112 "LDR"

53 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

LDR

Ang buhay namin ay umiikot lang sa skype at facebook video araw araw. Hintayan lang palagi sa mga panahon na magiging bakante ang oras namin pareho.

Somehow, nakaka-inggit yung mga couples na kahit kailan nila gustuhin, kahit anong oras, pwede nilang makita at mahawakan yung mga taong mahal nila. Kaya ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may mga taong kinatatamaran pa na makasama ang isa't isa na dapat ipinagpapasalamat nila. Dahil may mga taong nangangarap na mapunta sa ganung sitwasyon. Kagaya namin. Samin kasi, hanggang screen lang. Hahalik sa screen, kikilitiin yung screen, susubuan ng pagkain yung screen pero kahit ganun, iba parin yung saya na nakikita namin ang isa't isa sa simpleng screen na yun.

Nasasabi namin kung gaano namin ka-mahal ang isa't isa, kuntento na kami na napaparamdam namin yun sa simpleng palitan ng mga salita lang at chat gamit ang social media.

Maraming nagsasabi na kapag LDR bihirang mag tagal kasi hindi mo malalaman ang tawag ng temptasyon sa paligid niyong dalawa. Oo, hindi mawawala yung takot. Naniniwala din kami na hindi namin yun aasahang darating pero alam namin na kontrolado yun ng bawat isa. Naniniwala kami na kahit bantayan ka ng tukso ng bente-kwatro oras, choice mo parin kung susunggab ka o hindi. Nasa sayo parin kung kakayanin mong piliin ang tukso kesa sa taong nagmamahal at nagtitiwala sayo. Nasa sayo parin kung matitiis mong saktan ang taong mahal mo para sa panandaliang kasiyahan na mararanasan mo.

Mahirap at marupok ang relasyong magkabilang mundo para sa mga taong mababaw ang pagmamahal. Pero dun sa mga taong kahit magkabilang mundo, kahit milya-milya ang layo, para sa kanila, para samin, higit pa sa magkasama ang nararamdaman namin kahit sa screen lang namin nakikita ang isa't isa. Dahil kung tunay ngang nasa puso at utak mo palagi ang isang tao, hindi mo siya kailangang makasama ng personal para maramdaman mong mahal mo siya at mahal ka niya. Dahil may mga taong magkasama pero ang puso at utak ay wala sa isa't isa.

Nagsimula ang lovestory namin dito din sa Pinas. Schoolmates kami dito sa FEU. Naging couple kami ng two years, from third year to fourth year ng magkasama at noong ikatlong taon, after graduation, kinailangan niyang makipag-sapalaran sa amerika. Mahirap noong una kasi nasanay kami nang magkasama. Pero sa paglipas ng panahon, nakasanayan narin namin. Sa LDR hindi mawawala yung madalas na pag-aaway, tampuhan, di pagkakaunawaan, pero nasa sainyo pareho kung yun lang ang magiging rason niyo para bumitaw, para sayangin ang lahat. Tatlong taon kaming nagka-layo at isang buwan sa pang-anim na taon, umuwi siya dito sa Pilipinas para magbakasyon.

Mag bakasyon na hindi ko inakalang mag po-propose na siya ng kasal.

Sobrang saya ko nung araw na yun. Hindi lang dahil nahahawakan ko na siya kundi dahil din pag-aari na namin ang isa't isa.

Nabawasan yung takot na baka may magustuhan siyang iba, na baka may makilala siyang mas better. Kasi kahit may tiwala ka sa taong mahal mo, hindi parin mawawala yung paminsang ganung pag iisip lalo na kapag magkalayo kayo. Tiwala lang talaga. At pinrove namin sa isa't isa na kahit magkalayo kami, hindi nabawasan at mababawasan ang pagmamahal. Na kaya naming tuparin ang mga pangako at plano namin kahit ano pang mangyari.

Isang buwan lang siyang nag stay dito at dalawang linggo pagkatapos ng kasal kinailangan niya ng bumalik sa amerika. Balik ulit sa dati. Balik ulit sa pagmamahalang screen ang saksi. Pero atleast, may singsing nang nagbibigkis. 💍💞

Stella
200*
IARFA
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon