166 "The more you hate, the more you love"

51 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

The more you hate, the more you love

Galit na galit ako sayo nun napaka epal mo kasi palagi. Papansin ka. Pa cool kid. Mga joke mo below the belt. Bully ka. Pati mga prof binu-bully mo.

Hinihintay ko na nga lang ako ang asarin mo dahil lahat ng ka-block natin binully mo na eh. Hinihintay ko lang na ako ang barahin mo dahil ang tagal tagal ko ng gustong tadyakan yang mukha mo!

Ang saya saya ko pag absent ka dahil walang epal sa classroom. Walang maingay. Hindi ko maririnig yang nakakairitang tawa mo.

Sobrang nakakairita ka talaga! Inis na inis ako sayo.

Isang beses nakasalubong kita sa hallway. Nag hi ka. Tinitigan kita ng masama. Tapos sabi mo "Wag kang sumimangot. Papangit ka niyan."

Inirapan kita. Pero deep inside mejo kinilig ako ng slight sa sinabi mo. Lol. Pero bwisit ka parin.

Isang beses nakasabay kita pauwi. Sa jeep. Magkalayo tayo. Di kita pinapansin. Kahit tignan ayoko. Nakakainis mukha mo eh. Hanggang sa meron dalawang lalaking sumakay.

Pinag ti-tripan ako. Binabastos ako. Pilit hinihingi number at pangalan ko. Naka tingin ka lang.

Bumubulong ako sa isip ko, "Tanginang to ayaw man lang ako ipagtanggol.

Hanggang sa hinawakan na ako nung isang bastos na lalake sa balikat.

Sinampal ko. Nakatingin ka lang.

Sinabihan akong pakipot ng mga bastos.

Iyak na iyak na ako. Gusto kitang murahin dahil nakikita mo ng binabastos ako pero wala kang ginagawa.

Pinunasan ko lang ang luha ko, pag tingin ko sayo nawala kana sa kinauupuan mo.

Nagulat ako kasi nasa tapat na kita. Nakikipag suntukan ka na sa loob mismo ng jeep.

Dalawa tinadyakan mo palabas ng jeep.

Mura ka ng mura. Gigil na gigil ka sa dalawa. Pag baba nila sabi mo,

"AYOS KA LANG?"

"Oo. Salamat!!" (pagalit kong sinabi)

Ikaw: Tinulungan ka na nga, galit ka pa?

Ako: EDI SALAMAT! THANK YOU VERY MUCH! OKAY NA?

Ikaw: HINDI PARIN OKAY ANG THANK YOU! MAKIPAG KITA KA SAKIN SA NRH CANTEEN BUKAS PAG BREAKTIME! YUN ANG KAPALIT.

Ako: Bat naman ako makikipag kita aber?

Ikaw: Pinagtanggol kita! Baka na rape ka na jan kung wala ako. Sa ayaw mo o hindi makikipag kita ka or else dadalhin ko pabalik yung dalawa dito!

Ako: OO NA!

Ikaw: HEHEHEHEHE (tawa mong bwisit pakinggan)

Tapos bumaba na ako. Nag bbye ka pang bwisit ka. Pang asar talaga.

Pero deep inside nalaman ko na gentleman ka pala. 1 pogi point over 100. 1/100. Grade mo sakin. HAHAHAHA!

Kinabukasan papasok ako ng FEU. Nakita kita sa labas may bitbit kang styro ng pagkain at may kasamang tubig. Inisip ko, "Aga aga naman kumain neto. San kaya kakain to?" Sinundan kita papuntang Lerma. Nakita kong binigay mo yung pagkain na bitbit mo dun sa matandang palaging natutulog dun sa gilid. Tinitignan kita mula sa malayo. Nakaka touch makita. Ang dumi ng matanda pero niyakap mo. Considering na naka puting polo ka. Nag paalam ka sa matanda. Sabi mo "Bye Nay. Kain ka lang dyan. Bukas ulit."

Narealize kong may puso ka pala.

Kaya pala palaging marumi ang polo mo kapag pumapasok ka. Akala ko sadyang dugyot kalang manamit o nadumihan sa bilyaran na tinatambayan mo. Hindi pala.
Nauna kong nakarating ng classroom at sumunod ka.

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon