24 "Everglow/Pretend"

94 2 0
                                    

Post taken from//Fb post: UE Secret Files

Everglow

" So how come things move on? How come cars don't slow? When It feels like the end of my world, when I should but I can't let you go".

May nagtanong sakin, ano daw yung pinakamahirap na desisyon na nagawa ko? Since ako naman kasi meron akong happy family at mapagmahal na mga friends i think yung pinakamahirap na decision na nagawa ko is yung mag let go na ng taong once na naging happiness ko.   Maglet go kasi hindi na siya happy sakin. First boyfriend ko siya and also first heartbreak ko na din. Hirap kasi di man kami ganun katagal pero madami kaming memories na napagsamahan. Sobrang sakit pala ganito pala yung feeling na masaktan ng bongga. Yung tipong akala ko lahat ng sad songs ginawa para sakin, paos na si moira kakapatugtog ko gabi - gabi, umay na mga friends ko sa fb kakashare ko ng mga sad posts, Gigising lang ako para umiyak nanaman at kahit saan ako lumingon may mga bagay na nakakapagpaalala sakanya tipong pati ipis may naaalala ako about him at halos isearch ko na sa google kung paano ba magmove on. It's been a month since naghiwalay kami. Ang sakit lang isipin na yung taong kilalang kilala ko stranger na lang ngayon, yung taong napagsasabihan ko ng problema wala na sobrang hirap tanggapin na yung mga pictures namin mananatiling pictures na lang. Sana kung gaano ko din siya ayaw mawala at kamahal ganun din siya sakin. Sana pag mahal mo mahal ka din doble pa.
Gusto ko lang magthank you kasi kahit papano naranasan ko na mahalin din ng taong mahal ko. Dahil sayo naging masaya ako ng sobra pero grabeng lungkot at sakit din ang bawi sakin. Sana maging masaya ako pero wala ng kasunod masaya lang, sana ganun na lang. Siguro hindi ikaw yung taong magiistay para sakin. You came into my life para bigyan lang ako ng lesson. Ganito lang talaga tayo pinagtagpo lang pero never to stay. Di ka naman mawawala sakin lagi ka pa din nandito. Pero ngayon, malaya ka na :)

hannah
Arts and Sciences
2017
UECal
College

**********
Post taken from//Fb post: FEU Secret Files
PRETEND

Sabi ng girlfriend ko siya raw ang nagluluto nung mga ulam na binibigay niya sa akin every lunch break. But one time, nakita ko siyang bumibili ng ulam sa EB Canteen. Sa Nitz. Nung umalis siya, lumapit ako sa tindera.

"Ate, palagi ba siyang bumibili dito?"

Tindera: Oo, araw-araw. Tapos ipapalagay niya sa baunan niya. Ibibigay daw niya sa boyfriend niya eh.

Dear Nina,

Alam kong gusto mo lang mag-paimpress sakin na marunong kang mag-luto, but I want you to know that you don't have to do this. You don't have to pretend. Naiintindihan ko kung hindi ka marunong dahil mapag-aaralan naman nating dalawa 'yan. Tanggap kita kahit ano ka pa. At hindi kita iiwan dahil lang sa hindi ka marunong mag-luto. Hope you can read this. Girlfriend kita, hindi kusinera. I love you more the idea of wife material thingy. Just stay with me, that's it.

Erwin
2013
IAS
FEU Manila

ConfessionsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin