140 "Basha"

35 0 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Basha

"Bat tayong mga babae gustong gusto natin yung pakiramdam na nasasaktan tayo??
Yung pakiramdam na dinudurog yung puso natin dahil sinaktan tayo ng lalaking sineryoso at minahal natin ng todo todo.

Yung gabi gabi na nakikinig ka ng musika na ""let me be the one"" at ""i'll never go"" Instead na kantahin mo ng malakas mas gusto mong ninanamnam yung lyrics dahil lahat ng binabasa mo ay nagtutugma sa nararamdaman mo.
Yung paulit ulit mong pinapanuod yung movie na ""One more chance"" ni Basha at Popoy at sasabayan yung mga linyang ""Ako nalang, ako nalang ulit! "" na akala mo kaharap mo lang yung taong nanakit sayo.
Yung habang tinitignan mo yung mga litrato niyo at iniiyakan mo sabay sabi sa sarili na ""bat tayo nagkaganito?"" ""Bat to nangyare satin?""
Yung bubuksan mo yung cellphone mo at babasahin ng tahamik habang umiiyak yung mga nakasaved na long and sweet conversations niyo.
Yung paulit ulit mong inistalk fb niya at tinatanong yung kamag anak niya at mga kaibigan niya para kamustahin siya at tanungin kung meron na ba siyang iba.
Yung paulit ulit mong binabalikan yung mga lugar na kung san madalas niyong puntahan.
Yung iniimagine mo kada gabi yung mga surprises na ginawa niya para sayo.
At higit sa lahat.....
Yung inaalala mo kung pano kayo NAGKAKILALA at kung pano NAGING KAYO. </3

Siguro nga masarap sa pakiramdam naming mga babae. Weird di ba??
Akala natin, SILA na yung makakasama natin habang buhay at bubuo sa kwento ng ""HAPPY ENDING.""
Pero sa huli MALI pala ang akala natin. Minsan sila pa yung magiging dahilan at magtuturo at magdadala satin sa TAMANG TAO at mapapasabi ka nalang sa sarili mo at sakanya na, ""Maraming salamat sinaktan moko, dahil sayo nahanap ko yung lalaking karapat dapat sakin. Yung hindi ako sasaktan gaya ng ginawa mo sakin. Salamat ha?""
Yung balang araw maaalala at mapapatawa ka nalang sa lahat ng sakit at hirap na pinaranas at ginawa niya sayo."

Lahat pinagdaanan
2011
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now