3 "Bakit?"

321 4 0
                                    

Post taken from//Fb page: Dela Salle University - Dasmariñas Secret Files
N:// Yung last part besh. 🧡

Bakit?
Facebook ang dahilan kung BAKIT tayo nagkakilala tandang tanda ko pa nga nung nag-wave ka sa messenger tapos tinanong mo ako kung gusto ko bang maging kaibigan ka eh sakto pinanunuod ko si kuya cardo kaya pinasa ko yung picture niya na galing sa TV namin tapos sinabi ko na AYAW NI KUYA CARDO. Hanggang sa umabot na ang pag-uusap natin hanggang umaga tapos tumawag ka pa sa measenger tapos nagkapalitan na ng number. Mabilis nahulog ang loob ko sayo kasi sobrang sweet mo, aaminin ko na masarap ka kausap. Habang nagthethesis kami nagchachat tayo halos 24hrs kung mag-usap tayo hanggang sa napapamahal ka na sa akin at dahil dun pumayag akong makipagkita sayo kasi may tiwala na ako sayo pero nung gabing yun nawindang ako ng malaman ko na magulo lang pala kayo ng girl friend mo pero sabi mo magkaibigan pa rin tayo at walang magbabago tapos bigla na akong chinat ni ate girl na layuan na kita pero hindi ko ginawa lalo pa akong kumapit sayo kasi ayaw mo rin naman na mawala ako hanggang sa maging tayo kahit kayo pa rin tapos lumilipas yung araw sabi mo ayaw mo na talaga sa kanya hanggang sa maghiwalay na nga kayo kaya lalo akong nag-effort para hindi mo ako iwan pero isang araw umamin ka na nasasaktan ka dun palang naramdaman ko na gusto mo na siya balikan. Binigay mo yung password mo sa akin tapos araw-araw ko chicheck yun nakablock na pala tayo kay ate girl so ayun iniintindi ko lahat ng ginagawa mo, sinusuportahan kita sa lahat ng gusto at pangangailangan mo pero lagi akong nagtataka kung BAKIT hindi mo ako matitigan sa tuwing magkikita tayo pero okay lang binaliwala ko tapos ayun marami ng nagagalit sayo kasi iniwan mo siya at lahat na ng family against sayo kasi nga ako ang pinili mo pero okay lang sayo yun sabi mo tapos one day bigla ka nalang nagpalit ng password, bumabagal ka na magreply sa mga chat ko. minsan mo malang sagutin ang tawag ko pero okay lang yun kasi naging busy rin naman ako at alam ko ang pagkukulang ko pero BAKIT active now pero hindi mo ako seneseen tapos nagulat nalang ako BAKIT mo ako binlock sa pagkakatanda ko wala naman akong nagawang mali tinatawagan kita pero ayaw mo sagutin hanggang sa may sumagot na babae si ate girl na pala yun tapos sinabi ko na may kukuhain ako sayo pero ang intensyon ko talaga ay makausap ka pero nagulat ako nung si ate girl ang nagbigay nagthank you siya kaya nagthank you ako. Naawa ako bigla sa kanya kasi ako ang dahilan kung bakit nasaktan siya kaya Im very sorry ate girl. Tapos agad ako sumakay at napaisip na dahil ba sa sobrang bait ko kaya nangyayari to. Lahat ng sinabi mo nagflashback sa utak ko lahat lalo na yung sinabi mo na hindi ko deserve ang masaktan pero Bakit mo ako sinaktan. Sinabi mo na Ako lang pero Bakit siya nalang pala. Baby I love you so much but you hurt me so much. Alam kong wala akong karapatan na magdrama dahil kailangan kong tanggapin ang consequence ng ginawa ko pero itong part na ito yung sobra. Dahil ba sobrang bait ko kaya dapat lang to saakin, dahil ba hindi ako nagagalit kaya para sa akin to. Akala ko kasi ilalaban mo hindi pala.
Baby thank you kasi i learned a lot from you. I'm sorry kung ako yung naging dahilan para pigilan kayo na maging masaya.
Huwag tayong magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

-Baby 😘❤

ConfessionsWhere stories live. Discover now