124 "Moving on"

45 1 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Moving on

Mag tatatlong taon na mula nung nag hiwalay kami ng girlfriend ko. 3 taon kame nagtagal, 3 taon sya nagtiis sa ugali ko. Seloso ako, insecure parati. Hindi kasi ako gwapo at mayaman. First girlfriend ko siya, Ako naman Second lang niya. Immature pa ako non, 4th Yr High School palang kami pareho nung naging kami. Hindi ako marunong humalik, smack lang ang alam ko kasi inosente pa ko dati sa ganyan. Akala ko dati nagkkiss lang pag matagal na kayo o ikakasal na. 1st kiss namin nung 3 months na kami, yun din yung 1st date namin kaya kabado ako, sinamahan ko siya sa interview niya sa UST after non nag SM north kame, kumain at nanood ng sine. IMAX yun galante ako pag dating sa kanya, ayokong gumagastos siya. Tangled yung pinanood namin sakto may kissing scene sa huli kaya niyayaya ko siya magkiss pero ayaw niya kaso naawa sakin kaya kiniss na nya ko. Sa lips. Hindi smack. Kinagat nya labi ko tapos tinigil ko yun at tinanong kung anong ginagawa niya, ganun daw mag kiss kaya na amaze ako tapos hindi pa pala yun yung final form ng kiss, after ilang months umabot na sa french kiss. Pero nung 5th month namin, may inamin siya. Ginawa nila nung ex niya nung sila pa, umabot sila ng 3rd base pero hindi raw sila nag sex. Naalala ko dahil inosente pa ko dyan dati, naiyak ako kasi hindi ako makapaniwala HAHA big deal kasi sakin yun. Alam ko ginagawa yun pag mag asawa na. Tinanggap ko pa rin siya kaso dahil seloso ako, gusto ko matry lahat nung tinry nila. Hanggang sa nag sex kami. Pero bago namin gawin yun, vinideohan nya ako na nag ppromise hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Pero kahit na nagawa na namin lahat, hindi parin nawawala yung pagseselos sa mga kaibigang nyang lalaki at kaibigan kong babae. 1 week before our 3rd anniversary, inaway ko yung kaibigan nyang lalaki, pinagbantaan kong bubugbugin. May gusto kasi siya sa girlfriend ko non. Gusto ko na makipag break non kaso dahil nag sex na kami hindi ko kaya makipag break. Andaming nangelam non, hanggang sa inaway ko yung kaibigan nyang nangingialam. Babae. After non nakipag break na siya sakin, masakit samin parehas pero kaya niya at ginawa niya. Nakikita ko pa rin siya, FX, village namin pero hindi na kami nagpapansinan. 3 years nang naghiwalay kame, nakausap ko siya last week. Umaasa pa rin ako na in time baka kami pa rin kase parehas kaming single. Kaso may inamin siya sakin. Nag gago raw siya. Nakipag sex siya sa kaschoolmate niya. Maraming beses. No strings attached. Yun yung rason kung bakit ko siya tinigilan. At hindi na ko umasa na magiging kami ulit, yung 0.1 chance na inaasahan ko naging 0 na. Pero sinabi ko sakanya kahit na ganun nangyari sa kanya, kung babalikan niya ko, tatanggapin ko pa rin siya. Mahal ko pa rin e. Pero kailangan ko na yata kalimutan ng tuluyan.

qwertypuss
2012
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now