28 "Takipsilim"

98 2 0
                                    

Post taken from//Fb post: University Secret Files

TAKIPSILIM

Minsan talaga sasapakin nalang yung utak mo ng mga ala ala na dimo alam kung naiisip din ba niya
Nakakalungkot, kase ung nararamdaman mo lang ang may alam ka, hindi ung sa kanya
Masasabi mo nalang "sayang", kase di maganda ang kinahantungan ng lahat
Matutulog ka sa gabi na nakapikit, pero ung diwa mo naman dilat

Masaya naman tayo nung una kahit alam mong may nararamdaman ako sayong espesyal,
Wala man lang pakailang, mas lalo pa ngang naging madaldal.
Magkausap sa gabi hanggang pagutulog, minsan magkasabay pang pumasok ng eskwela
Maraming bagay na magkasundo kala mo iisa lang ang kaluluwa.

Lumipas ang panahon tila mas lalo pa tayong nagkalapit,
Walang pagtatalo bagkus puro pananabik.
Pananabik na pumasok sa paaralan upang makita ka,
Parang tipikal na estudyante, pero hanggad lang ay makasama ka.

Lumaon ay lumalabas narin tayo, pero alam ko wala lang un sayo.
Alam ko kaseng "open" ka lang na tao, kaya pumapayag ka sa gusto ko.
Kakain sa labas, manunuod ng palabas, ilan lang yan sa mga nangyayare.
Pero sa akin makasama lang kita, yun lang ang importante.

Diko din napansin na hinahatid na pala kita sa inyo,
Lalo na nung may araw na sobrang gabi na ng uwian nyo,
Masaya ako nun kase alam ko na kung saan ka nakatira,
Pero mas masaya ako kase ung sa bagay na yon napapapayag narin kita.

Taon na ang nagdaan, ganun padin ang tema
Kaso nga lang di maiiwasan na "busy" kana sa pag iiskwela,
Sabi ko sa sarili ko "tiis lang" matatapos rin to,
Panigurado, makikita ko nanaman ang mga espesyal na ngiti mo.

Lumipas ang panahon, dumating na sa atin ang mga pagtatalo,
Diko talaga alam kung saan nagmula, pero nagpapang abot nalang tayo.
Madalas na ang walang pansinan, nakakasalubong pero parang di na magkakilala.
Pero sabi ko lang "tyaga lang", maaayos din natin ang eksena

Nagkakaayos naman tayo at balik sa dating gawi,
Pag naisipan ko sasabihan kita at ihahatid na kita pauwi,
Tumigil mundo ko nun, nung hinawakan mo ang aking kamay,
Di ako magising sa katotohanan, nung ikaw sa akin ay umakbay.

Madalas ang ganong tema, pakiramdam ko di kana sakin mawawala,
Nagsimula nakong mangarap na sa tamang panahon, ikaw na aking makakasama.
Diko makakalimutan nung nakasalubong kita at bigla mokong niyakap,
Yun ung unang beses na ginawa mo yon, pakiramdam koy para kong nasa alapaap.

Natatawa pa nga ako kase humingi ako ng permiso kung pde ba kitang yakapin,
Kinakabahan ako sa sagot mo, pero pumayag ka naman din.
Nga pala, naalala ko, may dalaw ka non.
Gusto mo ng siomai, diko alam pero parang paborito mo ata yon.

Agad akong umalis ng bahay para maghanap ng mabibilhan,
Sa una ayaw mo pa pero pumayag ka din naman
Anlakas mo pala sa siomai dun ko lang napansin,
Niyayaya mo pakong saluhan ka, pero parang ayaw mo naman ipakain.
Yun din ung unang beses na nakapasok ako sa bahay nyo kahit sa garahe lang tayo nakatambay.
Sabi mo kase "no boys allowed" pero salamat talaga kay siomai

Ansaya ng mga panahong yon, akala ko di na magbabago,
Pero ika nga nila "walang permanente dito sa mundo",
Mas dumalas ung pagtatalo kesa sa pagiging masaya,
Yung pagiging kampante ko, napapalitan na ng problema,
Madalas mo nakong hanapan ng mali kahit wala akong ginagawa,
Mas nararamdaman ko na ang paglayo mo, na parang sawa kana.

Hinayaan ko lang lahat dahil alam ko "lilipas din yan"
Pero ang nangyayare umiiwas kana ng tuluyan
Palagi mo ng sinasabi "wala naman na tayo pag uusapan bat pa tayo magkikita?"
Minsan namay "wala ka naman sakin mapapala"
Paulit ulit na ganyan, walang nabago sa eksena
Patuloy din akong nagtitiis, ngunit nakita ko nalang malayo kana pala
Ayaw ko ng guluhin ka kaya tumigil narin ako
Pero diko talaga kayang dalhin ung bigat na bitbit bitbit ko
Marami akong katanungan na diko alam kung meron bang sagot
Yung dating ngiti pag kasama kita, napalitan na ng lungkot
Siguro nga, meron ka ng mahal na iba. kaya mas pinili mo nalang lumayo kesa naman akoy masaktan pa
Sana kung meron man, sana mahalin ka niya,
Sana alagaan ka nya di tulad ng aking ginawa

Di ko alam kung paano ko to tatapusin, ang haba na ng kwento ko pero andami ko pang gustong sabihin
Ang hirap sobra yung biglang ganun nalang,
Yung parang wala lang lahat ng pagsisikap ko manatili ka lang.
Pero sabi nga ng iba, hindi palaging may liwanag meron at meron talagang dilim,
Parang bawat araw sa buhay natin, darating at darating ang takipsilim.

maraming salamat po sa pagbabasa ..

BossUmak

N//: Dapat yata ang title nalang nito "Siomai" haha.

ConfessionsWhere stories live. Discover now