105 "Para po, Manong !"

60 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Para po, Manong!

"Nakasakay ako ng jeep pauwi  noong may sumakay na kuya na naka-all white. Naka-nursing uniform. Umupo siya sa harapan ko. Jusko, ang gwapoooo! Judging from his looks, foreigner to. Ang puti. Matangkad. Ang bango! Edi siyempre ako, feelingera. Sa isip isip ko, sparks na to. Lol.

Napansin ko na palingon lingon si kuya sa driver. Parang confused siya about something, tapos hindi siya mapakali. Nilabas niya coin purse niya. Noong nagbayad ako, tumingin siya sa akin na parang inoobserbahan niya ako. So naisip ko baka first time niya sumakay ng jeep. Well, baka bago lang dito sa Pinas. E akong nagpapacute, bilang bida -bida....

*verbatim*

Me: Kuya, say ""bayad po, manong"" to pay your fare. If you need to get off the jeep, you say ""para po"". *smiles*

Kuya Nursing: *smiles back* (in straight tagalog) Ah alam ko naman yun ate. Pero thank you na din.

JUSKO! LUPA, BUMUKAS KA AT LAMUNIN MO AKO! Gusto ko sana bumaba ng jeep nung mga oras na yun, pero ang layo pa ng bahay namin. Di ko naman bet maglakad ng malayo at sayang pamasahe. Hehe. Buong byahe iniiwasan kong tumingin kay kuya, pero sa peripheral vision ko nakikita ko na nakatingin siya sakin at medyo patawa tawa. Nyeta talaga.

Pareho pa pala kami ng bababaan! Pagbaba ko nagmamadali akong maglakad palayo dahil hiyang hiya nga ako. Narinig ko si kuya nursing. Sabi niya...

""Ate! Sana makasabay ulit kita bukas.""

Lumingon ako just to confirm na ako yung sinabihan niya. Nakita ko siyang nakangiti sa akin. Ngumiti din ako tapos naglakad na palayo dahil pulang pula na ako sa pinaghalong kilig at kahihiyan.

Mga ilang beses ko pa siya nakasabay sa jeep pauwi nung mga sumunod na araw pa. Hanggang sa sabay na talaga kaming umuuwi dahil hinahatid niya na ako. Sa UST pala siya nag-aaral. Nagkakilala na nga kami at naging magkaibigan. Oh yes, nagkaroon na nga ng sparks! Tagumpay! Hihi.

This story happened almost 4 years ago. Pero hanggang ngayon tandang tanda ko pa kung paano kami nagkakilala. Hindi man kami ang nagkatuluyan, minsan, kapag sumasakay ako ng jeep, (na bihira ko ng gawin ngayon) naaalala ko parin yung araw na 'yon. :)"

RedHead
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

Confessionsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن