173 "Boys need some love too"

43 1 0
                                    

//Fb page: FEU Secret Files

Boys need some love too

"Hi, FEU. Hindi ako taga-FEU. I'm actually from UST. Pero yung girlfriend ko, taga-FEU. Sana mapost po.

I love her very much. Sobrang saya ako kasi siya yung taong tumanggap sakin kung ano ako. And nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. But her spirit, her love, her everything. Lahat nagpacapture sakin. Mahal ko sya talaga. Mahal din nya ako. Matagal na rin kaming in a relationship. Going 4 years.. Mahaba na ba yun? Pero I'm definitely sure, this is something.

Kaso minsan, di ko na sya macontrol. I mean, di naman sa diktador ako sa relationship or sexist ako kasi ako yung lalaki whatsoever, pero minsan, gusto ko lang naman maramdaman yung ako naman yung pinapakitaan on how much she loves me.

Yung mga girlfriends ng mga kaibigan ko, nag-eeffort pumunta sa UST para makilala nung girlfriend nila personally yung tropa ng boyfriend nila. Syempre, proud tong mga kaibigan ko ipakilala girlfriend nila. Samantalang ako, 4 years na kami di ko pa ata nagagawa yun.

I tell you. Hindi lahat ng In A Relationship, masaya kapag Valentine's Day. Isang beses palang ata ako nakatanggap ng regalo mula sa girlfriend ko. Na sobrang tinatago tago ko kasi, yun na nga lang ang binigay nya eh. Pero, yung mga binibili nyang stuffs from Anime/Cosplay Conventions, mga gadget na hindi naman nya kailangan at kung ano ano pang mga bagay na para sa sarili nya, willing syang gumastos ng THOUSANDS para dun.

Yung mga kaibigan kong may girlfriend, lagi silang nakakatanggap ng random surprises or minsan, talagang inaasikaso talaga nila boyfriends nila. Pinadadalhan ng baon, ginagawan ng love letters (kahit cheesy at corny, nakakataba ng puso), kapag may gimik, kasama namin. And all sorts of stuff para ma-express nila yung love nila sa mga boyfriends nila.

Yung girlfriend ko, nagchachat lang ng mga usual na convos sa text like ""Kumain ka na ba?"", ""Good mornings/good nights"", ""san ka na po?"", ""ingat"", etc. Pero yung talagang mag-usap about a certain topic like may problema ba ko today, kamusta studies ko, buhay pa ba nanay at tatay ko, bakit 42 ang answer in life and the universe. Wala eh.

Pag tinignan mo walls nung mga girlfriends ng mga kaibigan ko, puro mga kacornihan about their boyfriends. Pero yung akin, puro rants sa anime, mga fandoms nya, mga kashitan na wala naman naglilike. Not a trace about me. Di ko nga alam kung importante pa ko sa kanya eh.

Hindi ko alam. Nagkulang ba ako? Hindi naman siguro. Wala naman akong nakalimutang monthsary/anniversary. Lahat naman ng gusto nya, kapag kaya ko ibigay, binibigay ko. Nag-eeffort akong pumunta sa FEU Makati para makilala mga kasama nya araw araw. And so on and so on.

Alam naman nya to. Lagi ko tong sinasabi sa kanya - na bigyan nya naman ako ng attention. Pero puro sorry lang. Wala naman nagbabago.

Ayoko makipagbreak. Pero kung mabasa mo man 'to, sana magbago pananaw mo. :( Mahal kita. Sana wag mo sayangin."

Semi-colon
2012
Other
UST

ConfessionsWhere stories live. Discover now