127 "Papa/Secret virgin"

74 2 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Papa

V

Ate: Pa oh, si Joshua (ako) may bagsak nanaman daw!

Papa: Lintik yang hayup na yan! Dapat talaga ipinunas ko nalang sa kumot yan eh!

Me: Punas sa kumot? Edi wala kang gwapong anak ngayon? Tssss. (ngiting labas dimple at papungay ng mata parang Jose Manalo)

Papa: Kapal ng muka mo! Pangit mo! (pinipigilang tumawa)

Me: Mama sino ba kamukha ko sa pamilyang to?

Mama: Papa mo. Kilay palang eh!

Me: See? Edi pangit ka din pala 'pa?

Papa: Hahahaha! G*go! Sabi ko pogi ka! BINGE!

HAHAHAHAHAHAHA!

Pogi
2013
Other
FEU Silang

**********
Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Secret Virgin

Sa mga babae meron kaming measurement or test na malalaman namin kung gaano kaseryoso ang nanliligaw samin. Or it's just me.

Kapag alam kong may nanliligaw sakin una kong tinitignan ang effort. Kapag pumasa, yung tyaga nya sa pag hihintay. At kapag naka pasa gagawa ako ng white lies kung saan malalaman ko kung pagmamahal ba talaga ang pakay nya o alam nyo na, libog lang. Issue pa ang virginity nung panahon namin.

Sinasabi kong "Gugustuhin mo parin ba ako kahit hindi na ako virgin?" Kadalasan mapapatigil sila. Tapos nun hindi na mag te-text o magpaparamdam. Edi alam na. Kasi kung mahal mo naman hindi issue yun sayo eh.

Pero si Manuel,

"Ano ngayon? Mababawasan ba ang pagkababae mo kung hindi ka na virgin? Anong karapatan kong magalit o ayawan ka? Wala diba? Walang karapatan ang lalake na magreklamo sa bagay na yun kasi kung tutuusin dapat maging thankful pa kami dahil sinagot niyo kami. Kami ang nagmakaawa sa inyo at hindi kayo. Hindi bigdeal yun para sakin. Hindi man ako ang first, atleast ako ang last."

22 ako at 25 siya nang makilala ko siya at maging kami. Tumagal kami ng three years nang walang nangyayari samin kasi ayaw ko. Hanggang sa we decided to get married na. Then when we had our first make love, the day after our wedding. Yung honey moon part na. Nasurprise siya kasi nag bleed. Then I told him the truth and he was so happy.

Atleast, kahit medyo selfish yung way ko nakahanap naman ako ng forever sa first and last boyfriend ko.

mommy of three kids
2003
Other
UST

ConfessionsWhere stories live. Discover now