96 "Controlling"

53 4 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Controlling

Sobrang controlling ng boyfriend ko to the point na binabago niya kung ano ako. Jolly kasi akong tao. Malikot, madaldal, maingay, joker, galawgaw, at ayaw niya na ganun ako. Example? Alex Gonzaga's personality, ganun ako. Pero gusto niya Maria Clara na mahinhin, mahiyain, e hindi nga ako ganon. Palagi niya akong sinisita na wag kang ganon, wag kang ganiyan. Noong una diba ang sweet kapag sinisita ka, kapag pinagbabawalan ka, pero habang tumatagal mafifeel mo yung pagiging controlling na masiyado.
Yung tipong "lahat na lang"?

I mean, nakilala nila tayong ganito, niligawan nila tayo sa kung ano tayo pero bakit may eksenang pinapabago? Exclude the vices ha kasi I'm talking about personality. Kung ayaw niyo sa personality nung tao since day 1 edi sana hindi niyo niligawan o sinagot, diba?

Sabi nila, para raw tumagal ang relationship part na yung "pagbabago". Eh bes, bakit kailangan mong baguhin ang sarili mo? Imbis na mahalin ka nang buo at tanggapin ka kung ano ka, bakit ikaw pa ang mag-aadjust? Minsan kasi hindi niyo naman binabago ang tao para sa ikabubuti niya eh lalo na kung wala namang connect yun sa ikapapahamak niya, binabago niyo lang yung tao sa kung anong gusto niyong maging siya without asking kung gusto niya ba. And I think, that's selfish.

Ari
2014
FIT
FEU Manila

**********

The best comment//From: Ryan Cabrera (Worth reading kahit mahaba)

  Ganito kasi yan. Diba kapag unang kilala mo sa isang tao na gusto mo, lahat sayo okay lang. Okay lang na magdemand siya, okay lang na magalit siya, okay lang kahit unfair pa sa part mo. Andun kasi yung thrill na naghahabulan kayo. Na nagpapakiramdaman kung gusto ka rin kaya niya? Yung nag eeffort ka para mainlove siya sayo. Pero kapag kayo na, kapag sure ka na na inlove siya sayo, kapag sure ka na na kaya niyang magpakatanga wag ka lang mawala, dun ka na magiging gago. Dun ka na magiging insensitive sa feelings niya kasi lagi mo na lang iisipin is, "Mahal niya naman ako. Di niya ako matitiis. For sure kahit gumawa pa ako ng kasalanan, papatawarin niya naman ako kasi she/he would rather go through the pain of being cheated by me rather than to live without me." Ganyan kasi yan. Kapag long term relationship kasi, sobrang komportable niyo na sa isat isa. To the point na parang feeling mo nakakasawa na siyang makita. Nakakasawa na siyang makasama. Kaya feeling mo hindi mo na siya mahal. Kasi wala na kayo sa stage na naghahabulan at nagpapakiramdaman. Kaya eventually, hahanapin mo yung ganung thrill sa iba. Tapos syempre, pag new relationship, mag uumpisa na naman sa habulan at pakiramdaman stage. So feeling mo tuloy, mahal mo na yung bago. Pero the truth is, landi lang yung nafifeel mo. Kasi diba? Alangan naman maghabulan at magpakiramdaman pa kayo nung long term partner mo e angtagal niyo na nga diba? Sure na sure ka na nga na mahal ka niya e kaya wala ng thrill sa part mo. Pero isipin ko diba? Lahat ng relationship magiging ganun din ang kalalabasan kaya ano pang point na magcheat ka at maghanap ng bago kung yung bago mo e mapupunta din sa ganung set up na mawawala na naman yung thrill. So hindi ba mas okay na magstick ka na lang dun sa long term partner mo? Kasi nag invest na kayo sa isat isa e. Andami niyo pang pangrap at plano. Itatapon mo lang yun kasi pansamantala kang nakakafeel ng "kawalan ng thrill"? Tandaan mo, ang love is not about the thrill. It's about commitment and faithfullness. Yung willingness mong ipush lahat ng kaya mo pa para lang maisave yung relationship na pinaglaban niyo na ng ilang taon. Sa totoo lang, dapat nga sa panahong feeling mo namimiss mo yung thrill ng habulan at pakiramdaman, pilitin mong ipaalala sa sarili mo kung pano ka nainlove sa kanya in the first place. Hindi yung sa iba mo hahanapin. Yayain mo siya na gawin yung mga ginagawa niyo dati. Kasi sa totoo lang, never ka naman talaga nafall out of love sa kanya e. Akala mo lang na naunlove mo na siya dahil lang sa puro away kayo, pero hindi. Hindi mo siya inunlove. Galit ka lang kaya napopollute yang isip mo. Isipin mo, "Mahal ko tong taong to e. Naaalala ko yung sinabi ko sa sarili ko na aalagaan ko siya once na maging kami." Diba? Mahal mo siya e. Wag mo dapat kakalimutan yun kahit gaano ka pa kagalit. Isipin mo yung nga pangarap niyo. Andami niyo pang gagawin together. Ngayon ka pa susuko? Anglayo na ng narating niyo. Ipagpapalit mo ba yung woman/man of your dreams para lang sa random hoe na kakakilala mo lang? Please lang. She/He is worth a thousand bitches. Alam mo kung gano ka niya kamahal. Sana isipin mo na angswerte mo pa kasi despite ng lahat ng kagaguhan mo, never ka niyang ginive up. I think it's time for you to realize how worthy she/he is.

ConfessionsWhere stories live. Discover now