175 "Never getting back together"

40 0 0
                                    

//Fb page: UE Secret Files

Never Getting Back Together

It's been what? 1 year? 1 year na nung pinili mong bitawan at iwan ako. Malapit na rin siguro kayong mag 1 year no.

I don't how and when basta ang alam ko lang hindi nako nasasaktan di ko na rin nakikita ang sariling nakatalikod sa inyo at lihim na nagpupunas ng mga luha ko everytime na makikita ko kayong magkasama. I wonder kung gano mo sya kamahal kasi di mo ko magawang tingnan. Mahal na mahal mo siguro to tje point na iniisip mo na you will cheated her pag tumingin ka sakin. Mahalaga pa ba yun? Di na rin siguro.

It's your birthday when I decided to say "yes" to you. Tuwang tuwa ka lalo na sila kasi natupad na daw ang pangarap mo na finally after 2 years of courting napa oo mo na rin ako. We've been together for almost one year 11 months and 20 days to be exact. Everyday magkasama tayo, you always fetch me everymorning para pumasok sa school, every breaktime nasa favorite spot lang tayo sa school, kapag uwian magpapalit lang ako ng damit tapos deretso na tayo sa bahay nyo. Parang naging routine na rin natin yun. Tuwang tuwa ang parents mo kasi for the first time daw nag uwi ka ng test paper mo sa mga exams mo. At nakakaoverwhelm pag nalalaman ko na dahil sakin. Kaya siguro nagkasawaan na tayo. Sorry. Nagkasawaan lang. Wala ng tayo.

Napapatanong ako noon sa sarili ko. Ano bang mali? San ako nagkulang? Bakit mo ako iniwan? At marami pang tanong na hanggang ngayon wala paring kasagutan. You left me hanging. I asked you a lot of why's but you always ansered me "AYOKO NA" damn. Gagi ka ba? After all ng pinagsamahan natin yun lang? Walang explanation? I did my all. I gave my all na halos wala ng natira sa sarili ko but you still chose to broke my heart, you chose to make me cry, you chose to leave me mouth open, you chose to hurt me and you chose her. You chose her over me. Why? San ba sya magaling? We already plan for our future kasi alam nating sigurado na tayo. What now? You make a promised and yeah I forgot promises are meant to be broken. Nakakatawa. Sa akin ka nangako pero sya ang umako. Damn! Ang sakit. Sana we chose to be nothing na lang. Because in this world only nothing last forever. God knew how much I want to spent my infinity with you at hindi tayo napagbigyan ng pagkakataon.

I'm afraid to give trust again. The fear is eating me na baka umiyak na naman ako at masaktan. Nakasurvive na ko e. Kaya ko na. Pero what if.... so many what if's na pati ako nakakasakit na rin. Nakakapagod. Nakakatakot. Nakakapanghina. Para akong nauupos. But thank you. Thank you for breaking my heart love natuto ako. My love for you almost destroy me. I already taste its bitter taste. And that is the END of our love story.

BELLA
IT
2016
FEUMnl
College

ConfessionsOnde histórias criam vida. Descubra agora