22 "Always the napapansin but never the minahal"

106 4 0
                                    

Post taken from//Fb page: UE Secret Files

ALWAYS THE NAPAPANSIN BUT NEVER THE MINAHAL

Hello! Kamusta ka? I heard na masaya ka. May girlfriend ka na ulit. Ang saya-saya niyo. At masaya din ako para sa inyo.

Ilang taon na din yung lumipas simula nung maghiwa-hiwalay tayo nung highschool. Huli kitang nakita is nung bumalik yung mga alumni ng school natin para sa foundation week. Ang pogi mo talaga. Nung nakita kita nung araw na yun, gusto kitang batiin. Gusto kong mag hi sayo kaso natatakot ako na baka malaman ng ibang kaklase natin na may feelings ako para sayo. Ayoko din na asarin ka nila sakin. Sino nga naman ako diba? Ako lang naman kasi yung between idol and fan, ako yung fan lang na hindi mo mapapansin. Hindi kasi ako yung ideal girl mo. Yung ideal girl mo kasi is complete package. You guys know what I meant by "complete package" Yun kasi yung napapansin ko sa mga naging girlfriend niya (well, except dun sa isa na maganda lang talaga at sexy). Ako kasi, chubby, medyo maliit pero sakto lang pag nagtabi kami. Hindi ganun katalino pero hindi rin bobo. Yung sapat na para makapasa. Hindi kasi ako yung tipo ng studyante na palaaral. Anyway, naalala ko nung grade 4 tayo. Lagi tayong pinag-tatabi ng adviser natin. Kapag wala namang magawa, nag ku-kwentuhan tayo. Natutuwa pa nga 'ko sa braces mo nung time na yun kasi dalawa lang yung bracket hehe. Dalawa na nga lang at nasa dulo pa tas magkatabi, yung tipong makikita lang yun kapag tatawa ka. Ngayon kumpleto na hahahaha.

Napanaginipan pa kita lately. Dalawang beses yung isa di ko maalala kung kailan basta recently lang. Tapos yung isa, kagabi lang. Bakit kapag sa panaginip ko, masaya tayo? Magkahawak tayo ng kamay. Nagtatawanan. Kapag bored ka naman sa panaginip ko, nakahiga ka lang tas hawak mo kamay ko. Naalala ko din dati na inaasar mo yung girlfriend (ex) mo na kaklase din natin. Aakbayan mo 'ko tas sasabihin mo "Girlfriend ko nga pala." Sa panlabas, poker face lang ako. Syempre kailangan itago, pero deep inside sobrang saya ko. Babaw ng kaligayahan ko noh? Kahit sa asaran lang ako naging girlfriend mo, ayos lang. Dumating yung araw ng graduation natin nung 4th year. Magkatabi tayo sa pila kasi alphabetical order. Masaya pa naman ako nung time na yun kasi mahahawakan ko yung kamay mo sa misa, sa part ng "Ama namin". Kaso, bawal daw hawak kamay. Nakakainis! Gusto ko sakalin yung nag announce na bawal yun. Kahit papano pinapansin mo naman ako nung graduation. Magpapa-picture sana ako sayo nung gabing yun kaso sabi nila mama, uwi na daw kami. Azar diba? Wala eh ganun talaga. Pinakita mo pa nga sakin yung diploma (kuno) mo. Hindi pa yun yung official diploma kasi may bagsak ka at need mo mag summer class para makuha mo yung official diploma. Chineer pa kita nun. Sinabi ko kaya mo yan at ngumiti ka lang sakin.

Kailan kaya dadating yung araw na mapapansin mo 'ko? Yung nasa akin talaga atensyon mo. Naiinggit ako sa mga nagiging girlfriend mo. Ang sweet mo sweet mong boyfriend. Bad boy ka kasi pasaway ka, may bisyo ka, pero may galang ka sa babae. Plus points yung pogi ka. Hanggang panaginip nalang ba tayo masaya? Kung oo, ayos lang. Hindi ko naman pinipilit yung sarili ko sayo eh. Basta ako, nandito lang ako. Nandito pa din ako, nangangarap na maging tayo. At kung hindi talaga pwede, baka sa kabilang buhay, pwede ko na ipagtapat sayo yung talagang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Yung panaginip ko na nakalimutan ko kung kailan nangyare, hudyat na siguro yun para kalimutan na kita. Sinabi mo kasi sakin sa panaginip kong yun na masaya ka na, at sana maging masaya na din ako. Gumising ako nun na puro luha yung mata (realtalk). Tapos kagabi, nagparamdam ka bigla na masaya tayo. Nakakainis ka naman eh. Tinetest mo siguro ako kung naka-move on na 'ko o hindi. Pero wag ka mag-alala, processing na yung pag mo-move on ko sayo. Paalam, mahal! 'Till we meet in heaven.

Chichay
Business Administration
2014
UEMnl
College

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon