet, THE PAIN IS STILL HERE. Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng bagay na pwedeng makapagpaalala sa'yo (pagsusulat, pagtugtog, paglalaro) sa pag aakalang kasabay nito ay makakalimutan ko na rin yung nararamdaman ko, but I didn't succeed. ANG HIRAP. Memories are just so hard to let go kagaya ng kung gano kahirap ilet go yung idea ng ikaw at ako, yung idea ng TAYO.. Damn memories. It's just a fragments of the past but it keeps flashing on my mind.

I can still remember how everything between us went so magical but then, all of a sudden, I just knew that It was over without further notice. Siguro nga, YOU WERE JUST DESTINED TO FALL FOR ME, I WAS MEANT TO LOVE YOU BACK, BUT WE WEREN'T MEANT TO BE FOREVER.

And now, as I am stalking at your wall, I just realized na maraming bagay ang pwedeng ipaglaban, pero hindi lahat pwedeng ipagpilitan. Oo, mahal na mahal pa rin kita. Hindi yon nagbago despite all the heartaches and pain. Kung wala lang involve na bata, ipaglalaban at ipaglalaban kita, pero ayoko naman maging dahilan para hindi mo mabigyan ng kumpletong pamilya yung anak mo sa kanya. Siguro nga, mas mahal kita higit sa mas mas mahal ka nya pero mas kailangan ka nila, higit sa mas kailangan kita. Ito na siguro yung punto na kahit sobrang mahal na mahal pa rin kita, kakailanganin ko nang bitawan ka kase kung hindi, ako lang din yung masasaktan ng sobra.

Nakakatawa nga eh, ilang beses ko nang sinabing ilelet go na kita, pero hanggang ngayon di ko pa rin nagagawa at hindi ko alam kung ilang taon pa bibilangin ko bago ko tuluyang magawa. Siguro sa ngayon, hayaan mo lang muna kong damhin ang sakit sa pangungulila ko sa'yo. Hayaan mo lang muna kong lihim na tumingin habang masaya kayo. Hayaan mo lang munang mahalin kita sa paraang alam ko. Hayaan mo lang munang magpakatanga ako hanggang sa unti-unti ay mapagod na ko at kusa ng sumuko ang puso. Hayaan mo lang muna ko hanggang sa dumating yung araw na maging okay na ko. I LOVE YOU ENOUGH TO SET YOU FREE EVEN IF THE PAIN IS KILLING ME.

Stripes0825
College of Business Administration and Accountancy
(CBAA) 2009

ConfessionsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ