32 "Isang linggong pag-ibig"

123 3 0
                                    

(This is a special confession from my friend, Mogu-mogu)

Pauwi ako nun galing sa trabaho and I was so exhausted that time. Since sa cavite ako nauwi at rush hour ang oras ng uwi ko ay laging punuan ang bus. So, obviously pag sakay ko ng bus from CCP eh nakatayo ako. Habang nakatayo ako lumilingon ako sa likod na part ng bus, iniisip na baka naman may magpaupo sa akin diba? Or baka may himalang empty seat na lumabas. Haha ! Then, after a while na pagtayo may isang taong kumalabit sa akin mula sa tapat ng kinatatayuan ko (well not totally katapat, sa likod actually ng katapat kong upuan. Basta yun na yun. Haha)

/NV:
Stranger: Miss, upo ka na.
Me: Salamat (with matching smile syempre. Ngalay na kaya ako)

Nung nakaupo na ako naiisip ko nun na ang layo-layo ng tingin ko kanina kakahanap ng makakapag-paupo sa akin, yun pala nasa tabi ko lang yung taong may mabuting puso. Hahaha ! Wag kase titingin sa malayo. Kaya di mo nahahanap si poreber eh. Cheret.

I also have this habit na twing may nagpapaupo sa akin sa bus eh nahihiya ako, na feeling ko utang na loob ko yung buong buhay ko sa kanya. Hahaha ! Lalo na pag yung bus sobra yung alog-alog tas nakikita ko yung taong yun na nahihirapan instead of me. Huhu gusto kong mag sorry talaga.

Sya yung pumalit sa pwesto ko syempre, since nagpalitan nga kami. Tanda ko pa nun na nakakapit yung kamay nya sa top part ng bus at mejo naka-talikod sya from me kaya di ko makita masyado yung itsura nya. (Di ko kase sya natignan nung pinaupo nya ko, ang nasa isip ko lang nun ay makaupo na. Haha) Edi ang ginawa ko tinignan ko nalang sya from behind. At bes likod palang nahulog agad ako. Hahahahaha ! Mejo maputi sya, maayos ang suklay ng buhok nya, talagang pamadang-pamada. Tas yung White long sleeves nya nakatupi pataas hanggang sa braso nya & you know what? Sobrang plantsado yun kahit pauwi na sya hahaha ! Well, obviously pauwi na sya nun kasi anong oras na (or so I thought) Tupi lang galing sa pag-upo yung makikita mong gusot sa likod ng long sleeves nya. Nakasuot din sya ng slacks. Wow si Mayor mukhang disenteng-disente ang trabaho. Makintab din ang black shoes na suot nya. Nakarating na kami ng cavite, saka lang sya nakaupo nung malapit na kami sa babaan, dun sya napaupo sa malapit sa pinto ng bus. Siguro mga 3rd seat sa right side. Dahil umupo sya naisip ko na siguro hindi pa sya dito bababa sa bababaan ko. Malaki naman ang cavite bat ba iniisip ko na same kami ng bababaan?

Pero for the last time gusto ko man lang makita yung itsura nya. Ewan ko ba, iba talaga yung dating nya sa'kin. Parang I want to know him more. Agad-agad ! So lumakad na ako palabas ng bus pero dahil nahihiya nga ako ay di ko man lang nagawang lingunin sya. Huhu. Bumaba ako ng luhaan non bes.

Nakababa na ako at lahat-lahat, nawalan na din ako ng pag-asa, pero laking gulat ko nung biglang nasa likod ko na sya ! OMG bes ! Pinauna nya lang pala akong bumaba. So meaning hinihintay nya lang talaga akong bumaba nun. Then kinausap nya ako. Di ko na actually matandaan yung mga eksaktong pinag-usapan namin. Basta ang natatandaan ko nalang ay sinabi nyang kilala nya ako. And I believed him. Why? Kase tropa pala sya ng Ex ko, (Though di sila lagi nagkakausap kase busy sya sa work) same sila ng subdivision lol. May nabanggit syang napakilala na daw ako sa kanila ni Ex. (Kaya pala kilala nya ako at alam nyang dun ako bababa sa bababaan nya din) Di ko naman matandaan kase napaka-daming kaibigan ng Ex ko na yun. Famous eh, pwede na ata tumakbo pagka-presidente. Kasi kahit saan kami pumunta noon laging may bumabati sa kanya. Hahaha !

Nagpatuloy kaming mag-usap hanggang sa jeep. Then bago sya bumaba ay nagkapalitan kami ng number. I didn't hesitate to give him since matagal naman na kaming wala ng Ex ko tropa nya. (Mga 1 month siguro hahaha !) eh wala lang naman sa akin kasi open naman ako magkaroon ng bagong friends.

Nagpatuloy kaming magtxt hanggang pagkauwi ko ng bahay. Syempre sya nauna mag-txt sa'kin. Nagpakilala muna sya. Nagkausap kami ng kung anu-ano lang. Napaka-boring nyang ka-txt actually, walang kabuhay-buhay. Pero pinagpatuloy ko parin kase iba talaga yung nararamdaman ko sa kanya. May spark kung baga. May bugso ng damdamin. Baka ako ang nanay nya kaya ganun? Hahahahaha ! Cheret ! So, yun na nga.

ConfessionsWhere stories live. Discover now