98 "Torture"

51 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Torture

Natutulog ako no'n sa condo. Bigla siyang dumating, galit na galit. Sinipa ako. Bakit daw ako nag like ng picture ng babae sa Facebook. Nung una hindi ko maalalang may nilike ako dahil as far as I remember, hindi naman ako nag la-like at nag aadd ng hindi ko kilala.

Naalala ko ni-like ko yung picture ng blockmate ko.

Galit na galit siya. Pinrint niya pa yung picture sa isang short bond paper, at pinakain niya sa akin. Oo. Pinakain niya sa akin yung papel habang minumura niya ako at sinasabihan ng "Malandi", "Babaero", "Di marunong makuntento", etc.

Mahal na mahal ko siya noon kaya kahit sobrang psycho ng ugali nun, tiniis ko. Duda araw-araw, tang ina brad gusto mo ba yon? Wala kang ginagawa pero putcha bigla kang aawayin. Pagod ka galing school, puyat ka sa kaka-review, tapos aawayin ka pa niya. Tangina lang. Lahat pinatigil niya. Dota, bawal. Birthday ng tropa, bawal. Halos lahat, bawal. Itinigil ko. Sinunod ko nalang kahit labag sa loob ko. Mahal ko eh.

Hindi naman talaga ako ang dahilan kung bakit may trust issues yun. Sa past boyfriend niya nangyari na niloko siya pero hindi ba't unfair na ako ang nag sa-suffer sa kasalanang hindi naman ako ang gumawa? Prepared ako oo, na una palang kailangan ko ng maraming-maraming pasensiya kasi may trust issues nga siya pero hindi ko inexpect na aabot sa point na tinotorture na ako.

Nananakit siya physically. Nananampal, nanununtok, naninipa. Hindi ko alam kung may psychological problem ba siya since birth o ano. Kung meron man, I am hoping na sana gumaling siya. Pero hindi ko kinaya. Nakipag-break ako. I can no longer stay with her.

Sampalin ba naman ako at pagmumurahin sa harapan ng mga kaibigan ko dahil lang nag basketball ako ng isang oras? Hindi ako nakipag break dahil sa pinahiya niya ako o nag mukha akong under. Nakipag break ako dahil sa fact na hindi niya ako nirerespeto. Napuno na talaga ako, parang sumabog yung naipong galit kaya ko nasabing mag-hiwalay na kami. Tao rin naman ako diba? Hindi naman ako picture frame na walang pakiramdam.

Nung nag break kami akala ko malulungkot ako at pagsisisihan ko, pero hindi pala. Mas narelieved ako. Na-relieved ako na wala ng toxic sa buhay ko na araw-araw nang me-mental at physical abuse sa akin. Kapag kasi alam mong hindi na nakakabuti sayo, kumalas ka na. Wag kang matakot maging single o mang-hinayang sa taon na pinagsamahan, kasi kung nag-iistay ka, mas lalo ka lang nag sa-suffer. Kesa yung panahon na nag sa-suffer ka eh iniispend mo na sa panahong nag mu-move on ka, edi ang saya at peaceful na ng buhay mo ngayon.

Para sa mga babae naman, kung ano yung respetong hinihingi niyo mula samin sana willing din kayong ibigay 'yon. Tao rin naman kami. At para sa mga nasa relationship, sana bago niyo gawin ang isang bagay sa partner niyo isipin niyo muna yung pakiramdam kapag sa inyo ginawa. Kung hindi maganda, edi 'wag niyong gawin sa kanila. Muntanga eh.

Johnny Deep
2010
IABF
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now