91 "Mahal, Bakit ang bilis mo kong naiwan"

53 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: Ust secret files

Mahal, Bakit ang bilis mo kong naiwan

To the girl I love the most. Pangalanan natin siyang "Angel" Una pa lang nakita kita sobrang nagustuhan na kita. Pero hindi kita nalapitan, or natanong man lang ang pangalan. After a month biglang nakita ulit kita at dun pa tayo nagkita sa tambayan namin. Sa sobrang liit ng mundo pinsan ka pala ng gf ng bff ko. At dun nahingi ko na pangalan mo. Inadd kita sa fb nagkachat, nagkatext at minsan tawag and vid calls pa. Hanggang sa lumalim na nararamdaman ko sayo. Hanggang sa yung I love you ko nagkasagot na ng I love you too, at nangyare na I love you more, nadagdagan pa ng I love you palagi. Sobrang saya natin na dumating yung mga panahon na hindi ako naniniwalang maghihiwalay pa tayo kasi ako, naniniwala akong ikaw na talaga na tayong dalwa na talaga. 1yr & 2mos. ng pagsasama natin wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin ka, stressed ako kapag diko magawang pasayahin ka. Hindi ako pumapayag na matutulog tayo ng may sama ng loob sa isa't-isa. Sobrang saya nating dalwa. Ikaw palagi ang pinagpepray ko na kahit akin ka gusto ko hanggang huli akin kapa din. Hindi ko alam kung anong nangyare, basta na lang naiwan mo ako. Akala ko super okay tayo, yun pala super okay kana sa iba. A week after ka nakipag break sakin sabi ko pa sayo "Wag mo akong pagpapalit" tapos sabi mo "hindi, bakit kita ipagpapalit". Ang sakit sobra kasi nagawa mo pa din palang ipagpalit ako. Nakikita ko na yung tayo hanggang huli, na ikaw yung kasama ko sa future. Pero paano? Kung yung future na yun iba na ang kasama mo.

Ikaw, oo ikaw. Ang swerte mo naman. Ang swerte mo kasi ikaw yung pinili nung taong mahal na mahal ko. Ikaw na yung mahal niya ngayon. And she support you in everything u do. Sobrang proud nga din siya sayo eh. Ang swerte mo kasi hindi niya yan nagawa sakin yang mga bagay na napapakita at nagagawa niya sayo. May times pa na kapag may nakakakita samin lalayo ako sa kanya, or sasabihin niya kaibigan niya ako basta lang matanggi niya sa ibang tao na hindi kami. Kumbaga nagagawa niya yun kasi hindi niya kayang iexplain sa sarili at sa ibang tao bakit siya pumatol sa isang lesbian. Eh ikaw ang dali mo ipakilala sa magulang sa mga kaibigan niya kasi ikaw totoong lalaki ka. Swerte mo no? Alagaan mo mahal ko ha, mahal na mahal ka niyan ramdam ko.

*Malfunction
2016

ConfessionsWhere stories live. Discover now