157 "Para kay dad?"

42 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

PARA KAY DAD?

My story may not be extraordinary or special to you but for me, it is. Yung tipong gusto kong tanungin yung pinakamalupit magdecide sa buong mundo kasi sa totoo lang hirap na hirap na ako. Bisexual ako. Yes, you read it right. Gulung-gulo ako sa sarili ko. And it feels like I'm such a disappointment to my dad. Sobrang proud siya sakin at yung buong family ko kasi kahit less fortunate kami, I was able to graduate as cum laude in FEU. I was able to pass my board exams in the same year. I can say we were able to get back the lifestyle we had before. Ang hirap lang kasi hindi ko masabi ng diretso sa dad ko na, "Daddy sorry pero bakla yung nag-iisang anak mo". Hindi ko kaya kasi hindi ko siya kayang masaktan. Kasi alam kong mahal na mahal niya ako. Although minsan, I feel that he already knows my "inner beauty" LOL. Kahit papano ramdam niya kasi at my age of 24, once lang ako nagdala ng babae sa Bahay, classmate ko pa. Tinatago ko yung 'totoong ako' sa kanya kasi alam kong masasaktan siya. Madidisappoint siya kapag narinig niya yun mula sakin. But in the first place, may contribution din naman siya kung bakit ako naging ganito. Yung halos ayaw niya akong madapuan ng lamok when I was a kid, yung hanggang ngayon "baby damulag" pa din ang tawag niya sakin, at yung ayaw niya ako ipabarkada sa mga kapitbahay naming lalaki kasi maliligaw daw ang landas ko. So ayun, naligaw nga ang landas ko. But it turned out this way. Pero until now, hindi ko pa rin masabi. May same sex partner ako currently and we have the same situation.

Sobrang mahirap. Lalong lalo na kapag kinakausap na ko ng daddy ko pag lasing siya. "Nak, alam mo yung pangarap ko lang naman e yung magkaron tayo ng bahay kasama yung pamilya mo. Yung aalagaan ko yung mga apo ko sayo. Kasi ikaw lang naman anak namin kaya gusto ko samin pa din kayo tumira ng magiging pamilya mo. Magkakasama tayo. Tuwing nagdadasal ako, nak, yun lang palagi ang sinasabi ko. Pakinggan mo yung sinasabi ko nak ha? Yun yung gusto ko.. Yun lang yung pangarap ko".

At alam ko na ang ibig niyang sabihin dun. Na dapat magkaron ako ng pamilya. Ang alam nila sa ngayon, single ako. Sabi ko kasi trabaho muna, ipon muna tayo. I just can directly say to him na, Dad, medyo mahirap po yung gusto niyo mangyari. But on the same night when I went to bed, inisip ko, parang posible naman ata? Kaya ko pa namang magbago. Isa pa, para sa ikakabuti ko rin to. Ang kaso lang, maraming taong maaapektuhan/madadamay/mahihirapan. Unang una, yung partner ko na dapat kong iwan para sa pangarap ng daddy ko. Pangalawa, yung magiging ina ng mga anak ko. Pangatlo, yung pamilya ko at lahat ng taong kilala ako. At huli, ang sarili ko.

Sana nananaginip na lang ako. Sana lasing lang ako kaya may hassle na ganito. Kaso mahirap pala talaga pag nasampal ka ng realidad. Mahirap makipagtaguan. Masakit. Sana ibigay ni Lord kung ano yung dapat, kung ano yung tama. Kasi sa totoo lang ayoko na at ang hirap hirap na.

RomaN
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now