15 "Balik loob"

92 5 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

BALIK LOOB

Isa akong bakla. Noon. Kontesera, ladlad na bakla, longheradang bakla, proud liwayway!

Since birth, babae na talaga ang puso ko. Since birth, idol ko na talaga si Barbie, at aware akong berde ang nananalaytay na dugo sa katawan ko. Mahilig ako sa bistida, pink stuff, at gwapong mga lalake.

Highschool pa lang jumojoin na ako sa mga gay pageant, hanggang college, until now. Supportive ang parents ko sa pagiging baklush ko, at sobrang swerte ko na doon pa lang. Hindi ko naranasang majombag ni Pudang unlike sa ibang mga kapwa ko baklush. Nakatungtong ako ng college na alam na alam ko sa sarili kong babae ako by heart. In fact, mas mahaba pa ang pilik-mata ko kesa sa pilik-mata ng mga kaklase kong babae, at panay-panay ang boy watching ko sa campus nung first day.

Simula nang matuto akong makipag-interact sa ibang tao, kinder siguro 'yon, puro babae na ang mga kaibigan ko. Beki, bilat, basta puro ganoon. Sanay naman ako na puro babae ang kaibigan ko pero nagbago nang bongga yun nang makilala ko si Abigail. Blockmate ko siya since first year. First day pa lang napansin ko na siya, sabi ko pa sa sarili ko, "Ang barbie naman ng bilat na 'to, lakas makasira ng mood", hanggang sa naging kaibigan ko siya. Actually almost lahat ng babae sa block ko naging bff ko, pero mas bestfriend ko lang talaga si Abigail.

Marami akong naging kaibigang magaganda pero hindi ko maexplain yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Abigail. Bumibilis yung tibok ng puso ko, kinikilig ako, pinagpapawisan ako nang malamig, nauutal ako kapag tinititigan niya, at ang pinakamasakit, tumitigas si Junjun kapag iniisip ko siya sa gabi. Jusme! Kalurks! Alam kong mali na yung nararamdaman ko, napaisip na rin ako na baka nga nafafall na ako sa bestfriend kong "BABAE", kaya nilayuan ko siya. Pakiramdam ko naloloka lang ako. Baliw-baliwan si bakla dahil nainlove sa lason. Humanap ako nang ibang kaibigan which is very unfair para sa kaniya. Three years kaming naging mag-bestfriend, from first year up to third year, sobrang close namin to the point na sa bahay na namin siya natutulog, sa kwarto ko, katabi ko. Pero dahil alam kong nagugustuhan ko na siya, lalayuan ko siya nang wala man lang akong rason na maibigay sa kaniya.

Chinachat niya ako pero dinidedma ko siya. Nilalapitan niya ako sa classroom, pero dedma pa rin ako. Mas naloloka ako sa nararamdaman ko kasi nasasaktan ako para sa kaniya. Nasasaktan ako dahil alam kong nalulungkot siya sa ginagawa ko. Til one time, umiyak siya sa harapan ko. Pumunta siya sa bahay namin non, diretso pasok siya sa kwarto ko. Itinaboy ko siya. Sabi niya, three years kaming naging mag-bestfriend, di niya maintindihan kung bakit ko siya sinasaktan nang gano'n. Pilit ko siyang pinapaalis sa bahay namin nun pero nagmatigas siya na hindi siya aalis hangga't di ko sinasabi ang dahilan.

At sinabi niya ring kapag sinabi ko kung bakit ko siya iniiwasan, hindi niya na ako lalapitan o guguluhin kahit kailan. Wala talaga akong intensyon aminin pero biglang nasabi ko nalang.

"Kasi gusto na kita. Kasi mahal na kita. Alam kong mali. Alam kong imposible... pero yun yung nararamdaman ko."

Natawa siya. Tawa nang tawa. Natatawa siya kasi hindi niya raw akalain na magugustuhan ko siya. Matagal niya na rin daw akong gusto. Yun din daw ang rason kung bakit wala siyang binoyfriend kahit maraming nanliligaw sa kaniya dahil ako raw ang gusto niya. Kaya rin pala inookray niya ako noon kapag chinichika ko sa kaniyang may dinidate akong boylet. Ikr, Kaloka ang revelation ni ate mo girl!

Ngayon, kami na. Tanggap niyang mas mahaba pa ang buhok ko sa kaniya at mas babae pa akong gumalaw. Ilang buwan din akong nag adjust at nakapag-isip isip na babae na pala ang jowa ko. Naramdaman ko rin na bigla nalang hindi na ako naaattract sa lalake. Eme! Minsan nalang pala. Pero hanggang tingin nalang ako.

Kaya para sa kaniya, tinry kong magbago. Nagstart na akong magpa-cut ng buhok, manamit nang lalake, at kumilos nang lalake. Yung gay language nalang talaga ang inaaral kong tanggalin sa vocabulary ko. Majirap! Este, mahirap, but I'm trying. I'm really happy with her. Ngayon ko lang naranasang mahalin nang pabalik. Kasi noong bakla pa ako, parang ako lang ang nagmamahal.

But now, ramdam ko talagang may nagmamahal at nagkecare sa akin nang walang hinihinging pera o kahit anong kapalit. :)

Kurt
2012
ITHM
FEU Manila

ConfessionsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz