154 "Right love, wrong time"

48 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Right Love, Wrong Time

"Dear Feu Secret Files,

Career at family. Yan ang mga top priorities ko sa buhay ngayon. In fact, never pa ako nagka-boyfriend. Mas pinili ko kasing mag-focus sa studies ko ever since. May mga nakilala akong guys pero hanggang dating lang. Pero may naging magandang kapalit naman lahat. Nagkaroon ako ng latin honor pagka-graduate ko nung college then after that, nagkaroon ng work sa isang kilalang hotel.

Naging maganda ang takbo ng lahat. Umayon sa lahat ng pinlano ko. After a year of working sa hotel, nag-aim higher ako at nag-apply sa isang top-notch airline company. Yes, natanggap ako! Ilang buwan na lang makakaalis na ko ng bansa. Isa na namang answered prayer!

Kaso biglang dumating si Marco sa buhay ko. Guest namin sa hotel at kaibigan ng ka-trabaho ko.

Hiningi niya yung number ko. At itong si haliparot na ate, aba, binigay naman!

Nagkatext kami. Masaya siya kausap, walang dull moments. One time, inaya niya kong lumabas. Hala kinabahan ako. Yung huling nakipag-date ako eh last 2 years ago. Di ko na alam ang feeling ng nakikipag-date. Feeling ko awkward na ko at baka ipahiya ko pa ang sarili ko.

Pero I took the risk. Friendly date lang naman ito, wala namang masama no tska paalis na din naman ako in a few months kaya enjoyin ko na ang time hanggat nandito pa ko.

Kaso masyado akong nagenjoy eh.

Simple lang yung unang paglabas namin. Kumain at nagkape. Masaya siya kasama. Magaan kausap. Matalino syang tao at marami ng naranasan sa buhay. Soon-to-be lawyer siya pero kwelang kwela kausap. Hindi intimidating. Ang sarap makinig sa mga kwento niya at ang ganda ng ngiti niya!

Yung sumunod naming labas mas naging kumportable pa ko sa kanya. Unti unti ko siyang nakilala. At nagugustuhan. Nakakalimutan ko ang lahat ng stress ko sa trabaho pag kasama ko siya. Araw-araw din kaming magkatext.

Unti-unti ko na talaga siya nagugustuhan. Wala to sa pinlano ko teka.

Ilang buwan bago ko makilala si Marco, naka-set na ang plano ko. Magreresign ako sa trabaho at pupunta ng ibang bansa na walang iiwan kundi pamilya at nakaraan. Kumbaga ready akong umalis at buo ang loob.

Pero nung dumating si Marco sa buhay ko, tinamaan ako ng lungkot. Kung kelang dumating na yung tamang tao na kaya mong mahalin, tsaka naman wala sa timing.

Isang buwan na lang at aalis na ko ng bansa. Isang buwan na lang para itigil ko na yung nararamdaman ko bago ko pa mahalin si Marco ng lubusan.
Sana kayanin ko kaso sa tuwing magtetext siya, nabubuo na naman ang araw ko.

Masakit pero kailangang unahin ko yung pangarap ko para sa pamilya at para sa sarili ko.

Ayoko man umasa pero sana balang araw, magkita kami sa tamang lugar at tamang panahon.

Sana sa panahong yun, successful lawyer na siya at wala pa siyang ibang minamahal."

career woman
2010
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now