13 "Dahil sa ID"

99 4 0
                                    

Post taken from// Fb page: FEU Secret Files

Dahil sa ID

Nawala ko yung ID ko sa campus. Hindi ko kasi madalas sinusuot yun dahil hindi ako comfortable. Isusuot lang pag pasok sa gate, then hubad after iswipe, lagay sa bulsa. That day, hindi ko namalayang mahuhulog siya. Hanap ako nang hanap sa corridors at classrooms na pinasukan ko, pero wala. Pumunta na rin ako sa OSA dahil baka may nag magandang loob na nag surrender pero wala rin. Hanggang sa kinagabihan, nag open ako ng Facebook ko. Puro notifs.

*friends mentioned you in a post*

Pag tingin ko, may nag post na pala sa FEU group na may nakakita ng ID ko somewhere sa AB. Nilagay niya rin yung number niya so I could text her and meet her up. Kahit wala akong load, nag paload ako para lang itext siya at sabihing ako yung may-ari nung ID na napulot niya. Sumagot naman siya, wala raw siyang class kaya yung friend niya raw ang imimeet ko bukas sa NRH Canteen, 1:30pm, naka PE uniform at may ribbon daw na headband. Pumayag ako. Pumasok akong nag key-in nun dahil sa wala nga akong ID. 3pm klase ko pero 1:40 palang pumasok na ako para makuha yung ID. Oo, nalate ako sa meeting time kaya hingal na hingal pa akong dumating sa canteen.

Pagdating ko naghanap agad ako ng babaeng naka PE uniform, naka-headband na may ribbon.

Nakita ko yung ex kong papalapit sakin.

Naka-PE uniform, naka headband.

Inabot niya yung ID ko.

"Late ka na naman? Magbago ka na huy!" (natatawa niyang sinabi)

"Pero late na ba para humingi ng tawad sayo?" - tanong ko.

"Yang ID mo, isusuot mo. Pahalagahan mo para hindi nawawala sayo at napupulot ng iba."

Then may sumundo sa kaniyang lalaki sa pinto ng canteen, inakbayan siya, saka sila umalis nang magkasama.

AKALA KO NAKA-MOVE ON NA 'KO, HINDI PA RIN PALA. BWISIT NA ID 'TO. ILANG BEER NA NAMAN TULOY ANG IINUMIN KO PARA KALIMUTAN SIYA.

If you're reading this, I still love you Nicole! I really do. Sorry for being a dickhead before, I just realized your worth now that you're gone. T___T

Paul
2014
IABF
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now