125 "Sorry, huli na"

36 3 0
                                    

Post taken from//Fb page: FEU Secret Files

Sorry, huli na.

May crush ako na dating athlete ng FEU, team B palang naman siya nun' pero napirate na ng ibang University ngayon so wala na siya sa Campus. Nung nasa FEU siya, friend kami. Pareho kasi kaming ilocano at ang pag uusap nun ang nagiging bonding namin. Kwentuhan about sa province namin. Mga mutual places na alam namin. Parang kami lang ang nagkakaintindihan sa isa't isa at kapag nag uusap kami, hindi maka relate ang iba naming kaibigan at sabay nalang kaming matatawa. Aside from being friends, as I've said earlier, I had a crush on him pero that was kept as a secret. Never kong pinaramdam yun sa kanya kasi syempre babae ako. Nakakahiya naman kung ako pa yung magbibigay motibo. Conservative and all.

I liked him for the reasons na hindi lang siya cute, chinito, matangkad, ang pinaka nagustuhan ko sa kanya is yung pagiging gentleman niya. Unlike the other athletes na basketball player, player din sa babae. Hindi siya ganun. Pano ko nalaman?

Kasi may girlfriend siya.

At ang sakit sakit sakin makita silang dalawa na masaya. I never wanted to be an antagonist of their happy lovestory so I remained myself quiet and hurt on the inside. Mahal na mahal niya yung girlfriend niya at ang laki ng takot niya dun sa girl. Simula ng makilala niya yun, hindi na siya madalas sumasama samin twing rest niya sa training kasi ayaw daw siya payagan ng girlfriend niya. Nakakainis na masakit sa feeling kasi nung single pa siya palagi kaming magkakasama pero noon, parang kinakalimutan niya na kami, pati ako. Kaming dalawa.

Nasasaktan ako kasi hindi na siya kagaya ng dati na kami lang. At that point, naisip kong siguro kailangan ko ng mag move on. Wow? Move on? Hahaha! Move on sa feelings kahit hindi naging kami.

Months have passed. Nakakilala ako ng guy na nag patibok ulit ng puso ko. LOVE LOVE LOVE! (Kris's voice) Para siyang Prince charming sa cartoons na nag ahon sakin sa kalungkutan. Wow DEEP! 😍 Pinakilala ko si my loves kay ex-crush (si guy na athlete), pati narin sa iba naming friends.

Pero nagtataka ako dahil napapansin kong kapag kasama ko ang boyfriend ko sa hang out namin madalas umaalis si ex-crush at maagang nag papaalam gamit ang kung anu-anong dahilan. 'Til one time, bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako sa kusina ng bahay ng friend namin kung san kami nag bo-bonding noon.

Nag tapat siya sakin na nasasaktan siya kasi may boyfriend na 'ko. Narealize niya daw na mahal niya ako at handa siyang iwanan ang girlfriend niya para sakin. Hindi niya daw kaya ng wala ako at kino-convince niya akong iwanan din ang boyfriend ko para maging kami nalang pero..

Huli na.

Kahit minahal ko siya noon, ang noon ay mananatili nalang sa noon. Tinanggihan ko siya. Sinabi kong mahal ko ang boyfriend ko sabay tanggal ng kamay ko sa kamay niya at alis.

Hindi ko din alam kung paano ko nagawa yun dahil parang noon lang deds na deds ako sa kanya. Wala na kasi yung feelings na meron ako noon dahil iniwanan ko na lahat sa nakaraan.

Ganon pala yun kapag naka move on ka na ng tuluyan. Kahit balikan ka at kumatok ulit sa puso mo yung dating taong laman nun, di mo na pagbubuksan ulit.

red
2010
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

ConfessionsWhere stories live. Discover now