75 "Ugly truth"

58 4 0
                                    

Post taken from//Fb page: De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

Ugly Truth

Girls na hindi masyadong attractive since birth, wag kayo mag alala. May pag asa pa kayo. Wag niyo maliitin si puberty.

So nung elementary ako down na down ako non. Kase nung trip lang naming magkakakaklase mag aminan ng crush, lahat ng girls merong may crush sa kanila pwera lang ako. Girl ganon ba ako kapanget? Sabagay, maitim at dugyot ako dati. Tapos meron kaming crush ng mga kaklase kong babae. Iisa lang crush namin. Tapos bilang malalandi kami nung elem kami, tinanong namin don sa crush namin kung sino crush nya. Aba bwisit!! Lahat daw ng kaklase ko crush nya pwera lang ako. Alam niyo ba gano ako kadown non? Gano kapangit tingin ko sa sarili ko non?

Nung highschool naman ako, may magtatanong saking manliligaw, pero sinasabi kong hindi kase alam kong trip lang ako ng mga lalaki samin. Tapos kinabukasan non kakalat na yon sa buong year namin pati kabilang section alam, and naging katatawanan ako non ng ilang araw..  which is hindi nakakatawa. Nakakababa ng pagkatao. Nakakababa ng pagkababae. Yung mga lalaki, mababa ang tingin sakin. Samantalang ang laki ng respeto nila sa magaganda naming classmates. Sabi ko non, kelan kaya ako gaganda? Kelan kaya ako magiging karespe respeto?

Nung college ako, ganon padin. Pero ayon lang, wala lang din respeto sakin yung mga kaklase kong lalaki. Mararamdaman mo naman yun eh. Kung pano ka itreat. Iba sa magaganda mong kaklase.

Then ayun yung time na nagkaroon ako ng online boyfriend. Hindi sya ang first boyfriend ko, pero sya ang first real boyfriend ko para sakin. Kahit sinasabi nyang maganda na ako the way I am, di ako naniniwala. Alam kong binobola nya lang ako kase girlfriend nya ako. Alam ko gano ako kapangit. Ramdam ko yon dahil sa pagtrato sakin ng mga tao sa paligid ko.

So ayon, simula non di ako naglalalabas ng bahay. Takot na ako sa mga tao sa labas. Naging introvert na ako. Takot na ako makisalamuha sa ibang tao. Scared of what's the next insult they're gonna say to me. School and church nalang ang dahilan bat ako lumalabas ng bahay.

Then tinry ko mag make up, paunti unti. Nung una, tinutukso pa ako ng mga kaklase ko kase sabi nila di na daw ako gaganda kahit anong gawin ko.

Pero ngayon I'm proud of what I have become. I became the apple of the eye of most men. Yung mga kaklase ko dati na panay ang pang lalait sakin? Hanggang seen nalang sila sakin sa message, hanggang like nalang sila sa picture ko, o hanggang comment. Yung iba nag ppm pa na pansinin ko naman daw sila sa personal pag nagkasalubong kami. I'm proud because I proved them wrong. I can be respected too. I can be beautiful too. I am just a caterpillar waiting to be a butterfly.

Kaya girls, wag kayo magmadali mag grow. Dadating din ang time niyo. Just let puberty do the magic and the make up will do the rest.

PS. May mag cocomment dyan na hindi nakabase ang respect sa itsura. Guys? Really? All my life, people disrespected me because i'm an ugly little girl. Let's face the reality. People only care if your beautiful or dying.

MissU
College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM) 2013

ConfessionsKde žijí příběhy. Začni objevovat