97 "Ang tanga-tanga ko"

47 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

"ANG TANGA TANGA KO"

Natatawa ako sa sarili ko. Ewan ko ba, nung nag pasabog yata ng katangahan sa mundo, sinalo ko lahat. Ilang beses nang nangyayari sakin 'to pero wala pa rin akong kadala-dala. 'Di pa rin ako natututo. Talaga nga sigurong nananalaytay na sa dugo ko ang katangahan. Sobrang hard ko sa sarili ko dahil alam kong sarili ko lang din ang sumisira sa sarili ko. Gulo ba? Paulit-ulit na self-destructive decision. Gahd.

Nakakahiyang aminin, pero buti nalang anon ako dito.

Nakakainis dahil palagi nalang akong nabibiktima ng mga fuccboi. Idk, sobrang shunga ko sa pag-ibig. Ang bilis kong mafall. Ang bilis kong mauto, maniwala sa mga matatamis na salita, mga unrealistic na pangako. Ang bilis kong maka-appreciate ng tao, yung mga small efforts, sweet gestures, dun ako madalas nakukuha.

Palagi nalang. Mabobroken-hearted ako, iiyak, mag-mumove on, may darating na bagong guy sa buhay ko, kikilalanin, magkakamabutihan, may mangyayari, biglang iiwanan. Ganito nalang palagi ang cycle ng lovelife ko.

Masama bang umasa na may lalaking seseryoso sa akin? O mali bang mag-mahal agad?

Ako kasi yung taong kapag mahal ko, handa kong ibigay ang lahat kahit na ang puri ko. Lait nga sa 'kin ng mga kaibigan ko, Kris Aquino raw. Matalino sa academics, boba sa pag-ibig. Hindi ko alam eh. Kasi ganito talaga ako mag-mahal. Ibibigay ko lahat sa tao para maramdaman niya na mahal ko siya. Sa dami ng nang-iwan sa akin, natatakot akong kapag tumanggi ako, bigla nalang akong iwanan. Na naman.

Ang sakit-sakit na. Mabait naman akong tao. Mapagbigay ako, kaya lumaki akong maraming kaibigan. Pinalaki ako ng magulang ko na palaging "Share your blessings". Kaya eto, pati puri ko ishinishare ko agad kahit hindi na tama. Aware akong hindi tama pero once na mafall ako sa guy, parang nawawala na ako sa sarili. Ang shunga-shunga ko langs.

Hay. Ang problema kasi sa personality ko, hindi ako mapagtanim ng galit. Specifically, yung trust issues? Never akong nagkaroon ng paniniwala na lahat ng lalaking darating sa buhay ko pare-pareho. Alam kong iba-iba ang ugali ng tao, kaya hindi tamang iconnect at igeneralize sila dahil sa past experience kong hindi maganda. Ang nakakainis lang, bakit lahat nalang?

Masama na bang maniwala na may true love pa rin? Na merong taong mamahalin din ako pabalik? Na uso pa rin ang forever, sparks, at The One? Palagi nalang akong umaasa. Palagi nalang ganito ang mindset ko. Shit. Sobrang hopeless romantic ko kaya siguro naloloko ako. :(

PS: Huwag kayong mag-alala, hindi niyo ako kailangang laitin na baka magka-STD ako sa ginagawa ko. I know the use of contraceptives. I'm not that dumb bessy, sa pag-ibig lang ako shunga.

PPS: Bakit kaya hindi nalang kasi pagsama-samahin yung mga walang balak mag-seryoso sa relationship, at yung mga gusto ng seryoso? Bakit palagi nalang dapat may maloko at masaktan? Nakakainis.

Anonymous_Shungaers
2011
ITHM
FEU Manila

ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon